CHAPTER 22

157K 2.9K 134
                                    

SnA:
Gosh! Binasa ko ulit ang kwentong ito mula sa simula tapos nakita kong ANG DAMING TYPOS! May mga wrong grammar pa. Pero mag-eedit ako, hindi nga lang ngayon pero I'll find time.
*****

Sunday ngayon! At magsisimba ako! Kahit gaano pa man tayo ka-busy, wag na wag nating kakalimutan si Lord. Siya nga hindi nakakalimot, dapat ganon din tayo. At saka magpapasalamat na rin ako kasi dalawang araw na lang mapapasakamay ko na ang inaasam-asam kong interview!

Tiningnan ko ang sarili ko sa harapan ng full-length mirror dito sa loob ng walk-in closet. I am wearing a V-neck plain white shirt na itinupi ng dalawang beses ang manggas, maong jeans, and white rubber shoes. No make up, just powder and lip gloss. No jewelries, just beauty and a wrist watch. Ipinusod ko na lang ang buhok ko at lumabas na sa closet. Kinuha ko rin ang body bag ko sa ibabaw ng kama at isinukbit ito.

Alas dose na ng tanghali. Balak kong umalis ng ala una para makapasyal after ng misa. Dumiretso ako sa dining area pagkababa ko. Nakita kong nakaupo na ang mag-ama at nag-uumpisa ng kumain.

"Hello! Ang sarap naman ng pagkain!" sabi ko habang umuupo.

"Going somewhere, Mommy?" tanong naman ni Zamara.

"Magsisimba ako, Zammy. Para magpasalamat kay Lord sa lahat ng blessings niya. And to ask for forgiveness for all the things that I have done." sagot ko habang naglalagay ng pagkain sa plato. "You want to come with me, Zammy? Let's attend mass and we can go to the mall after."

Her face beamed. She clapped her hands and turned to Grae. "I like to, Daddy! Can I, can I?"

Hindi naman nagsalita si Grae. Tumingin lang siya sa nakangiting si Zamara ng ilang sandali bago tumingin sa akin. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay, daring him to answer.

"Okay. You can prepare yourself after you eat." sagot nito.

Napapalakpak naman si Zamara at umabot yata hanggang langit ang ngiti ng cute na batang ito. "Yes, Daddy! I'm so excited!"

Pagkatapos nga naming kumain, umakyat kami ni Zamara sa kwarto niya. Pinaliguan ko siya ulit (kasi naligo na siya kaninang umaga) at binihisan ng pink na dress. Alam niyo naman, mahilig sa pink ang cute na ito. Tinernuhan ko naman ito ng puting doll shoes. Wag naman nang pink, nakakaumay naman kaya.

Pinatuyo ko ang buhok niya gamit ang blower at pagkatapos inayos ko ang buhok niya sa crown braid. Pinulbusan ko rin siya at pinabanguhan.

"Done!"

She checked herself in the mirror. Natulala pa siya ng ilang segundo bago nagpaikot-ikot sa harapan ng salamin.

"Wow, Mommy! I look like a princess!"

I smiled at her. "Because you are."

Satisfied, she held my hand and pulled me outside her bedroom. Pagbaba namin sa sala, nakita kong nakaupo sa sofa si Grae.

"Daddy!" Tumakbo palapit sa kanya si Zamara.

Kinarga nito ang bata bago tumayo. Tumingin ito sa akin. "Let's go."

Huh? Let's go?

Saka ko napansin ang suot niya: white V-neck shirt, washed jeans, and Under Armor shoes. May silver wrist watch din siya sa kaliwang kamay.

"Ha? Uh... Sasama ka?"

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "No, nagbihis lang ako ng ganito dahil ihahatid ko kayo sa labas ng bahay. Kaya nga 'let's go', di ba?"

Pinagtaasan ko rin siya ng kilay. Aba! At may gana pang mamilosopo ang lalaking ito! Porke ba nanagalog ka na ngayon, hmp!

"Sige na, sige na. Kawawa ka naman dito kung iiwan ka lang namin, wala ka pa namang kasama. Baka may magpakitang multo rito saiyo atakihin ka pa sa puso."

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon