Diez

18.8K 566 40
                                    

DIEZ

NAKATITIG lang ako sa seryosong mukha ni Genesis habang kausap niya ang kuya niya. Ay kaloka, 'di ko kinaya kaya naisipan kong manghiram ng phone kay Eunise.

Lumingon ako sa kanya at napansin ko ang ipad niya na inilagay niya sa loob ng palda niya para maitago. Tignan mo nga ito, oo.

"Nise, dala mo phone mo?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin habang nanlalaki ang mata. "H-Huh? Ano... Officer ako kaya-"

"Dala mo phone mo o hindi?" putol ko sa kanya. Ang dami pang sasabihin eh.

Sumimangot siya. "K-Kinuha ko kanina sa driver ko," pagdadahilan niya.

Ay. Ano ba ito? Ang dami niyang sinasabi. Gusto ko lang picture-an ang adonis na pagmumukha ng asawa ko eh.

"Pahiram na nga. At nagcommute tayo kanina dahil wala yung driver mo kaya tama na," napupuno ko nang sabi sa kanya. Napansin na yata niyang umiinit na ang ulo ko kaya mabilis niyang kinuha sa bulsa ang phone niya at iniabot sa akin.

"Thanks," sabay kindat ko at lumingon ulit sa glass window na naghahati sa office at ang kwarto na kung saan sila tumatanggap ng bisita.

In-on ko ang phone at inilagay sa camera. "Ang gwapo naman," kinikilig kong sambit at kinuhanan siya habang nakatingin siya sa papel niyang hawak.

Biglang nagflash ito kaya siguro nakuha ko ang atensyon niya kasi napatingin siya sa window.

Oh. Shetsummacumlaude.

Agad akong tumalikod para hindi mahuli. Napatingin ako kay Eunise na ngayon ay parang natatae dahil sa pagpipigil ng kanyang tawa. Ako tuloy ngayon ang napasimangot.

"Ge na, ilabas mo na. Baka hangin ang lumabas," seryoso kong sabi.

At ayun nga, napahalakhak siya nang malakas. Asar lang.

Naisipan ko na lang mag-online sa aking facebook bago ko masapak nang napakalakas-lakas itong tao sa tabi ko.

Email or Phone: cutieprincessnicky@yahoo.com

Sorry, noong 7 years old ko pa yata ginawa ito. Wala pa akong alam sa mundo nun kaya may pa-"cutie princess" pa akong nalalaman.

Password: ***************

"Bakit ang haba ng password mo?"

Lumabas na ata ang puso ko dahil sa gulat. Muntik ko na ngang maitapon ang hawak kong phone. Hindi na bale, sa kanya ito.

"Duh," sabay irap. "Nung una kasi hindi tinanggap, sabi at least 4 characters daw," sagot ko sabay nung pagtunog ng phone na nagsisimbolong nakapag-online na ako.

Mukhang hindi pumasok kaagad kay Eunise ang sinabi ko kaya napatahimik siya. Pero may importante talaga akong gagawin. Ano pa nga ba ang una kong pupuntahan dito? Edi ang profile ng asawa ko. Nanlaki ang mata ko nang nakita kong nagpalit na ng profile picture ang asawa ko.

18 hours ago? Bakit hindi ko nakita? Ay! Oo nga pala, hindi ako nakapag-online kahapon. Sayang.

Biglang tumawa ang babae na nasa tabi ko. Ba? Napano 'to? Nakahithit na naman siguro ng medyas niya.

"Oh gosh! 'Di ko... naisip yung 4 characters n-na iyon ah," paputol-putol na sabi niya.

Napatigil siya sa pagtawa nang bumukas na ang pintuan. Agad kong tinago ang phone niya sa likod ko at tumayo. Ngumiti si brother-in-law sa amin habang nakakunot ang noo ng asawa ko.

"Gusto niyo bang magdinner kasama kami?" tanong ng kuya niya. Hay salamat! 'Di siya masyadong inglisero katulad ng kapatid niya. Nakakasakit din ng ulo minsan eh.

Escaping Gravity ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon