VEINTIUNO
"Bakit hindi ka pa nakatayo?" Pambungad sa akin ni Eunise na kakagaling lang sa banyo ko.
"Teh, may nakita ka na bang nakahigang nakatayo?" pabulong kong tanong na sigurado ko namang narinig niya. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang aking unan.
Bigla akong nakaramdam ng kamay sa mga paa ko sabay hila hanggang dumikit ito sa pader. "Ay kuneho! Ano ba?!" inis kong sigaw at hinagis papunta kay Eunise ang unan ko.
"Kuneho ka rin! Ayan na, teh. Tinanong mo ko kung nakakita na ako ng taong nakahiga with matching tayo, 'di ba? Yan! Nakatayo ka sa pader!" bulalas niya.
Kumurap-kurap ako at umiling. Okay, trust Eunise for being crazy. I mean, wow lang... Sino nga ba ang makakaisip nun kung hindi isang baliw na katulad niya?
"Alam mo ba—"
"Hindi ko pa. Ano yon, may magic ako? 'Di mo pa naman sinasabi, alam ko na?" putol ko sa sinasabi niya. "Sandali nga, humaharang ka sa pinapanood ko," sabay taas ng kamay ko para paalisin siya.
Tumawa lang ito at mas lalong humarang. Ibinuka niya pa ang kanyang mga tuhod para wala na talaga akong makita.
"Alam mo bang february na?" tanong niya sa akin.
Tinaas ko ang kilay ko. "So?"
Tumalikod siya sa akin at pinatay ang aking telebisyon. Ano bang trip nito?
"Bakit ka nanonood ng horror movie?!" histerikal niyang sigaw.
Hindi naman ako nanonood, pinatay mo na, eh. Sasabihin ko pa lamang sana iyon nang magsalita na naman siya.
"Namiss kasi kita, kaya ayan... Pinanood ko 'to para maalala kita," sagot ko habang pinapatay ang dvd player.
Pinatay ko as in hindi gamit ang kutsilyo o baril... Um, parang turn off ganun. Pero hindi parang kapag may nagawang nakakadiri isang tao, matuturn off ka, hindi rin ganun. Hay, basta.
Nasa tabi ko na lang siya halos dahil sa pagpatay, pagturn off o pagpindot ng isang pindtuan para mamatay ito kaya agad niya akong nahampas.
Hinintay niya akong magreact kaya tinignan ko lang siya at tinignan ng matalim sa kanyang mga mata. "Ang..."
Tinikom ko ang bibig ko at hinanda ang sarili ko para tumakbo papunta sa banyo.
"Pangit mo," tuloy ko at kumaripas ng takbo.
Ngunit dahil napakaswerte kong tao, bigla akong bumagsak sa sahig dahil nadulas ako. Swerte ko, ano? Sinong hindi naniniwala?
At dahil mahal na mahal ako nitong napakatalik kong kaibigan na nagngangalang Eunise Trina Alcantara... Ginawa niya ang gagawin ng isang tunay na kaibigan, ang tumawa.
"Wow, teh? Ayaw na ayaw mong lumabas ngayon kaya nag-acrobatics ka na lang?" parang namamanghang sambit nito habang hinahawakan ang kanyang tiyan sa kakatawa.
"A-alam mo?" bulong ko habang pinipilit na tumayo. "Aray," inda ko sa sakit ng aking likod. Buti na lamang hindi nakipag-unahan ang ulo ko para bumagsak sa semento.
"Ano yon, magic? 'Di mo pa—"
Umirap ako. "Line ko yan," putol ko sabay sandal sa pader. "Pero sabi nila, talented ka 'di ba? Tumpak sila! Kaya mong magsalita habang nang-iinis."
Nabigla ako nang pumalakpak siya. "Wow, teh? Level up! Tumataray ka pala kapag nagsa-slide ka," sabi niya na parang proud na proud siya sa akin.
Napasigaw na lang ako dahil sa inis at pumasok na sa banyo. Bago pa man ako makapagsimulang maligo, dinapuan na naman ako ng kaswertehan.
BINABASA MO ANG
Escaping Gravity ✔
RomanceHow long does it take for one to escape gravity? Or to put it simply, how can I escape from falling for you?