TREINTA
"Grabe namang lalake na yan! Pati yung facebook profile picture niya dati na kayong dalawa, pinalitan na nga tapos dinelete pa," reklamo ni Eunise habang hawak-hawak ang kanyang phone. "Kapag nakita ko siya, pipicture-an ko siya sabay delete para maramdaman niya ang batas ng isang api!" Panggagaya niya doon sa acting na napanood niya sa TV.
Pinigilan kong matawa dahil BH dapat ang peg ko kaya lang, 'di ko kinaya kaya napahalagapak ako sa tawa.
"Loka ka talaga!" Sabay hampas sa kanya ng unan.
Hahampasin na rin sana niya ako pabalik nang may kumatok sa pintuan namin. Tumingin kaming dalawa roon nung bumukas sabay iniluwal si mama. Nakangiti siya nang makita niya kaming ayos at hindi mukhang patay.
"Eu, anak? Pwedeng makausap si Nicky?" Tanong ni mama.
Kumunot naman ang noo ni Eunise sabay tumango. "Oo naman, 'ta. Ewan ko sa'yo bakit ako pa kinausap mo, eh nandito rin naman si Nicky mickey tickey tiki star."
Mas lalong lumawak ang ngiti ni mama hanggang sa umupo na siya sa may tabi ko sa kama. Naramdaman ata ni Eu ang mother and daughter moment namin kaya hinawakan niya muna ako sa kamay nang mahigpit at katapos, ay lumabas na.
Nagtinginan muna kami ni mama. Aba, si mama talaga... Bakit 'di niya na lang sinabi na staring contest pala gusto niya?
Tumikhim ako tapos kumurap. Hala? Talo na ako!
"Anak," panimula ni mama. Akala ko sasabihin niya na talo na ako sa staring contest nang hawakan nito ang dalawa kong kamay. "Simula nang ipinanganak kita, araw-araw kong iniisip na paano kita papalakihin? Paano kita gagabayan? Paano ko masisiguro na okay ka sa buhay mo? Paano ako magiging mabuting ina sa'yo? Hindi ko talaga alam, kasi konting palpak ko lang ay ikaw ang mapapahamak. Lalo na maaga tayong iniwan ng papa mo pero 'nak... Inisip ko na may dahilan naman ang lahat. Tignan mo, kahit tayong dalawa lang ay nagsurvive naman tayo."
"Ma, sasali ka ba sa survivors?" putol kong tanong. Mukha kasing nagpapaalam si mama. Malay ko ba na bet pala niya sa gubat.
Napatawa siya tapos umiling-iling. "Nung nakilala ko papa mo, wala namang tumunog o sumapok sa akin tapos sinabing "Hoy! Ayan na magiging asawa mo!" Wala eh. Hindi ka talaga sure. Nakwento sa akin ni Eunise yung mga alam niya sa nangyare kahapon. At alam mo ba kung anong naisip ko? Sabi ko sa sarili ko na proud ako kasi napalaki kita nang maayos. Presidente ka—"
"Hindi ako ma, hindi ko kaya yung buong Pilipinas," paghinto ko sa kanya. Tinignan ako nang matalim ni mama kaya napanguso ako. "Joke lang, ma! Tuloy na po."
"Matalino ka at maganda tulad ko." Napangiti ako sa sinabi niya." Medyo slow ka lang minsan, 'di ko alam saan mo namana iyon." Sumimangot ako bigla. "Pero marunong kang magtake ng risk. Iyon anak, yun ang pinakagusto ko sa'yo. Hindi ka sumusuko kaagad, at iyon na yata ang namana mo sa papa mo. Inilabas niya ang sarili niya para matulungan yung mga ibang tao at ganoon ka rin sa paraan mo." Parang may pumasok na tubig sa mga mata ko dahil naramdaman kong may lalabas na tubig sa mga ito.
"Mahal na mahal ka namin, 'nak. Sobra. Kaya 'wag mong sisihin sarili mo," dagdag ni mama. "Tandaan mo, hindi mo kasalanan at walang mali sa'yo dahil may mga taong 'di ka kayang mahalin." Pagtatapos n'ya.
Inalis ko ang pagkahawak niya sa kamay ko para mayakap si mama. Mukha siyang nabigla pero narinig ko ang pagtawa niya nang mahina nang yakapin niya akong pabalik.
Minsan lang kami magseryoso ni mama. Katapos mawala sa amin ni papa, nagpromise kami sa isa't isa na dapat masaya kami lagi dahil iyon ang magugustuhan niya. Nung unang beses, halatang peke at pilit lang pero nung tumagal na ay parang nasanay na kami. Ngayon na lang ulit nabanggit ni mama si papa habang seryoso siya kaya alam kong kahit madalas na umaakto siya bilang kaibigan ko, hindi nawawala ang pagmamahal ng mama ko.
BINABASA MO ANG
Escaping Gravity ✔
RomanceHow long does it take for one to escape gravity? Or to put it simply, how can I escape from falling for you?