ONCE
"FRIES," sambit ko kaya napatingin sa akin ang taong nasa harapan ko.
"Huh?"
Teka nga, bakit ko nga ba sinabi iyon? "Ano... Gusto mong fries?" tanong ko at itinaas ang lalagyanan ko ng french fries.
Tinignan niya lang ako na medyo nanliliit ang mga mata. Siguro iniisip niya may sapak na ako kaya tumawa na lang ako, sabay sabing: "Joke lang!"
Pero ayun, no reaction pa rin ang asawa ko. Saya 'di ba? Lalo na mga 40 minutes na kami dito at hindi na dumating si Kuya Kier at Eunise.
Tumingin ako sa paligid. May mga batang tumatakbo, may mga magjowang pumapasok tapos syempre, may mga lumalabas rin, may mga pamilya, may mga grupo rin ng mga estudyante, at marami pang iba. Haba na nga ng pila eh.
Kung gusto niyong malaman kung sino ang naglinya kanina, syempre ako. Siya yung naghanap ng mauupuan at ako naman ang naglinya. At ayon, sabi niya ako na lang daw bahala basta masarap kaya pinag-order ko siyang burger.
Ewan ko ba kung anong masarap para sa kanya. Alam ko 'pag sa mayayaman, gusto nila yung mga burgers, pizza, at pasta 'di ba?
Gusto ko rin naman iyon kaya ang ibig sabihin ba nun ay mayaman na ako?
"So... How did you and Kier know each other?" tanong nito kaya medyo nalunok ko bigla ang mga fries na ngunguyain ko pa lang.
Napaubo akong tuloy-tuloy kaya inabutan niya ako ng cokefloat niya.
"Here, drink this first," sabi nito.
Umiling ako. "Sa... i-iyo yan," sambit ko habang inuubo. Wala kasi akong sariling inumin. Nakalimutan ko kasing mag-order dahil sa pagmamadaling makasama siya.
"It's okay. So, um, please?"
Napatingin ako sa kanya at nakita kong nag-aalala siya sa akin kaya uminom na ako.
"Thank you," mahina kong pagpapasalamat nang matigil na ang ubo ko. Tumango lang siya at pagkatapos ay ngumiti. Ako naman ay nagpatuloy na lang sa pagkain tapos naalala ko yung tanong niya.
"Oo nga pala, ano, nagkakilala kasi kami ni Kuya Kier sa jeep," sagot ko kaya nakuha ko na atensyon niya.
Nakakunot ang noo nito nang bumaling siya sa akin. "Jeep? Kier? No way," bulalas niya na hindi makapaniwala.
"Sabi niya, noong araw na iyon ay may kumuha daw ng sasakyan niya-"
Napatigil ako nang magsalita ulit siya. "Ah, wait. Is that the day when I asked you your plan then you answered me with a plant?"
Hmm, teka kailan ba iyon? Oo, alam ko noon nga iyon. Tumango ako at ngumiti sa kanya.
"So it's my fault then," bulong niya sa sarili nito kaya hindi ko narinig.
Hindi na ako nakasagot dahil nga hindi ko siya narinig at wala na rin naman akong maitanong kaya kumain na lang ako ulit. Bigla kong naisip yung libro na may steps kaya pilit kong inaalala yung next steps. Imposible naman kasing magselos ito dahil sa akin kaya unahin ko na lang yung iba.
STEP #4: TO MAKE HIM NOT FORGET YOU, MAKE A BET WITH HIM
Tama ba? Iyon ba talaga?
Naaalala ko kasi nung isang araw, binasa ko yung mga limang steps eh, kaso hindi ko namemorize yung pagkasunod-sunod. At isa pa, paano? Ni wala nga akong malaking pera para makipagpustahan sa kanya. Kailangan ba talaga itong step na ito? Ay, bahala na nga.
"A-alam mo ba na may lahi akong mangkukulam este manghuhula?" tanong ko sakanya.
Tumingin siya sa akin na parang nawi-weirduhan. Nagulat rin ata siya sa sinabi ko. Dibale, ako rin naman ay nagulat sa sarili ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/12174546-288-k505592.jpg)
BINABASA MO ANG
Escaping Gravity ✔
RomanceHow long does it take for one to escape gravity? Or to put it simply, how can I escape from falling for you?