CHAPTER 10

150K 2.8K 35
                                    

Ano nga ba ang kayang gawin ng isang writer para sa kanyang promotion? Rather, ano nga ba ang kayang gawin ng isang tao para sa pangarap nya? Hanggang saan, hanggan kailan? Kung tutuusin, mas madaling sumuko kaysa lumaban. Mas madaling umatras kaysa umabante. Mas madaling tumigil kaysa magpatuloy. Mas madaling tumanggi kaysa um-oo. Mas madaling magsinungaling kaysa magsabi ng totoo. Mas madaling umayaw kaysa magatuloy.

Oo, mas madali talagang mag-give up. Wala ng hassle, wala ng problema, wala ng hirap, wala ng sakit. Pero at the end of the day maiisip mo... what if lumaban ako? What if umabante ako? What if ipinagpatuloy ko? What if um-oo ako? What if nagpakatotoo ako? What if hindi ako agad sumuko? Maraming what-ifs. Maraming "paano kaya kung..." Ano kayang mangyayari kung sakali?

Minsan kasi ang tao mas madali na lang sa kanila ang sumuko kaysa lumaban kasi napapangunahan sila ng takot... takot na baka masaktan at madisappoint. Takot na baka mali, takot na baka hindi nila maabot ang pangarap nila. Gusto kasi natin madalas sa unang subok makuha agad ang gusto. Ayaw natin ng nahihirapan o nasasaktan. Sino bang gusto, di ba? Wala naman. Walang masokista.

Pero kung susuko ka kaagad lalo na kung nag-uumpisa ka palang, paano mo malalaman kung para talaga sayo ang pangarap mo? Paano ka matututo sa mga pagkakamali mo? Paano ka mahuhubog sa mas mabuting tao? Paano mo makakayang harapin lahat ng pagsubok na darating sa buhay mo kung agad-agad sumusuko ka na?

Ang Diyos ibinibigay sa atin ang deserve natin. Nasa atin na lang kung ipaglalaban natin o bibitawan natin. Syempre kung ipaglalaban mo, marami ka talagang pagdaraanang pagsubok. Bakit? Kasi tinuturuan tayo ng Diyos na hindi lahat ng bagay madali. Na hindi lahat ng gusto mo makukuha mo sa isang pitik. Gusto ng Diyos na matuto tayong lumaban, paghirapan ang gusto natin, at huwag agad-agad susuko. Gusto ng Diyos na maging matatag tayo sa lahat ng ating pagdaraanan. Hindi naman Siya magbibigay ng problema na hindi natin kaya, di ba? Gusto Niya na makuha natin ang atin. Gusto Niya na maging matatag tayo. Gusto Niya na pahalagahan natin ang nakamit natin dahil pinaghirapan natin to.

Ang Diyos ang Siyang gabay ng lahat. Nasa tao kung paano gagawa ng paraan para makamtan ito. Kung pipiliin mong sumuko, paniguradong ang bagay na dapat saiyo ay ipagkakaloob ng Diyos sa mas deserving at sa ipinaglalaban ang kanyang kagustuhan. Ibibigay nya sa taong nagtitiis para sa pangarap, naghihirap, at nagpupursige.

"Cexchia! I am talking here for a long time and yet you are not listening! Are you on drugs?"

Nabalik lang ang diwa ko sa pagsigaw ni Cronus. Napalalim ata ang pagmumuni-muni ko. Nakalimutan kong nasa sasakyan pala kami at bumabyahe papunta sa kliyente.

"Hey, are you on drugs?" tanong nya ulit.

Tiningnan ko siya ng nakataas ang kilay. Magkatabi kami rito sa likuran ng van. Kasama namin ang dalawang videographer at tatlong assistant.

"On drugs agad? Aren't you supposed to ask, 'Are you okay?', huh?"

She rolled her eyes. "Hello. I'm unique so I am unique. Anyways as I was saying, you are not your old self, Cexchia! You've been like that for two days already! What's wrong?"

Eh kasi dalawang araw na hindi ko pa rin nakakausap si hinayupak. Oo, sinabi kong gagawin ko na nga ulit yung article pero hello! It' not easy to forgive lalo na ang forget! Pero kasi... alam nyo naman kung para saan ang gagawin ko di ba? Kaya heto, nagmumuni-muni muna ako for two days para naman kahit papano maging maayos kung sakaling makaharap ko sya.

"Gosh, Cexchia! We've been waiting for this time! We are now shooting Guadel's pre-wedding happenings! You should be ecstatic!"

Oo, doon kami papunta ngayon. Para magshoot ng pre-wedding chorva ng favorite model ko. Kaya lang syempre... may sarili naman akong issue so hindi ko masyadong naappreciate ang opportunity. Pero hindi, matagal mo na itong pangarap, Cexchia! At ito ang isang pangarap na hindi mo dapat palampasin dahil ibinigay na sayo!

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon