TREINTA Y UNO
"Hindi pa ba sapat ang frappe mo kaya bumili ka pa ng ice pack?" tanong ni Eunise sa akin. Kakarating lang niya at balak ko ay 'wag siyang pansinin dahil nagmukha akong emo na nag-iisa rito kanina.
Tumigin lang ako sa kanya tapos inabot sa kanya si Ariana Grande at tumayo na para lumabas sa Starbucks. Pinambuksan ako nung guard dahil siguro naalala niya na ako yung nangyakap sa salamin ng pintuan kanina kaya kaagad niya nang binuksan.
"Sorry beh. Natagalan ako kasi namili na rin akong tickets doon sa sinehan. 'Diba gusto mong panoorin yung Jurassic World?"
Napatigil ako sa paglalakad sa sinabi niya. Kinagat ko yung straw kasi napangiti ako sa sinabi niya.
Kaya pala... Pero pwede naman niya akong tawagan at magpaalam 'di ba? Wait nga, bakit siya magpapaalam sa akin? Hindi naman niya ako magulang? Duh. Oo nga naman.
"Anong oras nung kinuha mo?" tanong ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Mamaya pang 5 PM," tugon niya kaagad tapos may inabot na tickets na kinuha ko naman.
"At least mapapanood na kita sa movie mo. Mukha kang dinosaur eh," komento ko na mukhang tinanggap naman ni Eunise na buo ang loob.
Kumindat siya sa akin. "Rawr means I love you! Rawr!" With actions gamit ang kanan niyang kamay and feelings pa.
Inilagay ko iyon sa bag ko at humarap sa kanya. Ngumisi ako nung nahalata kong tinatago niya sa likuran niya gamit ang kaliwa niyang kamay yung mga libro na binili niya na sigurado akong hindi lang yung pinareserve niya ang dala-dala niya roon.
"Magwindow shopping muna tayo?" Biglang tinanong ni Eu para yata mapunta sa iba ang atensyon ko.
Kumunot ang noo ko. "Buo pa naman yung mga bintana namin sa bahay at matibay pa. Bakit? Sa inyo? Nabasag?"
Tumawa siya bigla. "Ikaw talaga, comedian ka! Pwede ka na sa banana split o kaya bubble gum!" Sabay hampas sa akin.
Hinampas ko rin siya. "Ayoko ng banana split, nakakasuya at ayoko rin ng bubble gum... Nawawalan ng lasa," reklamo ko kahit 'di ko maintindihan kung anong sinasabi niya. Comedian ako tapos sasali ako sa mga pagkain? Huh?
Napakamot sa batok si Eunise tapos umiling. "Tara na nga lang."
Naglalakad lang kami at palinga-linga sa paligid hanggang sa nakakita ako ng multo! Ay... Yung ex na asawa ko lang pala iyon. Bitter ba? Hindi, cute lang.
Kasama niya pa rin si Ced at mukhang may hinihintay sila dahil palipat-lipat din ang tingin nila sa paligid kaya nung malapit na silang tumingin sa parte namin, hinila ko bigla si Eunise papunta sa ibang direksyon.
"Ay! Kung makahila! Tug of war lang, teh?!"
Hinila ko na lang siya paalis at papalayo. "Hide-and-seek ito."
Para kasi kaming naglalaro ng hide-and-seek ng feelings. Akala mo mahal ka na pero maya-maya, itatago niya sa'yo yung nararamdaman niya sa hindi mo malaman na dahilan. Kaso kung sanang iyon lang ang oras na nakita namin sila pero para silang kabute na biglang sumusulpot.
"Ano ba yan?! May kalaro ba talaga tayo? Napapano ka ba at hila ka nang hila?" Naiirita na yata si Eunise dahil kapag nakikita ko pa lang ang likod o buhok ni Genesis ay hinihila ko lang siya papalayo.
Buong oras ay chine-check ko lang ang paligid kung nandoon na ba sila o hindi habang si Eunise naman ay chine-check ako kung kailangan na ba niya akong itakbo sa mental o hindi.
At kung hindi nga naman ako swerte, noong oras na at papunta na kami sa pamilihan ng popcorn... Guess what? Oo, tama. Nandito rin sila. Edi wow.
"What's your order, ma'am?"
BINABASA MO ANG
Escaping Gravity ✔
RomanceHow long does it take for one to escape gravity? Or to put it simply, how can I escape from falling for you?