Treinta y Dos

14K 377 16
                                    

TREINTA Y DOS

Ramdam kong may yumuyugyog sa akin kaya napadilat ako.

"Anak? Anong napanaginipan mo? Bakit ka sumisigaw ng 'wag kang kagatin? Sino ba nangangagat sa'yo?" Parang kinakabahan niyang tanong at mukhang kakagising niya lang din.

Napaupo ako tapos napatingin sa paligid. Ay? Akala ko totoo na talagang may bampira na kakagat sa akin. Huminga ako nang malalim at kinapa ang sarili ko kasi baka may hidden kagat pala ako at hindi ko alam.

"Wala, ma. Pabebe lang ako kaya ganern," sagot ko sa kanya para hindi na siya mag-alala sa akin.

Ngumiti na siya at ginulo ang buhok ko. "Sabi mo ah. Oo nga pala, bakit ka nagpapagising nang maaga kahit wala kayong pasok?"

Wala kaming pasok dahil Chinese New Year ngayon kaya pachenes-chenes muna raw kami.

Tumango ako. "Opo sana. Bibisitahin ko po si papa."

Matagal na kasi noong huli ko siyang binisita. Madalas kasi ay natatakot akong pumunta sa sementeryo dahil baka may mga lumitaw na bampira doon. Kaso parang nagkacalling na yata ako ngayon sa panaginip ko dahil ako na mismo ang binisita.

"Hindi kita masasamahan, 'nak. May kailangang puntahan si mama," malungkot na sambit ni mama.

"Sinong mama ang sinasabi mo, 'ma? Si lola?" Taka kong tanong kasi 'may trabaho si mama' ang sabi niya so yung mama ni mama ang sinasabi ni mama na magtatrabaho? Huh?

Biglang sumeryoso ang mukha ni mama tapos mukhang may inisip muna bago umiling-iling at tumayo na sa pagkakaupo sa kama ko.

"Mag-ayos ka na at baka gabihin ka pa," sambit niya sabay labas.

Oo nga, at kapag gabi... Doon lumalabas ang mga bampira, 'di ba? OH OUR GOSH! Hindi maaari! Baka magkatotoo ang nasa panaginip ko. May mga pangarap pa ako sa buhay kaya nagdalawang isip ako kung maliligo pa ba ako o hindi kaso baka maamoy pa ako nung bampira at mainis siya tapos kagatin ako.

Tumakbo na ako papuntang banyo at mabilis na naligo. Hindi naman ako ganoon katagal mag-ayos kaya wala mang isang oras ay nakaready na ako.

"Alis na ako, ma!" Paalam ko habang kinukuha ang maliit kong bag na laging dinadala 'pag umaalis.

"Ingat ka, 'nak! Kunin mo na lang yung pera diyan para sa pagkain mo! Hindi na ako nakapaghanda eh!" Sigaw ni mama dahil nasa loob siya ng banyo namin sa baba. Mukhang naliligo na rin yata siya para 'di maamoy nung bampira.

"K, ma!" Pacool kong sambit kaso naisip ko baka puntahan ako ng bampira kasi dry ako at icheck kung may dugo akong dumadaloy sa katawan kaya nag-isip ako ng bagong sasabihin.

"Ingat ka mamaya, 'ma! See you later! Love you!" Sigaw ko kahit medyo malapit lang naman ako sa harapan ng banyo.

"K!" Sigaw pabalik ni mama. Ay?

Hindi na ako nagtampo at lumabas na ako ng bahay para kaagad makarating sa sementeryo kung nasaan si papa. Kalabas ko ay sinarado ko na ang gate at pumunta sa gitna ng daan. Nagtatalon ako sa gitna para magtawag ng traysikel.

"Trike?!" May narinig akong sumigaw.

"Ay, hindi po! Helicopter!" Sigaw ko pabalik doon sa lalakeng nagtatawag talaga ng trike para sa mga hindi marunong tumawag at isa ako sa mga iyon.

Tumawa yung lalake kahit wala namang nakakatawa pero nagwhistle siya nang malakas katapos kaya may dumating ng tricycle. Tinuro ako nung lalake kaya nagpunta sa harapan ko ang trike.

"Saan po punta?" Tanong nung drayber ng tricycle.

Ngumuso ako. "Malayo po sa mga sakit." Tinignan ako na parang nagtataka siya kaya tumawa ako. "Daan muna po ako sa may maliit na palengke diyan tapos pahatid po sa sementeryo."

Escaping Gravity ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon