Treinta y Cuatro

14.6K 398 27
                                    

TREINTA Y CUATRO

"Ano naman akong klaseng kaibigan kung hindi kita tutulungan sa debut mo?" nagtatampo kong sambit kay Eunise.

Sinapok niya ako tapos tumawa. "Ano 'to? Kasal lang? Hindi ka naman maid of honor na kailangan akong samahan sa buong preparation. Kalma ka lang, Nicky mickey tickey tiki star!"

Sumimangot ako sabay kuha ng panyo ko galing sa bulsa para pampunas ng pawis ko. "Bakit ba ayaw mong ipaalam kahit details lang kung anong theme or something? Hindi ba ako imbitado diyan?"

Sobrang lapit na ng araw ng debut ni Eunise at hanggang ngayon, wala siyang sinasabi sa akin tungkol doon. Kapag binubuksan ko yung topic, bigla niyang iibahin kaagad. Kesyo okay na raw, sasabihin niya na 'wag na akong mag-alala kaso paano naman yung duty ko as a bestfriend?

Hindi pa rin naglalaho ang tawa nito kaya ang ginawa lang niya ay tawanan ako sa bawat sinasabi ko.

"Imposibleng wala ka noh! Wala na ang iba kasi basta ikaw nandoon, okay na ako." Pambubuladas pa niya.

Tinignan ko siya sa mga mata at napahalukipkip. Parang may iba eh. Sa lahat ng bagay, laging nagpapatulong itong babaeng 'to sa akin so super imposibleng wala siyang tinanong o kahit hingi lang ng suggestion sa akin.

Hindi kaya... "May iba ka na bang best friend?" akusa ko sa kanya.

Nawala na ang saya niya sa mukha at parang nawala rin ang dugo niya sa mukha nang marinig niya ang tanong ko. "Huh? Anong pinagsasasabi mo? W-Wala!" Sabay kaway pa nito sa harapan ng mukha ko para maemphasize na wala talaga.

Edi wala, sabi niya eh.

"Oo nga pala, anong step ka na doon sa librong binigay ko sa'yo?" Tanong niya na ikinataka ko dahil nawala na pala sa utak ko iyon.

Simula nung nagsimula akong magmove on (kahit 'di naging kami), ay hindi ko na tinignan ulit iyon pero sure naman ako na sa kakabasa ko nang paulit-ulit ay memorize ko na ang mga nakasulat doon.

"Step #9! Yung nakalagay nga ay 'Find the true meaning of love' eh. Nung una kong binasa yun, sobrang excited ako kasi akala ko kapag napunta na ako sa step na iyon ay may meaning na ako... Wala pala. Mahirap hanapin ang totoong meaning ng pagmamahal," pagdadrama ko.

Napasinghot naman siya sa sinabi ko at mukhang pinipigilan ang matawa. "Tinanong ko lang tapos ang daming sinabi," bulong niya na narinig ko naman.

Sinamaan ko siya ng tingin tapos umiling.

"Kaya hindi ko nahahanap ang true love eh. Ikaw laging kaharap ko," paninisi ko sa kanya.

Nilabas niya lang ang dila niya sa akin tapos nagpacute kaya tumalikod na ako at umalis.

"Check mo libro mo ah! Basta ano, tignan mo lang at kung ayaw mo na, ibalik mo na sa akin. 'Wag mong itapon, sayang!" Pahabol nitong sigaw sa akin.

Kinibit ko ang mga balikat ko bilang sagot dahil hindi ko alam kung may lakas na ba ako para tignan iyon tapos ang maaalala ko lang ay ang mga nangyare noon. Dahil wala na rin naman akong mapapala sa babaitang iyon, naglakad na ako paalis. Biglang may lightbulb akong nakita na ako pabalik ng room dahil naalala ko ang panyo kong hawak-hawak kanina na ngayon ay nawawala.

"Nahulog ko siguro," sabi ko sa sarili ko tapos lumiko para bumalik kung saan kami nag-uusap kanina ni Eunise.

Karating ko ay nagulat ako nang makitang nandoon pa rin si Eunise habang may kausap na babae. Hindi ko 'to kilala dahil siguro sa iba siyang building pero mukhang pamilyar ito, hindi ko lang alam bakit. Lalapit sana ako nang magsalita si Eunise.

Escaping Gravity ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon