Treinta y Tres

13.9K 432 23
                                    

TREINTA Y TRES

"Pwede bang umibig nang hindi nasasaktan? Pwede bang pigilan ang pusong nagmamahal? Nangangarap lang—"

Huminto ako nang biglang huminto si Genesis. Naglalakad lang kami ngayon papunta sa orphanage na pinuntahan namin noon dahil sabi niya ay malapit lang din naman daw at hindi niya rin nadala ang sasakyan niya.

Medyo awkward ang paglalakad namin dahil hindi siya nagsasalita at wala rin naman akong masabi kaya kumanta na lang ako.

"Why are you singing?"

Ngumuso ako. Iba na lang nga.

"Sayaw na lang ako, sige." Sabi ko tapos hindi na hinintay ang sasabihin niya. "Now watch me whip," with matching lipad-lipad pa ng buhok ko. "Now watch me nae nae," sabay atras. "Now—"

"W-Wait... Stop!" Sabay halakhak niya nang malakas. Napatigil ako sa pagsayaw dahil sa lakas ng tawa niya. "P-Please stop," dagdag pa nito nang pautal dahil hindi na siya makapagsalita sa kakatawa n'ya.

Sa totoo lang, hindi ko alam anong pinapatigil niya dahil kanina pa naman ako nagstop lalo na nang marinig ko ang tawa niyang sobrang lakas. Oo, narinig ko na siyang tumawa pero sobrang hina lang nun at walang panama ang mga iyon dito.

Mukhang nahalata niyang nakatitig na lang ako sa kanya dahil napatikhim siya at nag-iwas kaagad ng tingin sabay lakad na ulit.

Napailing ako sa inakto niya at agad na naglakad nang mabilis para makatapat siya.

"Alam mo, para kang wingdings font size 2," reklamo ko sa kanya habang nakatingin ng nang diretso sa daan. Hindi siya nagsalita kaya tinuloy ko lang para maintindihan niya. "Ang hirap mong basahin."

"Because you're not Baymax," sabi nito na ikinabigla ko.

Hala... Nagjoke ba siya? Nagjoke ba si Genesis? Nagjoke. Ba. Talaga. Siya? Oh our gosh. Himala ito!

"Never mind. Forget what I've said," pambabawi n'ya nang nakitang napanganga lang ako sa sinabi niya.

Aba, paano ba magreact doon? Baka bawal palang tumawa tapos natawa ako tapos naoffend siya, deads na naman ako nun dahil isasarado na naman niya ang sarili niya kahit siya na mismo nagsabing "friends" kami.

"Ganyan ba talaga? Yung parang isang minuto, yung tingin mo sa akin ay parang gusto mo ako tapos maya-maya, uurong ka at ipapakita mong wala lang. Kahit ata kunin ko ang course na psychology, hindi pa rin ako papasa sa'yo eh," tuloy-tuloy ko.

Ayaw ko na sanang pagpilitan dahil 'di naman ako ganoon kadesperada. Umayaw na siya dati kaya hinayaan ko na kaso isa sa mga dahilan talaga kung bakit ako nagrequest na sumama ay para lang tignan kung anong reaksyon niya at super layo ng inexpect ko sa nangyare.

Ngayon, sinusubukan ko lang tignan kung paano ang magiging reaksyon talaga niya sa personal at live dahil sa pagkakataong ito, 'di niya ako pwedeng iwan basta-basta.

"We're here," sabi niya kaya naputol ang pag-iisip ko pa ng sasabihin sa kanya. Sa labas pa lang ay naririnig na namin ang mga batang nagsisigawan, at nagtatawanan.

Nahalata kong may mga batang nakatambay doon sa may itaas na mukhang tree house kaya nung nakita na nila kami, nagsigawan sila at itinuro sa mga taong nasa loob na nandito na si Kuya Ge nila.

Bumukas na ang gate at mabilis na pinaghihila ng mga bata si Genesis. Suki nga yata talaga siya rito. Napangiti ako dahil at least, may lugar kung saan halata namang naipapakita niya kung ano ang nararamdaman niya. Hindi ko man alam kung ano ang rason o anong meron pero sapat na iyon para sa akin.

Aba, tumatalino na yata ako. Nakakatalino pala ang pagmamahal. Sabi ng iba, nakakabobo at nakakatanga raw pero baligtad ata sa akin. Hah! In your faces!

Escaping Gravity ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon