Veintisais

14.9K 409 31
                                    

VEINTISAIS

STEP #7: LOVE WHAT HE LOVES

Nabitawan ko ang libro nang biglang may sumigaw.

"Bulaga!"

Nagulat ako hindi dahil doon sa bulaga, kundi sa mukha ng babae. Hindi naman ako si Eat para ma-Bulaga tapos magiging eat bulaga. Huh? Anong pinagsasabi ko?

Pinulot ko na lang ang libro at inilagay sa may bag ko sabay sarado sa zipper kaagad.

"Bulaga ka rin!" Sigaw ko pabalik sa babaeng may hawak na mga bulaklak.

Mukhang nagulat yung babaeng tinitignan ko dahil nanlaki ang mga mata niya tapos agad na napakunot. "Miss, sorry ha. Nakaharang ka. Yung boyfriend ko, nasa likuran mo." Sabay ngiti sa akin na parang napipilitan.

Napatingin naman ako sa likuran at nanalangin na sanang hindi na lang ako tumingin dahil nakita ko yung lalake na may hawak na malaking teddy bear. Ipinaalala sa akin na ngayong araw na ito ang pinakahihintay ng mga excited ipamigay ang mga puso nila.

Nagpatuloy na lang akong maglakad papunta sa pinupuntahan ko at magpapahinga pa lang sana ako kapasok sa booth ko nang bigla akong nakarinig na boses ng lalake.

"Pres." Tawag nito. Dahan-dahan naman akong lumingon dahil baka hindi na naman pala ako ang kausap. Nakita ko ang isang lalakeng nakangiti sa akin habang may hawak na isang balloon.

Unti-unting may bumubuo na ngiti sa mga labi ko nang biglang nagsalita yung lalake.

"Ang wish ko po ay... Pwedeng pabigay kay Ureka? Nahihiya kasi ako, baka hindi niya tanggapin." Parang nahihiya nitong sabi sa akin. Aba, dapat lang mahiya siya!

Muntik nang kumulo ang dugo at mandilim ang paningin ko nang maalala kong nakatayo pala ako sa "Wish or Advice Booth" ngayon. Isa ito sa mga naisip nila na kung may nagrequest daw na pabigay o pasabi ang mga tao sa loved ones nila, gagawin namin ang makakaya namin para gawin ang wish nila.

Marami namang booths dito kaso napili ko ito dahil pwede ko naman simpleng sabihin na hindi ako genie. Oo, may choice na ganoon, kakagawa ko lang kanina.

"Kung nahihiya ka, 'wag kang magkagusto sa isang tao. Kaya hindi tayo umuunlad dahil may mga torpe! Gusto mong ako magbigay niyan? Aba, bakit 'di na lang kami ni Ureka ang magkatuluyan? Kaloka ka!" Pag-aadvice ko sa kanya.

At nakalimutan ko rin atang sabihin na may choice rin na kung tinatamad ako, mag-aadvice na lang ako which is effective naman dahil nagtatakbo nang paalis yung lalake. 100% sure akong siya na ang magbibigay kay Ureka nung balloon.

Uupo na sana ako doon sa upuan nang biglang may dumating na babaeng nakapulang headband, pulang t-shirt, pero puti naman yung pantalon. Salamat naman.

"Magtatapat na po ako sa crush ko mamaya. Ano pong advice niyo?"

Napakurap ako sa sinabi niya. May makabuluhan akong nabuo sa utak ko ngunit ang tanging nasagot ko ay, "Walang forever."

"Pres. naman..." Pagtatampo pa nito kunwari.

Tumawa ako tapos umirap. May naisip akong sobrang brilliant na idea kaya iyon na lang ang sinabi ko sa kanya. "Ganito, sakay mo siya roon sa may ferris wheel. Doon ka magtapat tapos kapag hindi ka niya naging crush pabalik, ihulog mo!"

Hindi ko alam kung sinundan nung babae yung advice ko. Basta katapos kong sinabi iyon ay umalis siya bigla at tumakbo. Siguro hahanapin na niya yung crush niya.

Sana mahulog talaga— Ay 'wag pala! Sayang naman yung isang mauupuan ng ibang sasakay sa ferris wheel at matrauma pa yung iba.

'Di na ako nag-abalang umupo lalo na tatayo rin ako maya-maya. May paparating na sanang lalake kaso bigla siyang tinulak nung babaeng nakapulang headband kanina at nag-overtake. Babawalan ko sana siya nang napansin kong parang naiiyak ito dahil sumisinghot-singhot pa siya sa panyo niya na nahalata rin ata nung lalake kaya hindi nakipag-unahan.

Escaping Gravity ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon