CHAPTER 21

155K 3.2K 121
                                    

Sabog.

One word to describe me now. Kulang sa tulog, nanlalalim ang mga mata, tulala, inaantok, lahat ng synonyms ako na yon!

Hindi na talaga ako nakatulog kagabi. Tuwing pipikit kasi ako, ang nakikita ko lang ay ang mata niya, labi niya, mukha niya, at siya. Tapos si Lanlan, nakakawindang! Nilalason ang isipan ko! Si Lanlan ang may kasalanan! SPG siya masyado!

"Are you okay, Mommy?"

Napalingon ako sa likuran ng sasakyan kung saan nakaupo si Zamara. Nginitian ko siya ng pilit. "Yes, I am, baby."

"Then why do you look so sleepy? Haven't you slept last night? Did you have a nightmare?" nakakunot noong tanong niya sa akin.

I yawned at pilit binubuksan ang mata. "I am sleepy because I can not sleep properly last night but it was not because of a nightmare." It was even a beautiful dream kaya lang pabebe ako. Kunwari ayaw kong mapanaginipan. Bakit ba?

"You are not okay."

Tumingin ako sa lalaking nasa manibela. Nakakunot ang kanyang noo na nakatingin sa daan. He seemed to be in a deep thought.

"It was your fault."

Mas lumalim pa ang pagkakakunot ng kanyang noo. "Why me?"

Humikab ko at umayos ng upo pasandal sa passenger's seat saka pumikit. "Kung hindi ka sana nanghahalik bigla, di nakatulog ako ng maayos. Every time I close my eyes, it was as if my innocence was being corrupted."

Katahimikan pagkatapos. Unti-unti na rin akong hinihila ng antok. At least ngayon wala na ang "bangungot" at makakatulog na ako.

"So, I should ask permission from you next time I kiss you."
*****

I am in heaven. That was the first thing that came to mind when I woke up. I smelt that familiar scent which overwhelms me. It was hugging me. I felt like I am lying on clouds.

Malambot at mabango ang kinahihigaan ko ngayon. I snuggled closer to the pillow beside me where I am smelling that familiar overwhelming scent. I smiled.

Wait. Nasaan ako? Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Una kong nakita ang puting unan na yakap-yakap ko. Napaupo ako bigla sa kama. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto, it looks familiar... And then it clicked. Nasa kwarto ako ni Grae sa opisina niya.

Dali-dali akong tumayo at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Saka ko inayos ang kama at nag-ayos sa banyo. Paglabas ko, hinanap ko kaagad ang gamit ko at kinuha ito.

Anong oras na ba? Tiningnan ko ang aking cellphone at nakita kong alas diyes na.

Oh, shit! Bakit ako nandito? Dapat nasa school ako ni Zamara ngayon! Bakit natulog ako rito? Paano ako napunta rito?

Dali-dali akong tumakbo palabas ngunit natigil ako sa apat na pares ng mga matang nakatingin sa akin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila at napaayos ng tayo.

"Uh, hi?" awkward na bati ko sa kanila.

Tatlong lalaki ang naka-upo sa harapan ng office desk at nakasuot ng business suit. They all look awfully familiar.

"Miss Garcia!" they all greeted in unison.

Xrizcianno Montero, Zaccheus Villamonte, and Gregory Aguilar. Another billionaire bachelors in flesh.

"What are you doing here?" tanong sa akin ni Xrizcianno.

"And why did you came out in that room?" tanong naman ni Gregory.

"Are you two... In a secret affair?" tanong ni Zaccheus.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. Lahat sila ay may nanunuksong mga ngiti at patingin-tingin sa aming dalawa ni Grae.

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon