VEINTIDOS
Nakatingin ako sa mga paintings na nakasabit sa likod ni Mrs. Molin. Hindi literal na nasa likuran niya, medyo mabigat kapag ganun. Sa pader lang.
Mayroon yung painting na mga bata, at yung isa naman ay isang lalake at si Tita na lang pag nasa labas tayo... Siguro yung asawa niya ito. Wala kasi akong makita na picture ng papa nina Genesis kaya hindi ako sigurado kung siya nga ba ito.
Nagtataka rin ako kasi dating pumunta ako sa bahay nila, may painting na parang silang buo pero wala ang papa nila.
"Going home after this, Nicky?"
Nalipat ang aking tingin sa Principal naming nakatingin sa laptop niya. Ang simple talaga niya, pero ang ganda pa rin.
"Opo," sagot ko at ngumiti.
Ngumiti naman siya pabalik sa akin. "Kung may favor ba ako, ayos lang sa iyo?"
Hindi ako nagdalawang-isip at agad na tumango. Wala rin naman akong dapat gawin. "Basta po, wala po akong papatayin ha," pabirong sagot ko.
Tumawa naman siya sa sagot ko habang umiiling. "If you need to kill my son, please do," bulalas nito habang may inaabot siyang brown envelope sa mesa niya.
Nahalata niya atang medyo nagulat ako sa sinabi niya kaya napatawa siya.
"No, I mean, you just need to give this to him." Kinuha ko na ang inaabot niyang envelope nang sinabi niya iyon.
"Ngayon na po ba?" tanong ko.
Tumango siya. "Yep, university day is already the day tomorrow so he needs to see that already. Dapat siya ang kukuha but he called earlier at sinabing may practice daw sila," sagot nito. "Don't worry; my driver will drive you to his school."
Ngumiti ako at tumango rin. "No worries, Mrs. Molin. Mapapadala po ito kay Genesis na buong-buo. Walang labis, walang kulang," sambit ko habang tumatayo na.
"Okay, take care, Miss Yuwan. Thank you so much," sabi niya.
Naglakad na ako palabas ng gate na malapit naman sa principal's office kaya hindi na ako napagod. Tumingin ako sa paligid.
Nagsisi-alisan na ang mga estudyante dahil half day kami. Isa rin sigurong dahilan kaya hindi na madadaan ni Mrs. Molin kay Genesis ang envelope na ito, ay dahil pareho silang busy.
"Miss Nicky?" Rinig kong sabi ng isang lalake.
Napalingon ako sa kanya at ngumiti kaagad. "Ako po ba?" tanong ko.
"Ikaw ba si Nicky, ma'am?" tanong naman niya pabalik.
"Opo," sagot ko na lang.
Tinawag na niya ako kanina sa pangalan ko, eh, tapos lumingon naman ako. Nagdududa pa ba siya?
"Ako po drayber ni Mrs. Molin," pakilala niya. "Tara, sakay na po kayo," sabay bukas niya ng pintuan sa likuran.
Um... "May tao pa po ba sa harapan?" tanong ko.
Umiling siya bilang sagot kaya nagtaka ako. "Eh bakit niyo po ako sa likod pinapa-upo?"
"Gusto niyo po ba sa harapan, ma'am? Kayo po ang magdadrive?" pabalik niyang tanong sa akin.
Napabuntong hininga ako. Parang hindi kami nagkakaintindihan ni kuya kaya pumasok na lang ako sa binuksan niyang pintuan. Agad naman niyang sinarado ito kaya napakurap ako ng dalawang beses.
Akala ko buong biyahe ay puro kanta lang ang maririnig ko sa sasakyan nang biglang nagsalita si kuya.
"Ma'am, kailan niyo pa po kilala si sir Genesis?" tanong nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Escaping Gravity ✔
RomanceHow long does it take for one to escape gravity? Or to put it simply, how can I escape from falling for you?