DOS
"OH, TAPOS? Anong nangyareng next? Niyaya ka na ba niyang magpakasal?" tanong ng matalik kong kaibigan na nagngangalang Eunise.
Si Eunise yung secretary kaya nandito rin siya ngayon kaso medyo nahuli nga lang siya. Sanay na rin kaming lahat na nale-late siya kaya hindi na big deal.
Sinubo ko yung rice na nasa kutsara sabay lunok. Ramdam ko nga na parang kailangan kong nguyain kaso tinamad ako.
"Ayun nga, nalaman kong yung mama niya ay pinaparasuhan siya. Kaya siya ang pinili para makasama kong mag-isip ng mga ideas at hindi yung presidente nila para dun sa nalalapit na University Day."
Tumango-tango siya at umaktong nag-iisip. "Bat naman siya pinaparusahan?" tanong niya.
Inikot ko ang mga mata ko, hindi literal, medyo mahirap 'yun.
"As if! Ako na nga makakasama niya kaya 'di na parusa yun no! Pero... Dahil yata puro na lang siya lagi lumalabas at gumigimik kaya ayun," sagot ko.
Tumango-tango ulit siya at tumingin sa pagkain ko.
"Teka nga, bakit ganyan na naman yung pagkain mo? 'Di ka nagsasawa sa tuna na yan?"
Ngumisi ako sabay taas ng tinidor. "Kasi sabi sa commercial-," umubo ako at ginaya ang boses nung babaeng nagsasalita, "Find true love with San Marino!"
"Weh? Talaga ba? Oh, so nasaan naman yung true love mo?" basag niya.
Tignan mo ito, ang kill joy talaga.
Nagkibit ako ng mga balikat tapos ibinaba na yung tinidor. "Ewan ko nga eh, siguro dapat pati yung lata kainin ko."
Bigla niyang tinakpan ang bibig niya na parang gulat na gulat. "Ows?! Mahahanap mo na ba true love mo nun? Try ko nga mamaya!"
Naibuga ko bigla ang pagkain ko na kakasubo ko pa lamang.
"Ay! Bakit ka nambubuga ng pagkain, ate? Hindi naman ako ganun kagutom para makikain sa'yo," reklamo niya.
Hindi ko na siya pinansin at mabilis na tumayo dahil nakita ko si Genesis na naglalakad mag-isa. At dahil ako'y isang concerned wife, napagdesisyunan kong sundan siya.
Mabilis siyang naglalakad papunta sa hindi-ko-alam-kung-saan-dahil-medyo-paikot-ikot-lang kami. Feeling ko nga ang theme song na niyan namin ay Ikot-ikot dahil nahihilo na rin ako.
Napahinga ako nang maluwag nung bigla siyang tumigil at parang may tinignan. Napayuko ako at nagpahinga sandali pero nang pag-angat ko ng tingin, wala na siya.
Wow. Tama ba yung sinundan ko? Baka hologram lang pala.
O kaya naman baka may hinahanap siya kaso naman kasi 'di ba? Paano kung nawala siya? Hindi niya pa man din kabisado itong school!
Anong gagawin ko kapag nakita ko siya tapos nahuli niya ako? Anong sasabihin ko? "Hi! Mukha ka atang nawawala buhat kanina habang sinusundan kita"?
"Hay," buntong hininga ko at naglakad papunta sa park namin. Yung slide dito ay nilamon na ng mga dahon-dahon at pati na ang maliit na fountain. Marahil wala na kasing pumupunta dito dahil nasa lumang building na siya.
"Ay asawa ka ng butiki kang nagging tuna!" sigaw ko nang bigla akong nadapa.
Buti na lamang ay bumagsak ako sa madahon na parte kung hindi, sugat na naman ang resulta nito.
Dali-dali akong napatayo nang makarinig ako ng mahinang tawa. Lumingon ako sa lalakeng nakaupo na nakangisi sa akin.
"You already tired from following me?" mahina niyang tanong pero para siyang naka-mega phone dahil rinig na rinig ng katawang lupa ko ang tanong niya.
BINABASA MO ANG
Escaping Gravity ✔
RomanceHow long does it take for one to escape gravity? Or to put it simply, how can I escape from falling for you?