Doce

18.4K 530 18
                                    

DOCE

BUBUKSAN ko na sana ang de lata nang biglang tumunog ang ringtone ko. Kaya lang dahil paborito kong kanta ang tumugtog, hinayaan ko muna itong matapos.

"Tatawag din 'yan ulit kung importante," sambit ko sa sarili ko at tuluyan ng binuksan ang lata pagkatapos ay binuhos ang century tuna sa isang bowl.

Napatingin ako ulit sa phone ko na nasa lamesa nang tumunog ulit ito. Nanlaki bigla ang mata ko nang makita ko kung sino ang tumatawag. Agad kong pinatong ang bowl sa mesa at pinunasan ang kamay ko sa damit bago ko ito sinagot.

"H-Hello?"

"Hi? Sino ka?" sagot ng babae. Hala? Naging babae na ang boses ng asawa ko? Oo, sure ako na siya kasi "Bebeloves<3" ang lumitaw kanina na pangalan eh.

Pero kung hindi talaga siya ito, may isa pang nakakapagtaka eh. Itong babae na ito na nga ang tumawag, siya pa ang may ganang magtanong kung sino ako?

Napaubo ako. "Huh? Sino ka ba?" tanong kong pabalik.

Bigla siyang humalakhak nang malakas. "Ako ang asawa ni Genesis," sagot nito kaya nabitawan ko ang phone ko at bumagsak ito sa semento kaya nasira ito.

Pero joke lang.

Nanlaki lang ang mata ko at napakunot ang noo. May asawa na siya? Sabi ko na nga ba! Si Julian kaya ito? Itatanong ko ba? Pero baka hindi siya ito tapos akalain nito, niloloko siya ni Genesis. Ayokong maghiwalay sila dahil lang sa akin! 

"Ah, congrats?" patanong kong sagot.

Mga limang minuto siguro ang nakalipas at papatayin ko na sana ang tawag dahil hindi na nagsasalita yung babae nang bigla akong nakarinig ng malakas na tawa.

Kinongrats ko lang tapos tumawa? Aba't pakainin ko yata ito ng lata eh!

"Bading! Si Eunise ito! 'Di mo ba nakilala ang pangdyosang boses ko?"

Eunise? Sinong Eunise?

"Hoy Nicky mickey tickey tiki star. Ito naman! Sagot ka diyan. Dedo ka na ba?" salita ulit ng babae sa kabilang linya.

Nicky mickey tickey tiki star? Isa lang ang tumatawag sa akin niyan ah...

"Eunise Alcantara?!" sigaw ko.

Tumawa siya nang malakas na parang konti na lang ay mahihimatay na siya sa tuwa dahil sa pagloko sa akin. Tignan mo nga ito. Ako mamamatay na sa sakit ng puso kanina tapos siya tuwang-tuwa. Bakit ko nga ba naging kaibigan ito?

"Ikaw kasi! Porket sinabi ko lang na asawa ako ni Genesis ay nagdrama ka na agad diyan," sabi niya nang makarecover na siya sa pagtawa niya.

Napatampal na lang ako sa noo ko. "Ewan ko sayo!" sigaw ko. Ibababa ko na sana ulit ang tawag kaso naalala ko hawak-hawak niya ang cellphone ng asawa ko!

"Teka, ano bang kailangan mong babae ka at hawak mo pa yang telepono ni Genesis?" tanong ko.

"Eh kasi naman, gusto ko lang itanong sa iyo kung nasayo ba yung phone ko?" tanong niya pabalik.

Ah, yun lang pala. "Oo, nasa akin. E bakit na sayo yung phone ng asawa ko?"

"Kwento ko mamaya. Dadaan nalang ako diyan sa inyo tas kwento ko. Osige, bye!" at biglang namatay ang tawag.

Napakibit-balikat na lang ako at umupo na sa upuan para makakain na. Kakain na sana ako kaso biglang nagring na naman ang cellphone ko. Hay, Eunise talaga! Kinuha ko ito at sinagot.

"Ayaw mo ba akong pakainin?" bungad ko. "Eunise Trina Alcantara—"

Bigla akong napatigil nang may narinig akong mahinang tawa ng isang lalake. Oh our gosh! Hindi kaya... may kaanuhan siya? Keme lang, imposible iyon.

Escaping Gravity ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon