CHAPTER 18

141K 3.3K 224
                                    

SnA:
Nag-chat si crush sa akin kaya medyo inspired ako ngayon. Hahaha Medyo lang kasi tinutukso ko siya sa crush niya! Hahaha Okay.
*****

Naghihintay kami ni Zamara kay Grae. Uwian na kasi nila. Nakaupo kami ngayon sa waiting area kung saan kami ibinaba kanina.

Kasama namin na naghihintay si Jane, ang sumelfie sa akin kanina, at ang kanyang alaga na si Veronica. Classmates and best friends pala sila ni Zamara. Naglalaro sila sa tabi namin habang kami naman ay nagkukwentuhan.

Makalipas ang ilang minuto, may pumaradang itim na SUV sa harapan namin.

"Ayan na yung amo ko." sabi ni Jane.

Bumaba sa sasakyan ang isang naka-business suit at naka-Ray Bans na lalaki. Matangkad ito, moreno, gwapo. Tindig pa lang, pamatay na.

"Daddy!" Tumakbo palapit dito si Veronica. Nakangiting kinarga naman ito ng lalaki.

Tumayo naman si Jane at kinuha ang mga gamit nila. "Sige, Cexchia, aalis na ako. Salamat ulit. Ang bait mo."

"Okay. Ingat kayo. Salamat din." nakangiti kong paalam.

Lumapit na siya sa sasakyan at inilagay ang mga gamit sa backseat. Veronica waved to Zamara.

"Good bye, Zam-zam!"

"Good bye, Nica!"

Ang ku-cute ng mga bata! Ang sarap pisilin. Maganda rin si Veronica pero hindi ko ipapatalo ang anak ko. O diva? Makaangkin na akin akala mo asawa ako ng ama niya.

Nakatingin naman sa akin (thou di ko alam talaga kasi naka-shades siya) ang tatay ni Veronica. Tinaasan ko siya ng kilay. Aba matinde, nagandahan sa akin ah. Pero sorry na lang siya, iisa lang ang gwapo para sa akin.

"Miss Garcia?"

Tumaas pa ng isang palapag ang kilay ko. "Yes? How did you know me?"

Ipinasa nito ang kargang anak kay Jane at nakangiting nagtanggal ng shades. Oh. My. God. It's Vernon Wilson.

Ngumiti ako rito at tumawa na medyo napahiya. Gaga kasi, tinarayan ko. "Hello, Mr. Wilson."

Vernon Wilson. Another Greek god from Mt. Olympus. Isa rin siya sa billionaire bachelors na kailangan kong interviewhin.

Lumapit ito sa akin at naglahad ng kamay. "Hello, Miss Garcia. Fancy meeting you here."

Nakipagkamay naman ang lola niyo sa gwapong nilalang. "Nice meeting you here, too. Anak mo pala si Veronica."

"Yes, she's my daughter."

"Eh di, may asawa ka na? So paano ka pa nakasali sa 'billionaire bachelors' ng Pilipinas?" takang tanong ko.

Lumungkot naman ang kanyang abuhing mga mata although naka-ngiti pa rin naman siya. "No interview yet, Miss Garcia. You know our condition."

I rolled my eyes. "Yep. Kayo lang naman ang pahirap sa pag-abot ko ng aking mga pangarap. Kayo talagang lima ang hilig niyong pahirapan ang mga diyosang biyaya sainyo ng Diyos." Pailing-iling pa ako habang nakahalukipkip.

Tumawa naman siya. "You are really something. Anyways, ginawa lang naman namin yon because we want to add spice in your lives, both yours and Rodtiguez's."

"Mga wala lang kayong magawa sa buhay ninyo kaya ako na lang ang pinagtripan niyo. Hintayin niyo lang. Ako naman ang mang-aapi sa inyo sa tamang panahon." pananakot ko sa kaniya. "Ay, siya nga pala bago ko pa makalimutan, may pagbabago sa naipaliwanag ko noong una about sa article..."

Inexplain ko naman ng todo-todo at bonggang-bongga with charms ang mga pagbabago. Mataman naman siyang nakikinig at napatangu-tango pagkatapos kong mag-explain.

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon