CHAPTER 50

165K 2.8K 155
                                    

Hindi magkandaugaga ang mga tao rito sa backstage. Ilang minuto na lang kasi ay mag-uumpisa na ang fashion event ni Guadel.

Yes, ngayong gabing ito na pinakahihintay ng lahat. After weeks of practice ay nandito na rin kami.

Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa at tinitingnan lang ang ibang mga babaeng modelo na magkagulo. Hiwalay kasi ang lugar namin ng mga lalaki since sa magkabilang dulo kami lalabas. Mas convenient na raw na ganitong hiwa-hiwalay kami.

Tapos na kasi akong ayusan ngayon-ngayon lang. Mabilis kasi ang kilos ng nag-ayos sa akin pero sobrang pulido.

"Anak!"

Napalingon ako sa likuran ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Napangiti ako at tumayo ng makita ang mga magulang ko. Lumapit ako sa kanila at hinalikan silang pareho sa pisngi.

"Ma, Pa. Mabuti at nakarating kayo." nakangiti kong sabi sa kanila.

Maluha-luhang tiningnan ako ni Mama mula ulo hanggang paa. "Ang ganda mo, anak. Mana ka talaga sa Mama mo."

Tumawa naman ako sa sinabi ni Mama. Nakita ko naman si Papa na nakangiting napailing na lang sa narinig. Hindi kasi kumokontra si Papa kapag sinasabi ni Mama ang ganiyan. Ang katwiran ni Papa ay mahal niya raw kasi si Mama kaya ganon. At saka kamukha naman daw talaga ako ni Mama, eh.

Mabuti pa si Papa, sweet.

"Siyempre naman, Ma. Pero hindi lang naman lahat namana ko sayo. Tulong kaya kayo ni Papa sa paggawa sa akin. Kaya 50-50 kayo ni Papa sa genes ko." nakangisi kong sabi.

Kinurot naman ako ni Mama sa tagiliran kaya napaiwas ako at napa-aray. Masama ang tingin sa akin ni Mama kaya ngumiti ako sa kaniya ng alanganin habang hinihimas ang kinurot niya.

"Huwag kang magsasalita ng ganiyan." matalim ang tingin na sabi niya sa akin.

Nagpeace sign lang ako sa kaniya. Nakita ko naman si Papa na umiiling-iling lang sa tabi namin. Inakbayan niya si Mama at saka humalik sa sentido nito. Si Mama naman ay yumakap sa bewang ni Papa at nakangiting pumikit.

As I look at my parents, hindi ko maiwasang mapangiti sa ka-sweetan nila. I hope I can have that same love, too. Yung pagmamahal na tumitibay sa paglipas ng panahon imbes na mabawasan. Yung true love ba. Kaya lang sa panahon ngayon, mahirap ng mahanap ang true love mo.

I sighed. Ibinalik ko naman ang pekeng ngiti sa aking mga labi ng makitang titig na titig sa akin ang mga magulang ko. They are looking at me as if they know what I am going through. Kinabahan tuloy ako sa kanila.

"Come here, anak." Nakabukas ang mga braso na sabi ni Papa.

Maluha-luhang lumapit ako sa kaniya at pumaloob sa nakabukas niyang mga braso. I closed my eyes as I felt the warmth of my father's embrace.

"We know what you are going through, anak. Kahit hindi ka magsalita, nararamdaman namin yon ng Mama mo. At masakit sa amin na makita kang nagkakaganiyan." I felt him sighed as his embrace tightened around me. "I love you, anak. Kung may magagawa lang kami. I want to punch that assholes face and murder him dahil sa ginagawa niya saiyo. But I can't, dahil ayoko rin namang makulong. Hindi bagay ang kagwapuhan ng Papa mong maghimas ng rehas."

Natawa naman ako ng mahina sa sinabi ni Papa. Pinipigilan ko lamang ang mga luhang nais tumulo dahil masisira ang make up ko. Ayoko ng maupo ulit doon at maglagay ng kolorete sa mukha dahil ang kati.

I felt my mother hugged me, too kaya mas lalo ang pagpipigil kong maluha. I so love my parents.

"We are here for you, anak. Lagi mong tatandaan na nandito lang kami ng Papa mo, ha? Kahit anong problema dapat lumalapit ka sa amin. We are your parents at tungkulin naming damayan ka. Please, anak, kung ano man yang sakit o problemang pinagdadaanan mo, lumapit ka lang sa amin ng Papa mo at sabay-sabay tayong iiyak, ha?" narinig kong sabi ni Mama.

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon