SEIS
NAPATINGIN ako sa labas. Katapos nun ay bumalik din ang tingin ko kay Genesis na nakatingin na rin pala sa akin.
"Ah eh... Sure ka ba?" tanong ko.
Sinabi niya kasi ihahatid niya na ako dahil medyo ginabi kami sa orphanage. Medyo nadala kami kasi sa saya, at pinaghapunan na kami doon ni Sister Rina.
Napangisi siya at tumango sa akin. "Yep, on the way naman siya," balik niya sa akin.
Napayuko ako habang nakangiti. Oh my gash! Nagtagalog siya! Two words yun, teh! Naman at siya.
Hindi na ako sumagot nun at habang kami nagbabiyahe, tinuturo ko lang ang direksyon kung saan bahay ni Eunise. Dadaanan ko sana yung isa kong notebook na pinahiram sa kanya.
Wala akong sinabi kundi puro "diyan," "liko ka niyan sa kaliwa," "ikot ka diyan," "sa kanan niyan ng poste," at iba pa. At hindi ko namalayan na nasa harap na kami agad ng bahay ni Nise.
"Do you want to stay here?" bigla niyang tanong kaya napaangat ako ng tingin.
"H-Huh?" Gusto na niya nga akong magstay kasama siya? Sabi ko na nga ba eh! Hindi niya matiis ang kagandahan ko. Hindi niya kinaya ang powers ko, teh.
P-Pero...
"Hindi pa akong pwedeng makipagtanan sa iyo. Kung mahal mo talaga ako, hihintayin mo ako. 'Di ba? Dapat ganoon. Hindi lahat ay nadadaan sa pagtakas, Genesis."
Masakit man sa loob ko pero naisip ko na naging tama ang desisyon ko.
Biglang kumunot ang noo niya at parang binabasa niya ang ekspresyon ko kung seryoso ba ako o hindi. Seryosong-seryoso ako. Oo, may pagtingin ako sa kanya pero may mga pangarap din naman ako.
Pero napatigil ako sa mga iniisip ko nang bigla siyang napangiti.
NAPANGITI SIYA. Isa pa. NGUMITI SIYA. Hindi siya nakangisi! Nakangiti siya, as in full smile!
"Um. I mean, I hope you still want to go out. We're here for 10 minutes already." sabi niya tapos bigla siyang humalakhak nang malakas.
Napakamot ako sa ulo. Akala ko pa naman! Hay...
Oo nga pala, ang tagal na rin yata naming nakatambay dito sa harap ng bahay. Binuksan ko ang pintuan pero nakangiti pa rin ako dahil natapos na ang step #2.
Nilingon ko ulit ang sasakyan at narinig kong bumusina muna siya na parang sinasabing mauuna na siya. Tumingin ako sa bahay nila pero napansing ni isang ilaw, walang nakabukas.
"Ba? Imposibleng kahit isa, wala," bulong ko. Hindi kasi sila nagpapatay ng ilaw dahil takot na takot sa dilim si Eunise.
Baka walang power?
Biglang may sumigaw ng "miss!" kaya napalingon ako sa pinanggalingan non. Tinuro ko ang sarili ko nang makita ang isang babae, para ikumpirma kung ako ba ang miss na tinatawag niya.
Tumango siya at tumawa. "Walang tao diyan, umalis sila!" sigaw niya dahil medyo malayo din siya sa akin kaya kung hindi siya sisigaw, wala akong maiintindihan.
Ay. Kaya pala.
Bigla kong naalala na walang maghahatid niyan sa akin pauwi kaya kinakailangan kong maglakad. Malapit lang din naman bahay namin dito. No choice. Kaysa naman gumapang ako.
"Salamat!" sigaw ko pabalik dun sa babae na wala na ngayon. Ang bilis naman nun mawala.
Nagsimula na akong maglakad habang hawak ang bag ko. Maggagabi pa lang pero wala na talagang araw. Nagtago na siya para hayaang makahinga naman ang buwan.
BINABASA MO ANG
Escaping Gravity ✔
RomanceHow long does it take for one to escape gravity? Or to put it simply, how can I escape from falling for you?