Veintisiete

15.1K 415 32
                                    

VEINTISIETE

"Anak, bakit may sasakyan sa labas?" Pabulong na tanong sa akin ni mama habang kumakain ako ng hopia.

"It's either naghahallucinate po kayo kasi wala tayong sasakyan o may taong may sasakyan pero wala siyang ibang parking space," sagot ko rin na pabulong para makiride sa mama ko.

Inirapan lang naman niya ako tapos sumilip ulit sa bintana. Nakita ko pang nanlaki ang mga mata niya kaya nacurious na ako at tumayo para tignan ang nanggugulo sa almusal ko bago pa ako malate.

"Sino ba—" Napatigil ako sa pagsasalita nang makitang may lumalabas na lalake galing sa passenger seat. Magtatatalon sana ako sa tuwa nang akala ko na ang asawa ko iyon pero nagulat ako nang lumabas doon ay si Cedrick.

"Sino yan, nak? At bakit ka nakangiti?"

Napalingon ako sa mama ko. Hindi naman ako nakangiti kaya alam ko ay nakasimangot ako. Kinunot ko pa ang noo ko para ipahalata na wala naman dapat ngitian. Ibinaling ko ang tingin ko sa lalakeng naghahanap ng doorbell dahil palinga-linga siya sa mga poste.

Alam niyo yung feeling na kapag may nakita kang tao, ang gusto mo lang ay parang asarin siya hanggang sa mainis siya sa iyo para lang lubayan ka niya? Ganoon ang nararamdaman ko para kay co-president. Hindi ako sigurado kung dahil sa 'di niya pagtulong pero imposible na doon dahil nakita ko naman ang asawa ko

Hinawakan ko si mama sa kanyang mga braso at iniharap sa akin sabay tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. "Ma, naghahanap siya ng doorbell so hanggang sa magsawa siya, ako ay magbibihis muna. Kilala ko siya pero hindi masyado."

Heh, wala naman kaming doorbell kaya may oras pa. Nahalata kong naliit ang mga mata ni mama kaya dinagdagan ko ang sinasabi ko.

"Pero kilala ko talaga siya at please ma, gawin mo po ang lahat para mapaalis siya."

At sa sinabi kong iyon ay mukhang nagkamali ako dahil nakita ko ang ngisi ng nanay ko na kinakatakutan ko. Nalaman niya na mayroong something sa lalake na pwedeng pang-asar sa akin. Bago pa man ako makapagsalita ulit ay humiwalay na siya sa hawak ko at bigla akong niyakap.

"Anak kong Nicky." Tawag niya sa akin kaya mas lalo akong nagtaka. Tinapik-tapik ko ang likod niya.

"Yes, ma?"

"Maganda ang genes natin kaya salamat sa Diyos at magaganda rin ang genes ng mga lalakeng nakukuha mo." Bago pa ako nakapagreact ay kumalas siya sa yakap bigla kaya nawala yung sasabihin ko. "Kaya magbihis ka na kahit hindi ko naiintindihan kung bakit kailangan mo pang magbihis, eh nakapang-alis ka na."

Napatingin naman ako sa damit ko dahil akala ko talaga ay totoo ang sinasabi niya at umawang ang bibig nang makita ko ang suot kong damit. "Nakasando ako, ma. Hindi ito pang-alis," paglilinaw ko.

Tumawa naman nang malakas ang mama ko at tumalikod na kasabay ng may sumigaw na "Tao po! Nicky?!" Sure na sure ako na narealize na ni Cedrick na wala palang doorbell kaya sumigaw na lang siya.

"Ma! Hindi ko boyfriend yan ah!" sigaw ko nang mabilis at tumakbo na sa hagdanan para umakyat.

Pagkapasok ko sa kwarto ay narinig ko na ang boses ng mama ko na pinapapasok si Cedrick sa bahay. Edi wow. Sumagot din naman yung lalake na huwag na raw, hihintayin niya na lang ako sa labas pero syempre dahil maganda raw ang genes niya, pinapasok pa rin niya nang papilit ng mama ko.

Inalis ko na yung sando na suot ko at mabilis na tinapon kahit saan sabay kuha doon sa pinakaunang t-shirt na mahahablot ko sa drawer ko. Hindi ko na alam kung gaano ako kabilis basta alam ko ay parang lumindol dahil sa tunog ng pagbaba ko sa stairs namin.

Escaping Gravity ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon