DIECISIETE
"SALAMAT po sa pagkain, Tita na lang—"
Biglang binuksan ni Genesis ang pinto ng sasakyan bago pa man ako matapos. Yun ang naging dahilan kaya ako napatigil at napatingin sa kanya.
Hah. Sawa na siguro siyang naririnig yung endearment ko kay mother-in-law.
"Mom, I'll just bring her home." Paalam niya tapos humalik sa pisngi nito.
Wow, ang sweet naman ng asawa ko. Medyo may pagka-Mama's boy pala siya.
Pumasok na ako sa sasakyan bago pa umiyak si Genesis sa pagkakawalay niya sa kanyang ina. Marami ng kasong ganon lalo na kapag naho-homesick. Ayoko naman siyang lumungkot.
Siya naman ay pumasok sa kabilang pinto tapos kumaway muna ulit kami kay Tita na lang 'pag nasa labas tayo bago umandar ang sasakyan.
Tumikhim ang asawa ko. "What happened? Are you really that slow?"
Slow...?
"Huh? Ikaw nagpapaandar ng sasakyan tapos tatanungin mo ako, bakit ako slow? Aba malamang kasi hindi ako ang tumatapak sa gas. 'Di man nga ako marunong magdrive eh," sabay tingin sa kanya.
Then bigla kong narealize. Oo nga. Medyo hindi yata gumagana ang utak ko.
Tinapik ko ang ulo ko tapos tumingin sa labas. Nakaka-turn off pamo yata yung mga mababagal mag-isip.
I don't know. Basta kapag kausap ko o nakikita ang asawa ko, biglang parang sumasabay yung utak ko sa pagbagal ng oras.
"You okay?" Tanong niya sa akin.
"No, I'm Nicky." Sagot ko naman.
Tumawa siya kasabi ko nun tapos tumingin muna sa akin nang tumigil ang sasakyan sa isang stoplight.
"Want to play some games on my phone?" Imbita niya at nakita kong inabot nito ang cellphone niya.
Kinuha ko na yun as a chance para tumigil sa pagsasalita. Baka may masabi na naman akong mali o hindi dapat.
Hindi ko na kinailangan buksan yung phone dahil nakabukas na ito. Naghanap na lang muna akong apps. Naisipan kong pasalamatan na lang muna siya baka siya naman ang mabore.
"Salamat sa paghahatid pala sa akin ha. Lagi na lang kitang naaabala," sambit ko nang umandar na ulit ang sasakyan.
Nakita ko sa side view kong tumango siya. "It's nothing and my mama won't let me sleep if I didn't," sabay tawa nang mahina.
"Bakit? Aalisin niya ba kama mo?" gulat kong tanong. Napahawak ako sa batok ko at tumingin muna sa kanya. "Pero pwede ka namang matulog sa sofa, 'di ba?"
Sinagot niya lang ito ng iling kaya bigla akong may naisip.
"Hala? Inaalis niya din pati yung sofa?" tapos napanganga ako.
Ang galing naman ni Tita na lang pag nasa labas tayo. Kapag pala ayaw niya patulugin ang isang tao, nabubuhat niya ang mga furniture. Sabi ko na nga ba, may mga tinatago talagang mga powers ang pamilyang Molin.
Bumalik ang tingin ko sa phone at nakuha ng atensyon ko yung messages na icon kaya naglakas loob na akong maghingi ng favor.
"Pwedeng makitext?"
He replied with a, "Yep" kaya agad kong inalala yung number ni Eunise para itext siya.
To: 091********
EUNakakaInISE!! Diba nasayo pa yung book, yung steps? Di mo na binalik sakin lol pero pwedeng itanong yung step 5? Reply ASAP
Hindi ko na kailangan ilagay kung sino ako dahil alam naman niyang ako iyon dahil nag-iisa lang naman akong may palayaw sa kanya nun. Sigurado naman akong may load ito dahil rich kid itong asawa ko kaya agad kong ni-click ang send.
BINABASA MO ANG
Escaping Gravity ✔
RomanceHow long does it take for one to escape gravity? Or to put it simply, how can I escape from falling for you?