Song: My heart is open :)
***
VEINTICINCO
"May obsessed lang sa iyo."
Napatitig ako sa daan na tinahak ng bata kanina. Ano raw? May obsessed sa akin? May ganon? Hindi naman kaya rapist yun? Ba scary naman, mas scary pa sa haunted house!
Hindi ko na masyadong inisip yun at kinuha na ang plastic para tignan kung may mailuluto pa akong mga fishball o iba pa pero naubos na kaya nagsimula na akong magligpit. Buti naman nasold out kundi baka pati ang aking kasiyahan ay masold out dahil buong araw na akong nakatayo dito at nagluluto.
"Oh, sold out na?" Narinig kong tanong ni Eunise. Buti naman buhay pa itong babaeng ito.
"Nasakyan mo na ba lahat ng rides at wala ka pa rin nakitang boyfriend?" Balik kong tanong sa kanya sabay tapon ng mga plastic sa basurahan.
"Woah! Below the belt!" Sigaw niya tapos umiling. Napatawa kaming dalawa dahil ang OA niya though 'di ako sure kung iyon din ang tinawanan niya.
Tatanong ko sana anong gusto niya dahil alam kong hindi siya narito para pagreklamo, iba ang reklamo face niya sa kailangan-ko-ng-favor face kaso naunahan niya akong magsalita.
Umiling din ako. "Wala namang belt ang loka," bulong ko na hindi naman niya narinig.
"Nicky mickey tickey tiki star." Tawag niya.
Napangiti ako. Kahit ang haba ng nickname niya para sa akin, (Hindi na nga ako sure kung nickname pa ba iyon) nakakatuwa pa ring pakinggan lalo na kapag galing sa kanya.
"Ano na? Dali kapag 'di mo sinabi in 5... 2..."
Bigla siyang sumigaw. "Nasaan yung 4 at 3?! Ay! Teka! Ano... Wala kasing gustong magnight shift sa haunted house kaya—"
"At gusto ko?" Putol ko sa kanya at tinignan siya sa mata. Ngumuso naman siya kagad at aktong iiyak na. Nilagay niya yung susi ng pintuan sa mesa na nasa harapan ko para mas lalo akong maguilty. Jusko. Bakit kasi actress ang best friend ko?
"On the way to the Haunted House!" sigaw ko at lumabas na sa tent kung saan ako kanina at naglakad na papunta doon. Wala na rin naman akong gagawin at bukas na lang siguro ako magra-rides.
Pagdating ko roon, nakita kong maraming nakatayo at nakalinya sa harapan. Mukhang wala pang pinapapasok dahil wala ngang gustong magbantay. Sa bagay, sino nga ba naman ang taong gustong tumayo sa harap ng bahay na sobrang dilim?
"Ayan na si Pres! Siya ata magpapapasok sa atin!" Rinig kong sigaw nung isang lalake kaya nagbulungan at medyo nagsisigaw na yung mga taong nakalinya.
Ngumisi ako habang lumalapit sa unahan ng linya at agad lumiko nang sobrang lapit ko na. Umakto ako na hindi talaga iyon ang destinasyon ko kaya napasigaw sila lalo.
"Aww! Akala ko pa man."
"Ako rin! Sayang!"
Napatigil ako nang may nahagip ang mata ko. Ang asawa ko habang papalapit sa akin na may sungay na headband. Umiilaw-ilaw pa ito kaya para siyang bata na nakangisi habang naglalakad.
"I'm with you, right?" tanong niya nang makalapit na siya.
Nakita ko namang may parang hinahawakan siya sa kamay niya pero nang titignan ko ay bigla siyang ngumiti kaya nakalimutan ko ang gagawin ko. Ang naalala ko lang ay yung sinabi niya dati nung meeting kaya napatango-tango ako. "Helped you with your fish balls and going to help you now, too."
Hindi na ako nakasagot nang maglakad siya papalapit sa Haunted House. Tumingin ako sa mga paako para makapag-isip kasi mukhang nawala na nga talaga ang mga brain cells ko. Okay? Tinulungan niya ako sa mga fish balls? Okay. Medyo 'di ko gets pero oo na lang.
BINABASA MO ANG
Escaping Gravity ✔
RomanceHow long does it take for one to escape gravity? Or to put it simply, how can I escape from falling for you?