Ocho

17.9K 545 38
                                    

OCHO

"HI BEST FRIEND of Juliet!" masiglang bati sa akin ng hipon. Este ni Julian.

Pinilit kong ngumiti sa kanya. "Hello," madiin kong balik. Pinipigilan ko kasi ang sarili ko dahil baka bigla ko nalang siyang matawag na hipon. Nasa harap ko pa man din ang asawa ko.

Hay, ang pogi niya talaga.

"Ang cute niyo namang magbestfriend. Nagshashopping kayong magkasama!" sigaw niya. Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Ako lang ang cute," sambit ko kaya natawa na rin siya habang ang asawa ko ay nakangiti pero parang pilit lang.

Tumingin si Julian kay Genesis at saktong napatingin din ang asawa ko sakanya. Nagkatinginan sila na para bang nag-usap na rin sila kahit hindi man sila nagsalita. Biglang naningkit ang mata ni Genesis kaya biglang napangisi si Julian.

"Anyway, we will buy ice cream doon sa ice cream parlor, I am craving kase eh. Wanna come?" alok niya at ngumiti.

Napanguso ako. Okay, sa totoo lang, maganda siya at mukha din siyang mabait. But you know, I can't help it. Syempre dahil kabit siya ng asawa ko. Existence palang niya ay naiinis na ako, pero bakit naman ako hindi sasama sakanila diba?

Sino bang aayaw sa ice cream?

"Ayos! Gusto ko ding ice cream!" excited na sigaw ni Nise habang naglalakad na kami. Sinusundan namin ang asawa ko at ang kabit niya. "Sakto sa iyo! Kailangan mo na rin ng ice cream kasi alam kong depressed ka," dagdag pa nito.

Napairap ako.

Hindi ko kailangan ng ice cream para sumaya. Kailangan ko ang aruga at pagmamahal ng asawa ko. Keme lang! Medyo madrama alert!

Pumasok na kami sa ice cream parlor. Pinaikot ko ang tingin sa buong store. Ang ganda, ang cute ng mga pictures ng ice cream pati na rin yung mga paintings tapos ang dami pang tao.

"Ano meron diyan?" Lapit ko kina Eunise na kinakausap nina Genesis at Julian.

"Um, we're talking about sa ice cream flavor na kukunin namin. They're so dami kase and I can't choose," sabay nguso.

"You, Nicky?" Biglang tanong ni Genesis kaya nabigla ako.

"Anong me?" tanong ko.

"What do you want?" balik niyang tanong.

Ano nga ba?

"You," nasambit ko. Napatahimik sila lahat at nakatingin lahat sila sa akin.

Lumingon ako kay Eunise na nanlalaki ang mata habang may binubulong na: "My gosh! Nagcoconfess ka?"

Shocks! Nanlaki na rin ang mata ko nang maisip ko ang sinabi ko.

"Huh?" takang tanong ni Genesis habang nanliliit ang mata.

Umm, teka. "Ano... S-Sabi ko ay ikaw? You? Ano iyong sayo? Haha!" palusot ko. Kinagat ko ang labi ko nang tumango siya nang marahan.

Naisip ko na lang itanong yung kanya dahil nasabi ko naman ay you, pero yung pagkasabi ko nga lang kanina ay parang hindi tanong. At alam ko naman talaga yung flavor na gusto niya.

"Vanilla," simpleng sagot niya at ngumisi.

At 'yun ay vanilla. Nauna lang siya sa pagsabi, sasabihin ko na sana kaso nasabi niya na kaya bakit ko pa sasabihin kung sinabi niya na?

"Aww vanilla! Paborito ko din ang vanilla, baby! Meant to be talaga tayo," masiglang sigaw ni Julian.

Hala! Paborito daw niya! Paborito mo kamo si Genesis. Meant to be? Sus, talo siya, kami mag-asawa na. Pagkatapos naming umorder ng ice cream namin, umupo kami sa pang-apat na upuan doon sa labas ng store.

Kwento lang ng kwento si Julian tungkol sa mga damit niyang binili, at kung saan niya ito nabili pero walang pumapasok sa isipan ko dahil busy akong kumakain at silang dalawa ni Eunise talaga ang nagkakaintindihan.

Wala naman kasi talaga akong pakielam sa suot ko. Medyo lang ngayon dahil nga doon sa unang step pero titigil ko na iyon dahil alam na ni Genesis na sinusundan ko iyon. Kaya nga ngayon ayaw kong tumingin sa kanya kasi nahihiya ako.

"And you know what, guys?! Ang saya kapag magsa-shopping ka with your boyfriend, kasi nandoon siya para matanong mo kung maganda ka ba doon sa suot mo," nakangiti niyang sambit at sumalok ng ice cream gamit ang kanyang maliit na kutsara.

Mabulunan ka sana.

At saka, if boyfriend has 9 letters, so does ice creamm!

Napakunot ang noo ni Genesis at Julian habang nanlalaki na naman ang mata ni Eunise. 

Shoot! Nasabi ko ba ang nasa isip ko?

"I-C-E C-R-E-A-M," bilang ni Julian. "Teka, eight letters lang yun ah?"

Eh! Bakit binilang pa? Ang effort naman niya.

"Double M yun, I-C-E C-R-E-A-M-M!" sabi ko at tumawa nang malakas na malakas para kunwari sinadya ko iyong ijoke.

"Double M pala iyon? Buong buhay ko, akala ko tatlong M eh," biglang singit ni Eunise.

O edi ice creammm?

Biglang may tumunog na telepono kaya agad silang lahat napakapa sa bulsa nila habang ako nakatingin lang sakanila.

Bawal ko kasing dalhin sa school dahil nasa rules iyon at isa pa, wala naman akong katext kaya para saan pa?

"Ay sa akin," sabi ni Eunise. "Teka lang, sagutin ko lang ito ha!" at lumabas na siya.

Okay, okay. Salamat Nise sa pag-iiwan sa akin, katouch sobra.

"Uh, Nicky? Do you like the ice cream?" tanong bigla ni Julian na nagpabasag sa katahimikan.

Napatingin ako sa chocolate ice cream kong naubos na.

"Yep, ang sarap eh. Hehe," sagot ko. Biglang may batang tumakbo sa tapat ko kaya may hangin akong naramdaman.

Tae, bakit ang lamig?

Tae... Tae! Oo nga pala, may reaksyon ang tiyan ko sa tsokolate!

"You okay?" tanong ni Genesis.

Oh my gosh! Kahit wala akong cellphone, tinatawag ako ni Mother Earth. Huhu!

"Guys, I'm back!" Pagbabalik ni Eunise.

"I'm front," sambit ko at napahawak sa tiyan ko. Okay, wala lang ito. Dapat huwag ko itong isipin. Mas masakit mabasted, mas masakit hindi makahanap ng totoong pagmamahal sa taong mahal mo.

Hashtag hugot.

Tumawa sila kaya natawa na rin ako pero wrong move, masakit na talaga ang tiyan ko.

"Teka lang! May tumawag lang sa akin ha? Nakasilent lang kaya 'di niyo narinig. Five minutes babalik na ako pero kung wala pa rin ako, five minutes ulit!" Mabilis kong sabi at tumakbo na papalabas pero bago pa ako makalabas, narinig kong magsalita si Eunise.

"Alam ko, 'di siya nagdadala ng phone kapag school days ah?"

Escaping Gravity ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon