Veinticuatro

15.9K 443 37
                                    

VEINTICUATRO

"Ang sakit ng tiyan ko," baling ko kay Eunise.

"Kaba lang yan," sagot niya habang nakatitig sa rollercoaster.

Ngayong araw na ang university day na may halong fun time kuno ng school namin. Hindi ko alam kung paano ko naayos ang mga bagay-bagay pero proud naman ako sa nagawa ko at ng mga kasama kong officers.

At syempre, kasama si asawa ko! Ha! Oo nga pala, nasaan na kaya yun?

"Anong oras daw darating mga tao?" tanong niya sa akin.

Inikot ko muna ang tingin ko sa paligid bago ko tinignan ang aking kamay... Na walang relo.

Ngumiti ako at tinignan siya sa mata. "Kapag oras na, oras na. Hindi natin mapipigilan ito, kaya maghintay ka lamang... Ako'y darating..." sagot ko sa kanya na naging dahilan ng pagkunot ng noo niya.

"Hindi ko alam kung nakakatawa ang sinabi mo o hindi lang talaga nakakatawa," sambit niya at naglakad na papalayo sa akin.

Aba! Kapag siya naman nagjojoke, hindi ko naman siya binabara (minsan)!

Naglakad na ako papunta sa aking temporary booth, wala kasi daw yung naassign dito kaya ako muna. Sabi pa nila, ako daw dito sa may mga fish ball, squid ball, chicken ball, tsaka kahit anong may ball tulad ng basketball, volleyball, soccer ball... At titigil na ako bago ako maging ball-iw...

Halos katabi lang nung booth na ito ang guard's house kaya kitang-kita ko ang pagdating ng mga kulto, este mga tao... "Nandiyan na sila," sabi ni kuya guard sa akin.

"Sige nga, kuya. Sabihin mo nga lahat ng names ng mga papasok tapos libre kita maraming fish balls, kikiams, squid balls pag nagawa mo," sambit ko sa kanya habang ineemphasize ang 's' para feel na feel niyang marami nga ang ililibre ko.

Napataas ako ng kilay nang tinawanan niya ako. Edi wag. Insert sad face here. Napatingin nalang ako sa may langit. Mainit na ang araw pero hindi niya matatalo ang hotness ko.

"Hah, kala mong araw ka ah," sabi ko sa araw.

Sinimulan ko nang lutuin ang mga ito nang mapansin kong dumarami na ang mga taong gustong kumain. Nagsimula na rin magplay ng mga music ang mga naassign doon sa dedication booth.

At napangiti ako nang dumating na ang first customers ko! Halatang magkasintahan sila kahit mukhang ayaw nilang ipaalam sa mga tao. Nako, mga illegal na nagmamahalan nga naman, oo.

"Ano pong inyo?" Tanong ko habang nakangiti pa rin.

Bumaling ang lalake kay girl at nginitian niya ito. "Ano raw gusto mo?" tanong niya sa kanya.

Pustahan tayo, ibabalik ng babae ang tanong sa lalake.

"Eh, ikaw ba? Basta kung anong sayo, ganun din akin. Alam mo namang may tiwala ako sa iyo," sambit nung babae.

Lalong lumawak ang ngiti ng lalake. "Alam mo namang mas may tiwala ako sa iyo, di ba?"

Ano kayang petsa sila makakapili? Ah! Teka, yung pakulo ko nga pala. Magawa nga.

"Miss at mister? May tanong lang po ako," singit ko sa paglalandian nila.

Tumingin naman sila sa akin. Nagtaas ng kilay ang babae, "Ano yun?"

Wow, taray. Malakas ang kutob kong taga-outsiders sila kasi halos ng estudyante ata sa school namin ay maayos naman ang pakikitungo sa akin.

"May crush—"

Hindi pa man ako natapos sa sinasabi ko ay biglang sumingit ang lalake. Nanningkit ang kanyang mga mata nang tumingin siya sa babae. "Ikaw 'di ba? May crush ka doon sa lalakeng nakita mo kanina?"

Escaping Gravity ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon