CHAPTER 39

141K 3K 74
                                    

SnA:
On its way na ang Chapter 40. Nakasave na sa drafts ko yung umpisa. Depende na lang kung tamarin ako kasi may gagawin pa pala akong analysis na hindi ko maintindihan kung paano gawin. Sa "major" pa naman yun. 10 units. Hahaha Okat. Shut up.

Dedicated din sa kaniya dahil nalula ako sa dami ng notif sa notifications ko galing sa kaniya. Salamat ng marami.

SALAMAT DIN SA LAHAT NG FOLLOWERS, READS, COMMENTS, AT VOTES GALING SA INYO! Sana walang magsawa! Salamat.

Unedited.
*****
Nakaupo ako sa visitor's chair sa harapan ng mesa ni Athena sa loob ng kaniyang opisina. Kailangan niya raw akong kausapin tungkol sa billionaire bachelors.

"Kailan mo maipapasa ang draft article ni Xrizcianno?" tanong nito ng nakasalikop ang mga kamay.

"Kapag natapos ko." nakangising sagot ko. Tiningnan naman niya ako ng masama kaya ngumisi lang ako sa kaniya at nag peace sign. "Joke. Baka next week Monday. Hindi kasi ako nasa-satisfy sa naisusulat ko kaya delete-delete ako."

Tumango-tango naman siya. "Okay. I'll be expecting that on Monday morning. Anyway, ang isa pang dahilan kung bakit gusto kitang kausapin is because the board wanted to have a television interview of the billionaires."

"Oh? Bakit daw?" takang tanong ko.

"Dahil sumisikat na ang billionaire bachelors. And people wanted to see them in person and on cam. The board thought that this could be one way to promote our magazine."

"Pero hindi ba parang kinokompitensiya natin ang articles? I mean, it is better kung hayaan muna natin silang macurious sa lima and juat give them a bit of information sa pamamagitan ng magazine. In that way, mapipilitan silang bumili ng magazines na ilalabas natin at mas pag-uusapan sila hanggang hindi pa lumalabas ang susunod na issue."

She thought about it for awhile. "You have a point there. Okay, sasabihin ko yan sa board sa susunod na meeting namin."

"Oo nga pala, naglabas na ba ng partial results ang Magz?" excited kong tanong.

"Nope, not yet. Sa third month na raw sila maglalabas ng partial results."

Napalabi naman ako sa sagot niya. "Sayang, gusto ko pa namang malaman kung ano na ang standings natin."

"Don't worry, Cexchia. Sa nakikita ko naman, nasa itaas tayo ng standings. Judging from social networking sites and sales masasabi kong we're doing great." nakangiting sabi niya.

"Sana." cross fingers kong sabi. "Anyway, pwede na ba akong umalis? Gagawin ko pa yung kay Xrizcianno at ng maihabol ko sa Monday. Saturday na bukas, o!"

"Okay. Pwede ka ng umalis. Thank you."

Lumabas na nga ako ng opisina at sumakay sa elevator pababa sa ground floor. Solo ko ang lift ngayon. I stared at the numbers indicating the floors I am in.

Bigla akong napangiti ng maalala ko ang eksena kagabi sa condo unit ko. Oo, yung pagtulog ni Grae sa condo ko. But, hey! We didn't do anything sexual or sensual. Nag-usap lang kami, nagyakap, at naghawak-kamay. Yun lang talaga. He respects me which I appreciate so much kaya mas minahal ko pa siya lalo. He's a gentleman naman pala and not that arrogant.

Dapat pala, "The Goddess Writer and The Not-so-arrogant Billionaire Bachelor" ang title ng kwento namin.

Anyway, so yun nga, we spend the night just cuddling with each other. We slept together in bed. Nagpumilit kasi siyang matulog sa tabi ko eh mahal ko kaya pumayag ako. Malamang makukurot ako ng nanay ko sa singit kapag nalaman niya ang ginawa ko at umuwi yun bigla galing sa pagliliwaliw nila ni Papa sa kung saan mang lupalop ng mundo. Conservative pa naman si Mama.

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon