CHAPTER 14

152K 2.9K 223
                                    

Wala pang wifi! Hahaha Kaya mag-iipon muna ako ng mga chapters tapos kapag may net na saka ko i-a-upload ang mga naipon ko. Kahit umabot pa ng ending :) Enjoy reading! Please vote and comment. Salamat!
*****

Naihatid na namin sa Sunnyville Montessori si Zamara. Nasa sasakyan naman kami ngayon papunta sa opisina ni Rodriguez. Pag-uusapan nga namin yung kondisyon, di ba?

Wala kaming imikan habang bumabiyahe. Eh ano namang sasabihin ko sa isang taong ayaw magsalita? Baka mabaliw lang ako sa kakakausap sa hangin. At isa pa baka umandar na naman ang pagkaarogante niyan at makapatay pa ako. Ay, patay agad?

Kaya heto nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Ang boring naman pa lang kasama nito sa sasakyan, wala man lang ingay. Naririnig ko na lang ang pag-pump ng dugo ko, pag-circulate nito, pati na rin ang pagmetabolize ng kinain ko kanina. Nababaliw na nga ako.

Hinarap ko na siya bago pa ako tuluyang mabaliw. "Hello. Kung hindi naman nakakaabala sa pakikipagtitigan mo sa pwet ng sasakyan sa unahan, pwedeng magpatugtog?"

Aba! Dinedma ang beauty ng lola niyo! Sabi na nga ba at hindi na lang ako magsasalita. Nasayang pa tuloy ang boses ko.

"Okay, silence means yes." Pinindot ko na ang car stereo at narinig sa loob ng sasakyan ang intro ng Bring Me To Life. Napangiti ako.

"How can you see into my eyes like open doors..."

I tapped my fingers on my lap and looked out the window while humming. Ayan, umiba na naman ang pagkatao ko.

Habang papalapit sa chorus, hindi ko mapigilang mag-headbang ng kaunti. Paborito ko kasi ito, makaputol litid sa leeg kapag bibirit.

"Wake me up!"

Pagdating ng chorus, hindi ko na talaga napigilan kaya sumabay na ako sa pagkanta ng babaeng singer.

"Wake me up inside.... Wake me up inside... Call my name and save me from the dark... Bring my blood to run... Before I come undone... Save me from the nothing I've become. Bring me to life..."

Habang kumakanta hindi ko na napigilang magheadbang ng magheadbang. I know gulo-gulo na ang buhok ko at para na akong sinabunutan ng lahat ng inggit sa kagandahan ko. Dahil sa carried away na ang Diyosa, kumanta ako ng kumanta habang nagbabaliw-baliwan sa passenger's seat. Kung ano-ano na lang ang pinaggagagawa ko sa sobrang pagkabored.

Sa part ng rap kung ano-ano na lang ang sinabi ko kasi hindi ko naman memorize yun. Nag-act pa akong rapper with matching hand gestures pa. Grabe, when boredom strikes.

Nung tapos na ang kanta hingal na hingal ako sa kabaliwang pinaggagagawa ko. Lumingon ako sa katabi kong nagmamaneho at napansin kong nakatikom ang kanyang labi, parang pinipigilan niyang tumawa.

Napakunot noo naman ako. Bastos na ito, pinagtatawanan ako! Aba, kasalanan nya to! Ang boring niyang kasama kaya!

Pero syet! Kahit parang natatae ang hitsura niya, ang gwapo pa rin niya! Halaaa... Ang gwapo talaga niya, ang tangos ng ilong, ang pula ng labi... Ang sarap kagatin ng labi!

Wait! Cexchia! Tumigil ka nga, ke-aga-aga! Hingang malalim. Gwapo siya pero set aside mo muna yan, okay?

"Bakit mukha kang natatae?" tanong ko sa kanya.

Lumingon naman siya sa akin ng kaunti at nawala ang pagpipigil ng tawa, sumeryoso na naman siya.

"I'm not."

"Oo kaya. Sa pagpipigil mo na tawanan ako nagmumukha kang natatae. Kainis to!"

Hindi niya na naman ako pinansin. Ibinaling ko na lang ulit ang paningin ko sa labas. Makalipas ang ilang minuto, tiningnan ko ulit siya. Kagat labi ang @#$4&! Siyet! Bakit ang hot niyang tingnan?!

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon