NUEVE
"BAKIT 'di mo kasi sinabi sa akin na sila iyon?" naiinis kong tanong kay Eunise.
Napairap lang siya sa akin. "Duh. Sinabi ko kaya!" sigaw niya.
Nagkahiwalay muna kami ng landas ng asawa ko na kasama ng kabit niya dahil kailangan daw nilang pumunta sa isang lugar na hindi ko na natanong saan kasi baka sundan ko pa sila at mag-init ang ulo ko.
Kaya ngayon, diretso kami sa lugar na dapat talaga naming pupuntahan, ang MSSS. O mas kilala sa Mygosh sobrang sexy sinicky. Oo, nakadikit doon kasi hindi naman siya MSSSN. Pero seryoso, sa school supply store talaga.
"Hay basta. Wala na akong pakielam," sambit ko at pumasok na doon.
Bigla namang tumawa nang mapang-asar si Eunise. "Asus! Wala daw pakielam! Baka nga maya-maya, bumibili ka na ng libro diyan para makulam mo na si Jul-umph!"
Tinakpan ko ang bibig niya dahil may naamoy ako.
Ang pabango ng asawa ko, oo, masyado na bang stalker? Um, maganda naman ako kaya admirer ako at isa pa, asawa na nga niya ako kaya normal lang iyon.
Pero ang totoo niyan ay nakita ko siya, sa bandang likod ng mga seksyon ng mga libro.
Nandito kasi kami sa mga magazines dahil trip lang namin at dahil matalas ang paningin ko, nahagilap ko siya. Seryosong nakatingin at nagbabasa.
Oh? Nasaan kaya yung kabit a.k.a Julian niya?
Inalis ni Eunise ang kamay ko sa bibig niya. "Napano ka?!" sigaw niya ulit kaya tinakpan ko ulit ang bibig nitong napakalaki na parang nakalunok ng megaphone.
"Shh! Huwag kang maingay!" pasigaw ko na pabulong din. "Nandoon si Genesis!" dagdag ko pa.
Nanliit muna ang mata niya bago nanlaki.
Tinanggal niya ang kamay ko at siya na mismo ang nagtakip sa bibig niya. Medyo napatawa ako dahil umaakto siyang lilingon pero hindi natutuloy dahil sa hindi ko rin malamang dahilan.
"Napano ka?" nawi-weirduhan kong tanong sakanya.
"Umaygad! Baka narinig ako ni ano... nung kasama niya! Tapos baka ipalapa na niya ako sa mga crocodile at nag-aalala ako para sa iyo! Baka akala niya mangkukulam ka!" mabilis niyang sabi na para talagang kinakabahan.
Napatingin naman ako sa kanya. Hindi ko talaga alam minsan kung matatouch ako dahi nag-aalala siya sa akin o maiinis kasi walang kwenta naman yung pinaghuhugutan ng pag-alala niya?
"Sinong mangkukulam?"
Biglang nanlaki ang mga mata ni Eunise kaya nanlaki na rin yung akin.
Oh our gosh.
"Bakit nagiging lalake ang boses mo?" kinakabahan kong tanong sa kanya.
Naging poker face naman ang mukha niya nang marinig ang tanong ko. GUILTY! GULITY SIYA!
Feeling ko lalake ito tapos nagpaconvert siyang maging babae. Minsan nga feeling ko naiinlove siya sa akin kasi as in gagawin niya lahat para mapasaya ako.
Oo, syempre iisipin ko dahil magbest friends kami pero ngayon, nagdududa na talaga ako. Tatanggapin ko naman siya basta sabihin niya lang sa akin.
"Alam ko iyang mukha mong yan!" sabay sapok sa akin. "Hindi ako lalake! Baliw! Last time na ganyan mukha na pinakita mo sa akin, iniisip mo na liligawan kita dahil iniisip mong lalake ako dati!" tuloy-tuloy na sigaw niya at pinagsasapok ako.
Aray! Aray ko naman!
"Ouch! Teka. Battered best friend na ako!" reklamo ko habang inaalis ang mga kamay niya papalapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Escaping Gravity ✔
RomanceHow long does it take for one to escape gravity? Or to put it simply, how can I escape from falling for you?