TRES
NATULALA na lang ako sa presyo ng damit na hinahawakan ko.
930 pesos? Isang blouse lang?! Grabe naman, ano ito? May ginto? I mean, kaya ko naman itong bilhin pero kung para sa isang blouse lang, sanang pinambili ko na lang ng pagkain.
"Nicky Tickey! Bakit ka pala nag-imbitang magshopping?" tanong ni Eunise habang tumitingin-tingin sa mga ibang damit.
Binalik ko na yung blouse kung saan ko siya kinuha at naghanap ulit ng mas mura.
"Wala lang, sabi kasi nung first step daw na wear something pretty," sagot ko sa kanya. Kinuha ko sa bag yung book at binuksan sa pinakaunang page nung binigay niya.
STEP #1: YOU NEED TO WEAR SOMETHING PRETTY
"Ay, ganun ba? Paano yun?" lungkot na sambit niya habang binabalik na yung libro sa loob ng bag. "Sorry, sorry talaga!" sigaw niya bigla.
May kinuha akong mga dalawang dress at dalawang blouse na nakakuha ng atensyon ko pero nang isasabit ko na sana sa braso ko, nabitawan ko ang mga ito bigla.
Bababa na sana ako kaso may sales lady na lumitaw bigla at sinabing siya na lang. Tinulungan ko pa rin naman siya dahil kasalanan ko 'yun.
Napakunot yung noo ko kay Eunise nang makababa ako. "Bakit ka nagpapasorry?"
"Eh, kasi naman 'di ba? Sabi mo yung step one ay wear something pretty, so papano 'yun? Hindi mo naman ako masusuot. Hay, edi unang step pa lang ay palpak na?"
What... Ha? May sira na yata yung tenga ko. Tama ba yung narinig ko?
Kailangan ko na ba ng hearing aid?
Wala na akong masagot doon kaya lumingon na lang ako sa sales lady na tumulong sa akin.
"Salamat po," pasasalamat ko sa kanya habang nakangiti.
Agad naman siyang ngumiti pabalik.
"Ano, um, may tanong po pala ako. Saan po yung fitting room dito?" dagdag kong tanong.
"Dun po sa malapit sa cashier tapos po dumulo lang kayo at makikita niyo agad yung fitting room," sagot niya.
Tumango na ako sa kanya at lumingon pabalik kay Eunise. "Huy, sukat lang ako ha?" paalam ko sakanya.
"Okay sige, diyan-diyan lang ako."
Pagkasabi niya nun, naglakad na ako doon sa direksyon na itinuro nung babae na agad ko namang nakita. Pumasok ako doon at napatingin sa salamin.
Simple lang ang aking damit. Nakapantalon ako at isang white na t-shirt. Hindi man kagara tulad ng ibang babae pero dito, komportable ako.
Hindi pa ba 'yun sapat na dahilan na nagsusuot na ako ng "something pretty"? Well... Nasa steps ito eh, tsaka gusto ko rin naman talagang magsuot ng magagandang damit.
Napagpasyahan ko nang bilhin ang mga iyon kaya lumabas ako na hawak-hawak yung mga damit.
Sa totoo lang, hindi ko naman kasi talagang ugali magsukat ng mga damit sa mall, ipapatong ko lang ito sa harapan ko at titignan kung mukhang sakto ba o hindi.
Ganun lang kasimple.
Bumalik na ako sa lugar kung saan ko iniwan si Eunise ngunit wala na siya sa pwesto niya kanina kaya pumunta na lang muna ako sa counter para bayaran na ang mga damit na hawak ko.
"May mall card po ba kayo?" tanong nung cashier.
Oo, nung cashier. Nagulat nga ako nagsasalita pala ang mga cashier. Okay, ulit. Ito pala'y tinanong nung tao sa cashier. Oo, nasa loob siya ng cashier. Katakot 'di ba?
BINABASA MO ANG
Escaping Gravity ✔
RomanceHow long does it take for one to escape gravity? Or to put it simply, how can I escape from falling for you?