Veintiocho

14.6K 420 63
                                    

VEINTIOCHO

Ginagawa ko ang lahat para iiwas ang tingin ko sa labas kung saan si Julian at ang asawa ko. Naririnig kong may mga nagsasalita pero parang pumapasok lang iyon sa kanan kong tenga tapos lumalabas lang sa kaliwa.

"Pres.," tawag ng isang lalake.

Naramdaman kong sabay kaming napatingin sa kanya ni Ced at nung nakita ko na lalake nga talaga yung tumatawag, naintindihan ko na siya yung president na tinatawag kaya naibalik ko na naman ang tingin ko sa labas.

"Pen pen de sarapen may iba na, asa pa rin. How how de asa pa, de assuming. Puso namamalipit—"

"Huwag kang kumanta. Nakakaoffend hininga mo eh." Putol ko kay Eunise na nakahalata na yata sa tinitignan ko kaya agad na akong nag-iwas.

Tumawa naman siya sa sinabi ko tapos linapitan ako sabay akbay sa akin.

"Nicky mickey tickey tiki star, nabalitaan ko na may kasabay ka raw na lalaking pumunta sa school!" Sigaw niya kaya agad kong tinakpan ang bibig niya bago pa man siya marinig ng iba.

Kahit alam kong medyo kalat na kasi hindi naman malalaman yun ni Eunise kung hindi nakakalat sa iba pero para safe lang. Lalo na two days pa lang kami magkakilala ni Ced at sobrang dami ng nangyayare.

"Sino ba?" Pabulong niyang tanong.

Tumingin ako kung saan nakaupo si Cedrick at pinanlakihan ng mga mata na nagets naman agad ni Eunise kaya napasinghap siya.

"S'ya rin yung nabalitaan kong nagsakay sa'yo sa ferris wheel!" Gulat niyang sambit.

Pinanlakihan ko naman ng ilong si Eunise dahil baka may makarinig na iba.

"Bakit 'di ka na lang nagreporter? Dami mong balita eh. At isa pang sigaw, nakikita mo yung breaker na iyon? Ihahampas kita doon kahit mawalan ng kuryente buong school," banta ko sa kanya.

Tumango-tango naman siya sa sinabi ko sa kanya dahil alam naman niyang 'di ko gagawin iyon. Parang may naisip siya, bago niya ipinalibot ang tingin sa kwarto. "Balita ko, kailangan na nating pumunta sa stage dahil aayusin na yung para sa contest."

Muntik na akong magfacepalm dahil hindi ako nakinig sa mga sinasabi kanina. Baka mayroong importante na sinabi na 'di ko alam. Patay ako neto. Inisip ko na lang na hindi ko iiwan si Eunise dahil kahit nalate siyang konti kanina, mukha naman siyang nakinig.

Binuksan ko muna ang libro na nakatago sa bag ko at sinilip ang susunod na step.

STEP #8: ASK YOURSELF. IS IT WORTH IT?

I was confused with the next step kasi step ba iyon para mahanap ang true love? Bago pa man ako mag-isip ay tinawag na ako ni Eunise kaya naitago ko kaagad ang libro sa bag ko.

"Tara," yaya ko sa kanya tapos lalabas na sana kami nang biglang may tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako ulit sa loob habang hawak ang doorknob.

"Can I talk to you?!" Ani Cedrick habang may tinatype sa kanyang laptop. Bumaling ako kay Eunise tapos napansin kong nakangisi siya sa akin sabay kumkurap-kurap kaya napairap ako.

"Shoo! Sige. Una ka na," nagmamadali kong sabi sa kanya bago pa man may makakita ng mukha niyang nakakainis. May sinasabi siya sa akin na pabulong kaso hindi ko maintindihan hanggang sa magflying kiss na lang ako at parang nawalan na siya ng pasensya. Hinintay ko munang tumalikod siya bago ako pumunta kay Ced.

Kalapit ko kay Cedrick ay nakaupo ito at nakatingin nang diretso sa laptop. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya.

Tuloy pa rin siya sa pagtype nang magsalita siya. "Is it okay lang ba raw na pumunta si Arial at CJ rito para sa Battle of the Bands mamaya?"

Escaping Gravity ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon