TRECE
"NIX," tawag sa akin ni Eunise.
Tumingin ako sa kanya tapos tumingin ulit sa teacher namin. Nang nakumpirma ko na nakatingin at nagsusulat pa rin sa blackboard si Ma'am, liningon ko si Eunise.
"Ano?" tanong ko sabay balik ng tingin sa notebook ko.
"Nasaksak ako," simula niya tapos nang tumingin bigla sa parte namin si Ma'am ay nagkunwari siyang nagsusulat.
Napatayo ako sa gulat. "Ha? Saan? Hala! Idadala na ba kita sa ospital?"
Biglang naagawa ko ang atensyon ng mga kaklase ko lalo na pati ang titser namin. "Miss Yuwan, what's the matter?"
Lumaki naman ang mga mata ni Eunise at napakagat ito sa labi niya. Siguro iniinda niya 'yung sakit. Kawawa naman ang best friend ko.
"Nasaksak daw po kasi si Eunise," nag-aalala kong sagot.
Napatango naman siyang marahan. "At doon nauso ang saksakan ng ganda!" pasigaw niyang dagdag kaya napatawa ang buong klase.
Hay nako! Sabi ko na nga ba kalokohan niya iyon.
Napairap naman si Miss Macapagal. Hala, mataray pamong teacher ang nasaktuhan namin.
"Kanina pa kita napapansing hindi nakikinig sa akin, Miss Alcantara. So now, you would be the one who'll answer my question earlier," mataray nitong sabi at nagtaas pa siya ng isang kilay.
Patay. Hindi pamo kami parehong nakikinig. Baka pati sa akin, ay may itanong siya.
Mga dalawang minuto ang nakalipas at nakatingin na kaming lahat kay Eunise at hinihintay siyang sumagot. Nainis na yata si Miss Macapagal kaya pinagkrus niya ang kanyang mga braso sabay butong hininga.
"What's the answer?" tanong niya.
Biglang yumuko si Eunise. Mukha siyang nag-iisip. Eh anong iisipin niya? Pati nga iyong tanong ay hindi namin alam.
"Ah!" sigaw niya sabay palakpak ng isang beses. "Bacon!"
Huh? Bacon?
Nagbulungan naman ang mga kaklase ko. Kaming lahat naman ay nagtataka sa sagot niya, lalong-lalo na ang teacher naming nakakunot na ang noo.
"Bacon?" nalilitong tanong ni Miss Macapagal.
Ngumisi namang malaki si Eunise. "Bacon is always the answer, ma'am," sagot niya. Biglang napahalagapak ng tawa ang mga kaklase namin at syempre ako. Kasi naman, minsan lang magjoke si Eunise na havey no.
"Sit down, both of you!" inis na sambit ni Miss Macapagal. Sakto namang nagring ang bell kaya dire-diretso na siyang lumabas. Hindi na rin naman bago sa amin iyon kaya hindi na kami magtataka pa.
Hindi na ako nakaupo dahil labasan na rin naman niyan. Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at naglabasan na sa pintuan.
Napalingon naman ako kay Eunise na hirap na hirap habang kinukuha ang bag sa lapag.
"Uy, bakit mo inaabot? Pwede ka namang tumayo?" nagtatakang tanong ko.
Tumingin sa akin si Eunise. "Ayaw ko kasing mapahiya si ma'am eh, pinaupo niya tayo kaya sinunod ko. Pabibo much kasi siya," sabay tawa nang malakas.
"Baliw. Alam mo namang init ng ulo nun sa iyo tapos iniinis mo pa," sabi ko sa kanya.
Nagkibit-balikat lang siya habang ako naman ay lumalapit sa bag niya para hablutin ito para matapos na ang kanyang paghihirap sa pag-abot. Kaso napatayo siya bigla at inunahan akong kunin ang bag niya. O, anong problema nito?
BINABASA MO ANG
Escaping Gravity ✔
RomanceHow long does it take for one to escape gravity? Or to put it simply, how can I escape from falling for you?