Siete

19.7K 555 35
                                    

SIETE

"...AND LASTLY, Yuwan?"

Napangisi ako dahil ako na ang pinakahuling pilido sa amin. Sa wakas, dismissal na niyan.

"50 po," sambit ko at iniligpit na ang mga gamit ko sa bag ko.

"Good day!" sigaw ni Miss Macapagal at agad-agad na lumabas. Tignan mo iyon, parang laging may hinahabol. Hindi pa man kami nakakasagot doon sa "good day" niya, ay wala na siya.

Narinig kong may pumapalakpak sa likod ko kaya napalingon ako kay Eunise.

"Sabi ko sa iyo, perfect ka eh!" sigaw niya habang nakangiti.

Sumimangot ako. Mang-aasar ito, nararamdaman ko.

"Anong gusto mo?" sambit ko.

"Ikaw talaga!" Tumawa siya nang malakas. "Porket you can't find true love with him!"

Inirapan ko siya at tumayo na. Sabi ko na nga ba, mang-aasar lang talaga siya. Kanina kasi doon sa canteen, bigla niya na lang kinuha yung bag ko at tinignan kung ano iyong tinitignan ko. Naaalala ko pa nga yung mukha niya habang binabasa niya iyon.

"Lalabas ba tayo ngayon?" tanong niya nang mahabol niya ako.

Lumingon ako sa kanya at nagkibit balikat. "Bibili na ako nung mga gagamitin sa booths," sagot ko. Lagi kasing may mangyayare kapag bibili ako, sana naman ngayon wala.

"Sama ako!" Parang bata niyang sigaw habang tumatalon-talon.

Nagpatuloy lang akong maglakad hanggang makarating kami sa paradahan ng mga dyip. Napahinga ako nang malalim. Sana walang gumagawang himala dito.

"Magji-jeep tayo?!" sigaw ni Eunise kaya napatingin ako sa kanya.

Ay! Oo nga pala! Anak mayaman kasi siya at nawala sa isipan ko na hindi pala siya sumasakay sa mga public vehicles.

"Nise, sorry! Nakalimutan ko! Ano... Ayaw mo bang tawagin mo muna driver mo tapos sabay natin siyang hintayin-"

Bigla niyang tinaas ang kamay niya kaya napatigil ako.

"Eep! Excited na ako!" Bigla siyang sumakay kaya napailing ako at pagkatapos ay tumabi ako sa kanya.

Kukuha na sana ako ng barya sa bulsa ko nang biglang siyang sumigaw ng "Ako na!" kaya hinayaan ko na siya. Mayaman siya pero hindi ko naman siya pinasama para magbayad ng pamasahe, ayaw ko lang tanggihan ang mga libre niya dahil siya rin ang mananalo kaya huwag na dapat makipagtalo.

"Bayad po!" masigla niyang sabi at inistretch ang kamay niya para ipaabot sa manong drayber ang bayad niya. Ngunit sa kasamaang palad, walang pumapansin sa kanya. Sa pinakadulo kasi kami naupo kaya mahirap kung ihahagis na lang sa drayber yung bayad.

"Paabot po!" sigaw niya pa ulit pero wala talagang pumapansin.

"Um, please paabot po?" subok pa nito.

"Nise, mamaya-" ...na lang tayo magbayad.

Naputol bigla ang sasabihin ko nang biglang pumalakpak ito. Nanlaki ang mata ko dahil nakuha niya lahat ng atensyon ng mga pasahero.

"People people! Ganoon po ba kahirap ang kuhanin ang bayad ng isang pasahero para maiabot sa driver? I mean, it's just a small act yet you are all acting that you don't give a damn. How rude is that?" reklamo niya. Ayan, ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayaw ko siyang nagagalit.

Tinapon niya ang bayad niya sa labas kaya nanlaki lahat ng mga nila pati ako syempre. Pera pa rin iyon no kahit barya-barya lang.

"Ay miss! Bakit mo tinapon sa labas?! Sayang naman!" panghihinayang nung katabi naming babae na kanina ay ni hindi man lumingon para man lang iabot yung bayad.

Escaping Gravity ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon