DIECISEIS
NAGLALAKAD ako papalabas ng gate namin nang biglang may sasakyan na pumarada sa harap ko.
"Hola!" Rinig kong may bumati. Napatingin ako sa nakababang bintana ng kotse na nasa kanan kaya medyo nakayuko siya para matignan ako. Nagulat ako nang mapagtanto ko na si Genesis ito.
"Ay, akala ko pa si Dora," panghihinayang ko at ngumuso.
Kumunot ang noo niya at inalis ang shades niya. "Dora? Oh well, nevermind. Just enter the car," utos niya.
Ngunit pagkatapos ng sinabi niya ay ako naman ang napakunot ng noo ngayon. Imposible yung inuutos niya eh, nako.
"Enter? E walang keyboard dito ah?" takang tanong ko at inikot ang sasakyan niya. Pinapatola ba ako ng asawa kong ito? Tumigil ako sa may kaliwang bintana at kumatok doon.
Agad niya itong binuksan. "What are you talking about?" tanong niya.
"Eh sabi mo enter the car, so hinanap ko yung keyboard dito kaso wala pa rin. 'Di ba doon lang makikita ang enter? Hay nako, 'kaw talaga!" sambit ko sabay tawa ng peke.
"Idiot," bulong niya. "I said, enter like get into the car," sabi niya sa akin.
Ah, ayun pala. Dapat kasi nililinaw niya.
Napatakbo na ako agad papasok ng sasakyan. Kumaway muna ako kay kuya guard at napangiti agad nang kumaway siya pabalik sa akin bago isarado ang pintuan.
"Um," tumikhim ako at sandaling tumingin kay Genesis na seryosong nakatingin sa daan.
"Nicky," bigla niyang tawag sa akin bago pa man ako makapagsalita.
Parang biglang tumalon ang puso ko nang tinawag niya ang pangalan ko.
"Yes? Yow? Ano? What?" tanong ko na patuloy-tuloy at nang mapatingin ako sa kanya, nakita ko muna siyang umiling.
Sumulyap pa siya ng sandali sa akin at ngumisi. "W-Why did you not reply yesterday?" tanong niya.
Ngayon ay nanlalaki akong lumingon sa kanya. Agad kong nakuha ang sinabi niya.
"Eh 'di ba GM lang naman iyon?" Nang maitanong ko iyon ay narinig ko siyang may binulong sa sarili. Teka. Kapag ba G.M. ay dapat magreply lahat ng mga tinext niya? Ay, bakit 'di ako nainform?
"GM?" tanong niya ulit.
"Green Minded?" tanong ko.
Biglang napatigil ang sasakyan at muntik na akong masubsob sa dashboard pero nahawakan ni Genesis ang braso ko kaya medyo nabawasan ang pwersa para sa pagsubsob ko.
Huminga siya nang malalim at pina-andar na ang sasakyan. "I am sorry," sambit niya.
Napatawa ako sabay iling. "Ayos lang! Nukaba," bulalas ko at ngumiti. Siguro may nakita siyang pusa kaya naapakan niya ang break. Anghel talaga ang asawa ko.
"But what's GM really, by the way?"
Oo nga pala, rich kid ito. Baka may iba silang tawag sa group message. Baka tipong "Mensaje de grupo" yung tawag sa kanila.
"Group message, ganon. Yung tipong send this message to all. Bakit?" sagot ko na may kasamang tanong para cool.
Nakita kong tumango siya at nagkibit-balikat. "Oh. Don't mind my GM yesterday," sambit niya na may diin doon sa letters na G at M.
Tumango na lang ako at hinayaan na lang siya. Baka may hinanakit siya sa letters na G at M 'di ba? N at Y yung first letters ng pangalan ko, so hindi ako iyon.
BINABASA MO ANG
Escaping Gravity ✔
RomanceHow long does it take for one to escape gravity? Or to put it simply, how can I escape from falling for you?