Diecinueve

17.2K 486 16
                                    

DIECINUEVE

"BEFORE you enter your rooms, I need to ask you my fellow students if you saw our flags for the University Day. They were here yesterday but earlier, we saw nothing. So if anyone saw them, please, don't be shy or become worried that we'll reprimand you," anunsyo ko gamit ang mikropono.

Oha, sosyal. Spokening dollars ako 'pag seryoso... Kunwaring seryoso.

"That's all, thank you and you can go back to your classrooms now," dagdag ko kaya nagsimula na silang maglinyang maayos para makabalik sa room.

Ngunit may isang grupo ng mga babae (syempre, all-girls nga kami) na nagpa-iwan at umakyat sa stage para makalapit sa akin. Nang makarating sila sa gitna ay pinalipad nila nang sabay-sabay ang mga buhok nila at ngumisi. Nyak, mga mangkukulam ata.

"What kind of president are you? Sooo irresponsible!" puna nung nasa gitna na si Dianna. Lima kase sila, para-pareho silang may pink na ribbon sa ulo. Kaya ang tawag ko sa kanila ay Hair Five kasi araw-araw, iba-iba ang hairstyles at ipit nila.

"Thank you," sabay ngiti sa kanila. Nakita ko ang mga kasama ko sa Student Council na nakatingin sa amin at mukhang natatawa sa nangyayare.

Bigla namang hinawakan ni Dianna ang ulo niya.

"Gosh, kung alam ko lang dapat hindi na kita pinanalo kung ganyan ka," sambit niya kaya napangiti ako. Si Dianna pala ang kalaban ko noon. Sa kabilang party siya at sinabi niya na sumali siya para gawing better place ang eskwelahan namin.

Hindi ko alam kung paano niya gagawin iyon? Eh, magiging better place lang naman ito kung wala sila. Charot!

Nagkibit-balikat ako. "Okay," sabi ko.

Mukhang nainis na siya dahil nakikita ko ang mga ugat niya ay puputok na. Iyon kasi ang pinakaayaw niya, ang hindi pinapatulan. Paano ko nalaman? Aba, lahat ata ng estudyante dito ay nagreklamo na sa akin tungkol sa kanya.

"Alam mo? You don't deserve to be the president. Siguro binayaran mo lang sila or baka naman binenta mo ang katawan mo sa masamang espiritu kaya ka nia binoto," sambit niya na nagpatigil sa akin. Narinig ko pang tumawa ang mga kasama niya.

Ouch, that was below the belt.

Ay wait, wala naman pala akong belt!

Lalapit na sana sina Eunise nang tinaas ko ang kamay ko. Ngayon lang. Kahit ngayon lang.

"Alam niyo? Buti pa 'yung sardinas..." Inangat ko ang tingin ko sa kanila. "may ligo. Eh kayo?" asar ko at inalis ang ipit ko sabay lipad sa kanila ng buhok ko. Naglakad na ako papalapit sa mga kasama ko. "Tara na, ang baho dito eh."

Mukhang naoffend naman sila sa sinabi ko at sabay-sabay nilang inamoy ang sarili. Haha! Sabay-sabay naman kaming nagtawanan.

Nang makapasok na kami sa student council office, inilagay na namin ang mga gamit sa lamesa. Excused kasi kami ngayon dahil konting oras na lang at university day na namin. Lalo na, nawawala pa ang mga flags. Sa totoo lang hindi naman talaga required yun eh, pero para maging lively ang dating, kailangan talaga siya.

"Grabe! Nakita mo ba yung mukha nila!? Nakakatawa! Solid amo," natatawang bulalas ni Ureka tapos nakipag-apir pa ito kay Trein.

'Di naman masyadong obvious na tuwang-tuwa ang mga Student Council sa pambubully, ano?

"Pero hindi kaya siya ang nagtago nung flags?" biglang tanong ni Eunise kaya napatigil kaming lahat sa pagtawa at napatingin sa kanya.

"Paano mo naman nasabi?" tanong naman ni Katrina.

Escaping Gravity ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon