Treinta y Cinco (END)

23K 614 99
                                    

TREINTA Y CINCO

"Nahulog siya sa pool, girl!" sigaw ng isang babae. Hindi ko alam kung kanino niya sinasabi pero siguro, may lifeguard dito kaya dito niya bino-broadcast.

Suot ko yung dress na ibigay sa akin at hindi ko alam kung paano ako inayos nung kaibigang bakla ng mama ko. Hindi ko na tinignan sarili ko sa salamin dahil baka mabasag pa yun bigla, sayang naman iyon.

Pumunta pa rin ako kahit hindi ko sinabi kay Eunise dahil wala naman siyang sinabi na bawal ako kahit na-front stab ako or baka assumera lang talaga ako.

Ipinasok ko sa cabinet nina Eunise ang gift ko para sa kanya nang walang nakatingin dahil baka gumaya pa sila. Hindi naman iyon masyadong malaki kaya nagkasya siya. Pwede ko naman gawin iyon dahil doon ko laging tinatago ang mga gamit ko.

"Uy! Nahulog siya sa pool!" May iba namang babae ang nagsabi sa akin nito with matching yugyog na sa akin.

"Anong gagawin ko?! Iinumin ko yung tubig ng pool?" Tarantang tanong ko.

Anong gusto niyang gawin ko? Bakit niya ba sa akin sinasabi? Mukha ba akong lifeguard?!

"NAHULOG. SI. GENESIS. SA. POOL!" Dahan-dahan ngunit mariin niyang sigaw sa akin.

Huh?

Nablanko ang utak ko kaya hindi ko alam bakit hawak-hawak ko ngayon ang magkabilang dulo ng dress ko habang tumatakbo papunta sa labas kung saan ang swimming pool nina Eunise.

Iniiwasan ko lang may matamaan ako at naging successful naman ako doon. Nang makita ko ang pool na pinapalibutan ng mga ilaw, ang una kong ginawa ay huminga nang malalim kahit medyo imposible dahil hinihingal ako, then I held my breathe as I jumped inside the pool.

Nang lumutang ako, ay hinanap ko kaagad ang ulo or kahit anong parte ng katawan niya para mahila ko pataas ngunit biglang namatay ang mga ilaw.

Sasaklolo pa lang sana ako para sa aming dalawa ng dati kong asawa nang marinig ko ang boses niya na parang nasa mikropono.

"Where is she?" Tanong nito sa hindi ko malamang tao dahil nakapatay nga ang mga ilaw.

"Bro, she jumped." Sagot ng isa pang boses na lalake.

"What?! She's the one who made the splash?" Parang histerikal na tanong nito.

Hindi ko na masyadong narinig pa ang mga susunod na pag-uusap dahil nilayo na yata nila ang mic sa kanila. Aba, kahit ako naman ayokong may ibang nakakarinig ng conversation ng kausap ko, ano?

Ayokong umangat mula sa pool dahil baka pag-angat ko, sumama ang tube ng dress ko papunta sa baba. Lalo na, wala akong makita kaya nag-stay put ako kahit sobrang nilalamig na ang buo kong katawan.

"This for the idiot who fell inside a canal." May nagsalita na naman gamit ang isang mic. "Please listen to the letter that you should be reading by now but well..."

"It hurts having this girl in my life. It hurts not having her in my life. In the end, I can't win so I've decided to take a risk." May bumukas na isang spotlight at kahit malabo ang nakikita ko dahil basa, napansin ko si Genesis doon na may hawak na papel.

"This girl? She has a stomach reaction when she eats chocolates, she stalks me on facebook, she knows what my underwear brand is..." Tumawa siya at nakisabayan naman ang mga iba pang tao na kung nasaan man sila ay sana masaya sila.

"She called my text for her as a group message, and one time? I was so clumsy that everything I did hurt her so I've said 'sorry' many times, then she forgave me so easily because she said, "if ang Diyos can forgive us, paano pa ang diyosa?""

Escaping Gravity ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon