Veinte

19.1K 460 39
                                    

VEINTE

"WHY are you crying?" Nanlalaking mata na tanong ni Genesis sa akin.

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko at pinipigilan ang paghikbi ko. "K-kasi..."

Parang kinakabahan na constipated si Genesis habang lumilingon-lingon sa paligid habang naghahanap ng paraan para mapatahan ako. Paano ko nalaman? Sabi sa inyo eh, may manghuhula powers ako.

Hindi, joke lang. Ang totoo niyan 'pag nararamdaman kong hindi siya nakatingin, doon ako sumusulyap sa kanya. Kapag lilingon siya pabalik sa akin, hahagulgol na naman ako.

"Hey, tahan na..." bulong niya.

Bigla akong napatigil at napatingin sa kanya. "Ano ulit?"

Mukhang nagulat naman ata siya kasi pabigla-bigla naman akong magreact. "Tahan na?"

Wow. Nagtagalog siya!

Napangiti ako nang malaki at napatingin sa mga nagtitinda. Mayroon rin kasing mga nagtitinda ng mga alahas dito. Parang tiyanggian, ganun.

Nasa malapit lang ito ng parke kaya maraming tao at siguro dahil biyernes ngayon, marami pa rin kasi wala namang pasok bukas.

"Where are we going?" tanong niya nang hinila ko siya sabay hablot sa bag ko tapos lakad nang mabilis.

Sinagot ko lang siya ng kindat at hindi na siya nagsalita pagkatapos noon. Siguro nandiri sa kindat ko.

Hay, oo nga naman... Nicky, bakit kailangan mo pa kasing kumindat?

Hindi ko na lang masyadong inisip ang iniisip ko. Habang naglalakad kami dito, napansin kong pinagtitinginan kami ng mga tao. Nagbubulungan ang mga babae at nakatingin nang masama ang mga lalake. Kasi naman no, hindi na sila pinapansin ng mga "gurlpren" nila.

Kahit ako naman no! Kapag nakakita ako ng adonis na lalake, mapapatitig na lang ako sa kanya. Malas lang nila, nakasama ko pa siyang kumain ng tokneneng.

Bigla akong napabitaw sa hawak ko kay Genesis at napatalon nang makakita ako ng kwintas na may pendat na disenyong eiffel tower.

"Hi ateee!" masiglang sabi ko sa tindera.

Napatingin naman siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Close tayo para tawagin mo akong ate, Miss?" sabi niya na parang galit na galit.

Hala, may attitude si... Err... Lola! Hindi naman siya mukhang matanda, halos parang kasing-edad ko lang nga siya pero kung umakto siya ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

Napansin ata ni Genesis ang reaksyon ko kaya napatawa siya. Ito din eh, trip akong pinagtitripan.

Napabuntong hininga ako. Bet ko pa naman yung design. Sayang... "Tara doon—"

Maglalakad pa lamang sana ako para lumipat nang hawakan niya ang braso ko. Eh-meh-gehd! Trip niya ang braso ko. Naaalala ko, ito rin yung parte na hinawakan niya noong nahulog ako sa kanal.

"Ate?" tawag ni Genesis kay lola. Siniko ko naman agad ang asawa ko at pinanlakihan ng mata. Jusko, ayaw ko namang magbuga ng apoy si lola dahil lang tinawag namin siyang "ate."

Dumapo ang mga mata ni lola (hindi literal na dumapo na parang paru-paro) kay Genesis at nagulantang ang katawang lupa ko nang bigla siyang ngumiti.

"Yes? Anong gusto mo, pogi?" sabi ni lola sabay ayos sa buhok niya.

Tumingin naman ako kay Genesis at medyo lumapit sa kanya. "Tama ba yung narinig ko kanina? "Ate" yung sinabi mo 'di ba?" bulong ko sa kanya.

Escaping Gravity ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon