Cinco

20.3K 597 30
                                    

CINCO

"PARA PO!" sigaw ko.

Kumaway muna ako at nagpasalamat ulit kay Kier bago bumaba. Nakakatuwa siyang kasama. Munti na nga akong mapalampas sa pinupuntahan ko, buti na lang nakatingin ako sa labas habang naglolokohan kami.

"Ingat!" Rinig kong sigaw niya bago umalis ang dyip.

Nalaman kong may kumuha daw bigla ng sasakyan niya kaya ayan, napilitan siyang magdyip muna. Hindi na ako masyadong nagtanong dahil agad rin naman siyang nag-ibang topic.

Bigla akong napatigil nang may nakita akong tindahan na nagtitinda ng mga chocolates. Pumasok ako at napatingin sa paligid. Hindi naman sila branded at mga kilalang tsokolate pero mukha naman itong masasarap.

"Hi! Ano po iyan?" tanong ko sa tindera.

Napalingon siya sa akin at ngumiti. Bigla siyang may kinuha galing sa lamesa niya at iniabot sa akin. "Heto, tikman mo."

Kinuha ko na ito nang makita kong hinihintay niya ako. Pagkabukas ko sa wrapper, agad ko din itong kinain.

Wow! "Ang sarap naman po nito!" puri ko. "Ano pong tawag niyo dito?"

Bahagyang yumuko ang tindera at lalong lumawak ang ngiti niya. "Tsowkow," sagot niya.

Ang cute naman. Tsowkow.

"Magkano po pala ang isang kahon?" Turo ko sa nakadisplay na malaking box.

"Ah iha, 50 pesos nalang para sa iyo," sagot ng tindera.

Napangiti ako at tumango. "Sige, kukuha po ako ng dalawa."

Inilagay niya ito sa plastik at iniabot sa akin kasabay nang pag-abot ko ng bayad.

"Salamat iha! Balik ka ulit!"

Naglalakad na ako papunta sa susunod kong destinasyon na ang mall nang may makita akong batang umiiyak na mag-isang lumilipat ng daan. Agad akong napatakbo nang makitang may paparating na napakabilis na sasakyan.

Hindi. Hindi pwede...

Napabusina ang sasakyan kaya lalo akong nagmadali. Niyakap ko agad ang bata nang mahabol ko siya at agad itinabi. Biglang bumagsak ang ikod ko sa semento at naramdaman ko na lang na lalong umiyak ang bata. "Shh, okay na. Nandito na si ate," bulong ko sakanya.

Biglang may bumukas na pintuan ng sasakyan ngunit hindi ko magalaw masyado ang katawan ko dahil sa sakit.

"Miss, you okay?"

Kahit masakit talaga, biglang tumayong mag-isa ang katawan ko sabay sa pagtayo din sa bata na hawak ko. Dahil yung boses na iyon, hindi ako pwedeng magkamali na si Genesis nga 'yun.

"A-aray," mahinang bulong ko at hinawakan ang likod ko.

"Nicky?"

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya ang una kong naisip ay ang ginawa ko.

Ang magpanggap na nahimatay. At dahil may kaunti naman akong skills sa pag-acting, mukha namang napakagat si Genesis. Naramdaman kong nagmamadali niya akong binuhat papunta sa sasakyan.

Nagsarado na ang pintuan ng sasakyan kaya medyo napadilat ako. Papasok na sana muli si Genesis kaso naalala niya yatang may kasama akong bata kanina.

Wala pa namang isang minuto ay nakabalik na siya para dalhin ako sa ospital.

HALA! Dapat yata magising na ako at sabihin sa kanyang hindi talaga ako nahimatay! O kaya naman ay sabihin na nahilo lang ako? O kaya ipagpatuloy na lang?

Napakabilis niyang magpatakbo kaya agad kaming nakarating sa ospital. Mas lalong lumakas ang kabog sa puso ko. Oh my gosh. Baka malaman ng doktor na hindi talaga ako nahimatay, baka gawin niya iyong titignan sa mata tapos sasabihin niya sa akin: "Ay! Gising ka naman pala teh!"

"Nicky," banggit ni Genesis sa pangalan ko.

Bakit niya ako tinatawag? O baka naman ibang Nicky 'yun? 'Di lang naman ako ang nag-iisang ganito ang pangalan sa mundo diba?

"I know you're awake," dagdag niya.

Alam naman pala niyang gising ako e. Alam naman pala... Huh?! Alam niya?!

"Idiot. Your eyes want to open but you choose not to," sambit nito.

Hay, wala na. Wala na akong pag-asa. Idiot daw ako.

Napaupo akong maayos at umirap sakanya. "Bwisit," bulong ko at napasuklay sa buhok gamit ang kamay ko.

"See? Isn't that easy?" asar niya.

Tumingin ako sa kanya. "Alam mo naman pala na gising ako, bakit 'di mo na lang ako iniwan na nakahudusay kanina?"

Mga tatlong minuto ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya sumasagot. Sakto, naalala ko bigla yung dahilan kung ba't nandito ako.

"Yung bata, Genesis? Nasaan siya?" natataranta kong tanong habang lumilinga sa likod ng sasakyan. Ngunit walang tao doon.

Hindi siya ulit sumagot at bigla siyang lumabas ng sasakyan. Siguro mga dalawang minuto naman akong nakatulala sa kamay ko bago biglang may kumatok sa bintana.

Sumenyas siya na lumabas na ako kaya sinunod ko naman siya. Pagkalabas ko, ipinalibot ko ang tingin ko sa buong lugar. Nasa isa kaming orphanage.

"Genesis! Bakit tayo nandito..." Hanggang bulong ko na lang nasabi ang tinatanong ko nang makita ko yung bata na sinagip ko kanina.

"Siya yung ate kanina!" sigaw niya habang hawak-hawak ang isang madre sa isang kamay.

Bakit ang bilis naman niyang nakarating dito? May powers bang teleport itong batang 'to?

Lumingon ako kay Genesis na nakatingin na rin sa akin. "Someone here was looking for him 'cause he ran away," sabi niya na parang nabasa ang aking isipan. "Sakto na dumating kanina yung naghahanap sa kanya nung pinasok kita sa sasakyan."

Binalik ko ang tingin sa bata at umupo para makapantay siya.

"Hi," panimula ko.

Kumaway lang siya sa akin at biglang tumakbo papunta sa mga batang naglalaro. Ngumiti sa akin ang madre kaya tumayo ako para magpakilala sa kanya.

"Nicky Yuwan po," pakilala ko.

"Ako si Sister Rina. Iha, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, maraming salamat na sinagip mo ang batang ito. Hindi namin alam anong gagawin namin kung naaksidente siya," sambit nito sa akin.

Malaking ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Wala po iyon. Wala po iyon, promise!"

"Sa iyo ba itong tsokolate na hawak-hawak kanina ni Harold?" tanong niya at biglang may inangat.

Tumingin ako doon sa plastik na muntik ko nang makalimutan.

"Sa kanya nalang po iyan," sagot ko at napatingin kung nasaan si Genesis. Nakangiti siya habang pinagkakaguluhan siya ng mga bata kasama si Harold.

Pwede bang sakanya na lang ako?

"Ano, iha? Anong pwedeng sakanya ka na lang?" tanong niya kaya bigla akong napailing-iling.

Nasasabi ko na naman ata ang mga iniisip ko.

"Hehe. Wala po akong sinabi," nahihiyang sagot ko.

Escaping Gravity ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon