CHAPTER 28

136K 2.6K 66
                                    

SnA:
Mabilis ba ang pacing ng kwento ko? Kinikilig din ba kayo? Please answer me honestly. Kasi ako sa totoo lang nabibilisan sa kwento at saka hindi ako kinikilig. Lol. Hahaha Ang abnormal ko talaga. Bwisit.

Ito ang pinakamahirap na chapter so far. Dumugo ang utak ko. Tapos feeling ko ang pangit. Huhuhuhu. Comment kayo please! Thank you.
*****

Nakangiting pumasok ako sa opisina ni Athena. Tinawagan niya ako kanina at pinapunta rito dahil may sasabihin daw siya.

"Hello, mortal! Nandito na ang diyosa ng kagandahan na bumaba pa mula sa bundok ng Olympus. Anong maipaglilingkod ko saiyo?"

Nag-angat ng tingin mula sa pakikipagtitigan sa kaniyang laptop si Athena. Nakasuot pa ito ng salamin pamprotekta mula sa radiation na dulot ng ka-eye-to-eye nito.

"Tigilan mo ako sa kabaliwan mo, Cexchia. Umupo ka nga."

Tumigil ako sa paglalakad ilang hakbang mula sa kanyang lamesa at saka nag-indian seat sa sahig.

Tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan na parang nababaliw.

"Sabi mo umupo." sabi ko sakanya.

Pumikit siya at tinampal ang noo. "Nabu-bwisit na ako sa kapilosopohan mo, Garcia. Baka gusto mong alisin kita sa candidates for promotion."

Dali-dali naman akong umupo sa visitor's chair. "Ito naman, hindi na mabiro. Relax lang, Ma'am Athena. Masyado na kayong stressed. Gusto niyo ng massage? Full body? Thai, Swiss, hard, soft, boiled--"

Tiningnan niya ako ng masama na nakapagpatigil sa akin. Nag-peace sign naman ako at ngumiti ng malawak.

Umiling lang siya at bumuntong hninga.

"Sige na nga seryoso na. Bakit mo ba ako pinapunta rito?" tanong ko.

May kinuha siya sa drawer ng kaniyang office table at ibinigay sa akin. Kinuha ko ito at nanlaki ang mga mata mg makita kung ano.

Napatingin ako sakanya na nanlalaki pa rin ang magagandang mga mata. And then I smiled. "Nandito na!"

She smiled a little. "As I expected. Ganiyan ang magiging reaction mo."

Napatingin ulit ako sa hawak ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa kamay ko na siya at nakikita ko na. I still have that stupid smile on my face.

Oh, God! Thank You so much po! I love You talaga, Lord! Thank You for making this possible.

"The submission of the magazine entry would be tomorrow and its release will be two days after, the start of its sale. So, I want you to give each billionaire bachelor a complementary copy para naman meron sila."

Parang tangang tumango lang ako na hindi pa rin inaalis ang tingin sa hawak ko.

Published na ang article ko! Hawak ko na ang magazine!

Ang cover nito ay isang babaeng salitang "Magz Awards" at nakapalibot dito ang iba't ibang articles naming mga candidates for promotion since kung natatandaan niyo pa, hindi lang ako ang magsa-submit ng article para sa ipanlalaban naming magazine sa Mags Awards.

Sayang. Feeling ko kung picture nung limang nag-ga-gwapuhang nilalang ang cover, maraming papakyaw nito.

My article's title is "The Billionaire Bachelors Series: A Glimpse". I know. I know. I'm so awesome talaga.

Binuklat ko ito sa page kung saan nandun yung article ko. And boom! Center page, baby! As in nasa center page!

"Oh. My. God. Center page!" tili ko.

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon