DIECIOCHO
"SIGE GUYS, mago-oras na. Uwi na kayo," sambit ko kaya napalingon sila sa akin at sa orasan.
"Oo nga no, 4 na pala," sabi ni Ureka.
"Wow galing, nakakabasa ka na ng orasan," sabay palakpak. Natawa naman sila sa sinabi ko. "Nako. Layas na kayo at iwan nalang natin ang mga yan dito," turo ko sa mga banderitas na ginawa namin.
Naisip ko na kung dadalhin rin naman namin ulit ang mga ito, bakit kailangan pa naming dalhin?
Tumango naman sila at inayos ang mga ito. Ang mga iba naman ay kinuha na ang kanilang mga bag at nagpaalam na mauuna na sila.
Nang matapos na sila sa pag-ayos, lumapit sa akin si Eunise.
"Ayaw mong hatid ka na lang namin?" aya niya sa akin.
Umiling naman ako kaagad at tumingin sa paligid. Ang bilis namang umalis ang mga kasama namin dito. Kami na lang pala ni Eunise na nandito.
"Huwag na," sabi ko at lumingon sa kanya. "Pero salamat."
"Okay," sabi niya sabay kuha sa kanyang bag. "Sige. Mauuna na ako, Nicky mickey tickey tiki star ha?"
Niyakap niya ako at ngumit ako sabay kaway nang lumabas na siya. Ngayon, ang mga naririnig ko na lang ay ang mga tunog ng sapatos ko at medyo natakot naman ako.
"Hello? Wala ng tao here 'di ba?!" sigaw ko at wala namang sumagot.
Natakot na ako lalo nang bigla akong nakarinig ako ng pumasuwit kaya hinablot ko na kaagad ang bag at paper bag ko. Tumakbo ako at inilock na sa loob ang lock ng pintuan sa loob bago lumabas papaalis.
Agad akong nakarating sa may gate at saktong may dyip na naghihintay kaya pumasok na ako dito. Wala namang mga naglalive show dito kaya nakahinga ako nang maluwag at lumingon na lang sa labas.
Hindi nagtagal ay natanaw ko na ang subdivision namin kaya nagpara na ako para makababa sa dyip. Pagbaba ko, inayos ko sa kamay ko ang hawak kong paper bag na may mga tela. As usual, manggugupit ako para sa mga banderitas. Marami-rami pa ang kailangan dahil medyo malaki ang eskwelahan namin.
Naglakad na ako papunta sa kanto hanggang sa bahay namin. Ayoko na rin kasing magtricycle kasi napakalapit lang din naman.
"Nicky... Gil!" Rinig kong may sumigaw. Napatingin ako sa mga nakatambay dito sa labas. Si Kuya Paolo pala.
Aasarin na naman niyan ako ng mga ito.
"Hindi ako si Nikki Gil! Pero ayos lang, alam ko namang artistahin ako!" sigaw ko pabalik kay Kuya.
May mga kasama siyang limang lalake. Nung narinig nila ang sinabi ko, bigla silang tumawa nang malakas. May mga humawak pa nga sa mga tiyan nila eh.
Anong nakatatawa sa sinabi ko?
Maglalakad na sana ako papaalis nang may sumigaw ulit. "Bakit ka naglalakad, Nicky... Gil?!"
Huminga ako nang malalim. At talagang may pagitan pa ang pagsabil nila ng pangalan ko at ng Gil ah.
"Bakit?! Gusto niyo bang gumapang ako papauwi?" pabalik kong tanong pero tinawanan lang na naman nila ako. Nagpatuloy na lang ako maglakad papaalis bago sila mabaliw sa kakatawa.
"Ba? Ang aga ni mama," bulong ko sa sarili ko nang pagkarating ko sa harapan ng gate at binuksan na ito. Napansin ko kasing hindi na ito nakakandado kaya sigurado akong nakarating na si mama.
Pumasok na ako ng pintuan namin at ibinagsak na ang paper bag sa sofa at agad na pumunta sa kusina kung nasaan si Mama.
"Halu Mader!" bati ko at nagmano sa kanya.
BINABASA MO ANG
Escaping Gravity ✔
RomanceHow long does it take for one to escape gravity? Or to put it simply, how can I escape from falling for you?