CHAPTER 45

135K 2.6K 43
                                    

SnA:
Ang saya ko, promise! SALAMAT SA LAHAT NG NAGBABASA, NAGKO-COMMENT, NAGVO-VOTE AT NAGLALAGAY NITO SA KANI-KANILANG READING LISTS :) All of you make me so happy everytime I open my Wattpad account. Sana walang magsasawa hanggang sa huli mga beh!

SALAMAT ULIT NG MARAMI!
*****

Nakangiti ko silang pinagmasdan habang naglalaro. Naririnig ko ang masayang hagikhik ng bata habang kinikiliti ito.

Nasa opisina kami ngayon ni Grae. Katatapos lang ng klase ni Zamara sa Montessori school na kaniyang pinapasukan. Inimbitahan kami ni Grae na dito na kumain ng pananghalian.

"Lola, stop na po! I can't breath." sabi ni Zamara habang kinikiliti ito ni Mama.

Tumigil naman si Mama sa pagkiliti. Nakapaskil sa labi nito ang isang masayang ngiti. Hinaplos niya pa ang buhok ng bata at punong-puno ng kasiyahan ang mga matang tinitigan ito.

"You are very beautiful, Zamara." puro nito sa bata.

Zamara's smile widened. "Thank you, Lola! You are pretty yourself, too. Now I know where Mommy got her beauty."

Humalakhak si Mama. "Thank you, apo. Ang mga bata talaga, hindi marunong magsinungaling. Yes, your Mommy got her looks from me."

"Honey, magkasama nating ginawa si Cexchia kaya share tayo sa genes niya." kontra agad ni Papa.

"Lolo, you are also handsome. But Mommy looks like Lola po." sabi ni Zamara.

Pinagtawanan naman ni Mama ang nakasimangot na mukha ni Papa. I smiled to myself. I like watching them like this.

Naikwento namin si Zamara nung gabing nagdinner kami sa bahay. Hindi lang nakasama ang bata dahil tulog na ito at ayaw namang gisingin ni Grae. Kaya nirequest na lamang ng mga magulang ko na makilala man lamang ang kanilang apo.

Sinabi rin namin ang katotohanan sa kanila. Grae's family were a little silent when he was telling the truth about Zamara's identity. Even until now, I can still feel their loss.

The dinner went well. It was full of laughter and jokes. Naging close na kami sa isa't isa na parang isa na kaming pamilya. Kaya ngayon, my parents wanted to meet the grandchild of the family.

And as what I am seeing, they already fell in love with the beautiful and witty Zamara.

"I love you, Lolo! I love you, Lola!"

Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang sinabi ni Zamara. She was smiling happily as she kissed both of my parents on their cheek. Nakita ko pa ang maluha-luhang mata ni Mama at masayang ngiti ni Papa.

"I love you, too, apo." nagkasabay na sabi ng magulang ko. They also kissed Zamara on her cheeks dahilan upang humagikhik ang natutuwang bata.

With a smile on my face, tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagdesisyong iwan muna ang tatlo. I went to the kitchen to help.

Mas lalo akong napangiti ng makita ang nakatalikod na si Grae. Nakasuot siya ng puting polo na nakatupi ang sleeves hanggang siko at black slacks. Nakakatawang isipin na ang lalaking kagaya niya at nakasuot ng ganiyan ay nasa kusina at nagluluto.

My heart melted at the sight.

Ganiyan kaya ang mbubungaran ko araw-araw kapag ikinasal na kami?

Kasal agad, Cexchia? Sinagot mo na ba?

I rolled my eyes as Bitbit, the bitter braincells, rebutted. Ang mga bitter nga naman ngayon. Kung hindi sila masaya, dapat hindi ka rin masaya.

"Hi, Grae."

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon