VEINTINUEVE
"Pres., pwede pong pabigay kay Arial itong lapel? Kailangan daw po niya kaya naka-on na kaso may kailangan po akong gawin kaya nagmamadali ako," sambit ng isang babae. Kinuha ko na kaagad yung lapel kahit parang nagbu-blur ang paningin ko.
Nilagay ko iyon sa may bulsa ko dahil baka mahulog ko pero patuloy ko pa ring hinawakan ang papel na binigay sa akin.
Sinubukan kong hanapin si Arial kahit maraming tao kaso ang nahagip ng mga mata ko ay isang naglalakad na lalake. At kilalang-kilala ko siya.
"Sandali lang!" Sigaw ko.
I ran towards him. Malayo na kami sa mga tao dahil lahat ay nandoon nanonood sa stage habang nandito kami sa may gitna ng mga damo.
Para bang guguho ang mundo kung 'di ko malalaman kung bakit n'ya binigay sa akin ito.
Ito na yata yung feeling na parang pinag-aral ka tapos mamaya, sasabihin sa'yong magdropout ka na. O kaya pinakain ka ng masasarap na pagkain na libre tapos katapos biglang sasabihin sa'yo na kailangan mong isuka lahat iyon. O kaya nung umalis kayo para pumunta sa isang lugar na sobrang gusto mong puntahan tapos bigla kang papababain sa hindi malamang dahilan.
Parang sinasabi nila na mahal ka nila kaso bawal mo silang mahalin pabalik.
Katulad ng pagmamahal mo sa isang tao tapos sasabihin sa'yo na 'wag mong ituloy, kasi wala lang. Wala na dapat tanong, basta gawin mo lang.
Kaso paano mo magagawa iyon? Posible ba iyon?
Mas binilisan ko ang pagtakbo ko kaya naabutan ko si Genesis. Hinawakan ko ang braso niya para 'di na siya makapaglakad ulit palayo.
Itinaas ko ang papel. "Is this from you?" Nanghihina kong tanong at parang umiikot ang paningin ko.
Now I need someone to breathe me back to life
Nanliit ang mata niya. "No," agad niyang sagot.
Gusto kong tumawa pero parang sumisikip ang dibdib ko. Anong nangyayare sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Legal pa ba ang masaktan sa isang salita?
Yumuko ako tapos umiling. Sobrang pinigilan ko ang pag-iyak ko pero parang ulan lang sila na hindi ko mapigilan sa pagbuhos. Shet, marunong pa pala akong umiyak. I started hearing myself sob then I flinched because of this pain that I'm feeling. Ang overacting ko na yata talaga pero wala ng preno ito, nandito na ako.
Got a feeling that I'm going under
Huminga ako nang malalim. "Move on? Move on ako saan?!" Tumawa ako nang mahina. "Pero at least, nalaman ko dahil sa'yo na posible akong magulat dahil nasasaktan pala para lang sa dalawang salita," sabay mahinang tinuro ang dibdib ko. "'Di ko nga alam kung sa kaliwa o kanan nakalagay ang puso ko kasi buong katawan ko, masakit. Bat ganun?"
Alam kong hindi ko dapat ginagawa ito dahil wala naman siyang pinangako na mamahalin niya dapat ako o kahit na ano. Kaso katulad ng isang normal na tao, nahuhulog lang naman ako at minsan, hindi ka makakahanap ng hagdanan paakyat para makaahon ulit kaya ang tangi mo na lang magagawa ay lumubog.
"Don't. I'm not worth it," bulong niya tapos dahan-dahan na lumapit sa akin.
That was when I lost it. Even though he didn't answer na siya ang nagbigay, parang sinabi niya na tigilan ko na siya. It was surprising na nahampas ko yung papel sa kanya dahil parang gumalaw nang mag-isa ang kamay ko.
But I know that I'll make it out alive
"Pwede mo naman pa lang sabihin sa akin 'yan. Bakit hindi mo na lang idiretso sa akin? Sabihin mo na hindi mo ko kayang mahalin, kasi... K-kasi nakakabaliw! Magbibigay ka ng signs, tapos tignan mo shit! Napaniwala pa ako sa mga signs para sa'yo. O 'diba? Mukhang tanga lang!"
BINABASA MO ANG
Escaping Gravity ✔
RomanceHow long does it take for one to escape gravity? Or to put it simply, how can I escape from falling for you?