CHAPTER 23

134K 2.9K 20
                                    

SnA:
I know. Matagal bago nasundan but honestly wala kasi talaga akong maisip na scene at hindi ko alam kung ano ang isusunod tapos nagpasukan pa and super pressured na agad dahil sa 3rd year college na ako tapos Accountancy pa ang course ko. Huhuhu Ang sarap sanang magshift.

*****

Sakay kami ng kotse papunta sa Sunnyville Montessori. Zamara is seated at the backseat beside Ate Flor. Yes, nakauwi na si Ate Flor, ang yaya ni Zammy, kahapon kaya siya na ulit ang magbabantay sa bata.

I looked at the man driving beside me. Ang gwapo talaga niya, walang tulak-kabigin. He is the epitome of maleness. Isn't it a crime to possess that sinfully gorgeous face and perfect body?

"Any problem, Cexchia?"

I blinked several times. His forehead was knotted. "Huh? Ah, wala naman. Bakit?" Nakakatulala lang kasi ang kagwapuhan mo.

"Nakatingin ka kasi sa akin. You look like you are in deep thought. I just want to know. Is something bothering you?"

"Nothing." I'll just miss you, that's why. "Wala naman. Naisip ko lang na ako ang magluto ng lunch natin mamaya. If it's okay with you."

Zamara squealed at the back and clapped her hands excitedly. Nilingon ko naman siya. She has that cute and adorable smile.

"Really, Mommy? You'll cook lunch for us?"

I smiled at her. "Of course, if you want to."

"I want! I want!"

"Pwede kang magluto sa opisina ko at doon na lang tayo kumain. I have a kitchen there."

Napalingon naman ako ulit kay Grae. I smiled at him. "Okay."
*****

Tumunog ang mantika ng inilagay ko ang igigisang bawang at sibuyas sa kawali. Isinunod ko ang pinakuluang giniling kanina at iginisa kasabay ng bawang at sibuyas. At saka ko inilagay ang tomato sauce at tinimpla ito bago pinakuluan. Magluluto ako ng giniling as requested by Zamara.

Inihanda ko na rin ang ingredients ng chopsuey para may gulay naman, di ba?

Tiningnan ko ang oras, quarter to eleven na pala. Tamang-tama lang kapag dumating na si Zamara ay luto na ito.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagluluto ng giniling at chopsuey. Gusto ko pa sanang dagdagan ng ibang putahe pero kami-kami lang naman ang kakain kaya baka masayang kapag hindi naubos.

"Kailangan mo ng tulong?"

Napapitlag ako ng marinig ko ang boses sa likuran ko. Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko ang nakapamulsang si Grae habang nakasandig sa kitchen island. He looks delectable than the foods I am cooking with his office suit.

Get a grip, Garcia! Wholesome ka, okay? Stop your dirty thoughts at baka siya talaga ang makain mo.

Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang agiw sa isip ko, salamat sa impluwensya ni Lanlan.

"No, kaya ko na. Hindi mo pa ba susunduin sina Zamara?"

"Pinasundo ko na lang sila kay Mang Robert. They'll be here, don't worry."

"Okay." Ibinalik ko ang atensyon sa mga niluluto ko. Hindi kasi ako makapagfocus kapag nakatingin ako sa kanya.

Be still, my heart.

"You sure you don't need my help?"

"No. I can manage. Bumalik ka na lang sa labas at asikasuhin mo ang kumpanya mo. I'm okay." Natutuliro kasi ako sa presensya mo.

"Cexchia..."

I felt goosebumps when he mentioned my name. Shit! Ano ba naman kayo mga cells ko sa katawan, bakit ganyan kayo?

"Hmm?"

"Are you doing this because it's your last day? Ito ba ang paraan mo para sabihing aalis ka na?"

Napatigil ako sa paghalo ng giniling. Pinatay ko muna ang stove bago humarap sa kanya.

He was looking at me intently. I took several steps closer to him and stopped as I stood a few feet away from him.

"We had a deal, right? And it ends now. So naisip kong ipagluto kayo kasi... Well, naisip ko lang. And I want to spend time with Zamara kasi mami-miss ko siya. At saka... I want to do this para naman pasasalamat na rin sayo kasi binigyan mo ako ng chance na ganito." I sighed and smiled at him. "Saka para malasahan mo ang luto ko."

Bumalik ako sa pagluluto.

"The way to a man's heart is through his stomach."

Nagtatakang lumingon ako sa kaniya. Ano ba ang sinasabi nito?

"Do you believe in that saying, Cexchia?"

Since luto naman na ang ulam, inilagay ko na ito sa bandehado at inilagay sa lamesa. All the while nakasunod sa akin ang kaniyang tingin.

"Well?" he inquired at nakataas pa ang kilay niya.

"Bakit mo itinatanong?"

Nagkibit balikat siya. "Wala lang. Baka yon ang isa sa dahilan mo sa pagluluto."

Nakatingin lang ako sa kanya ng ilang segundo bago rumehistro sa utak ko ang ibig niyang sabihin.

"So you're saying--"

"That maybe you believe in the saying and you want to try it with me if it works."

I looked at him disbelievingly. Hindi naman yon ang purpose ko sa pagluluto. Gusto ko lang talaga at para na rin magpasalamat. But come to think of it, pwede na ring rason yon, di ba?

I raised my brow at him and smirked. "Di ba gusto mong tumulong. Hala, sige, ihanda mo na ang lamesa. Maglagay ka na ng plato, baso, kutsara't tinidor. Tapos ng tubig na rin. Any minute now, darating na sila."

Ilang minuto rin kaming nagkatitigan bago siya tumayo. Inihanda nga niya ang lamesa habang nakatingin lang ako sa kanya. Hindi bagay sa kaniya ang gumawa ng ganyan but he looks so hot.

Pagkatapos ng kaniyang ginagawa ay humarap siya sa akin.

"So... Kailan mo gustong makuha ang interview ko?"

Natigilan ako sa tanong niya. Is he excited to get rid of me? Ouch. That stings.

"Ikaw, kailan mo gusto?"

"Honestly? I don't want to give you my interview para naman lapit-lapitan mo ako kahit na ang rason lang ay trabaho. So I could still see you. So I could demand attention from you. So I could be with you." He paused and sighed. "But a deal's a deal, right? So you can have my interview tomorrow. I'll let my secretary set an appointment for you."

I was speechless. Para na rin niyang sinabi na ayaw niyang magiwalay kami ng landas. He wants me to stay. Does that mean...

"And by the way, I believe that the way to a man's heart is through his stomach. So, hihintayin pa ba natin sila o mauuna na tayong kumain? I'm kinda excited, you know?"

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon