Quince

17.4K 483 0
                                    

QUINCE

NANGGUGUPIT ako ng mga tela ngayon para sa mga banderitas nang bigla kong naalala ang phone ko. Nakalimutan ko na kasi dahil pinilit kong matulog sina Trey at Gatchi. Parang mga bata, ayaw matulog.

Oo nga pala, may nagtext kanina. Bago ko pa man maabot ang phone ko na nasa mesa ay napatingin ako sa hagdanan.

"Wala namang tao," bulong ko sa sarili ko at napailing. Tinatakot ko na naman sarili ko.

Kinuha ko ang phone ko tapos tinignan ang mensahe.

From: EUNakakaIniSE

Oy baklushi!! Ano ang kababalaghang nakita ko dito sa profile ni Genesis, aber?! Aba't porket DP niya ay kayong dalawa, di ka na nagkekwento sa akin??? F.O. na tayo!

Napatawa naman akong malakas dahil sa huli niyang sinabi. For sure, hindi naman niya alam ang ibig sabihin ng F.O. eh. Naririnig niya lang sa iba tapos sasabihin niya na rin. Nagulat ako nang biglang may lumitaw na bagong message, kaya binuksan ko naman.

May gising pa pala sa mga oras na ito?

From: Bebeloves<3

Good night.

Hala? Ano 'to? Ay, baka nag-GM lang? Naks naman, nakikiuso na rin itong asawa ko. Pauso kasi eh. Huwag ko na lang nga replyan, baka sabihin niya pa feeler ako. Naisipan ko na lang replyan si Eunise na nakakainis.

To: EUNakakaIniSE

LOL baklushi ur peyz! Hindi yan kababalaghan, kagandahan yun! HAHA sows, lam mo naman eh. For sure, u know nemen kasi alam mo yung mangkukulam :P

Pipindutin ko palang sana ang send nang biglang may kumalbit. "Ate!"

"Ay may patay kang bata ka!" sigaw ko at mahigpit na hinawakan ang phone ko habang nanlalaki ang mata.

"Epic win!" sabay hawak sa tiyan niya habang tumatawa siya.

Ako naman nakahawak sa dibdib ko dahil gulat na gulat pa rin ako. Leche talaga. Tinulungan ko naman siya pero anong ginaganti niya sa akin? Eto?! Okay, nago-overacting lang ako.

Nako.

"Pwede naman kasing wag manggulat 'di ba? Hindi mo naman kase ikakamatay iyon?" mahinang sambit ko sa kanya at umirap pa para with feelings.

"Ate talaga! Osige wait, replay no?" sabi niya at umakyat ng hagdanan. "Sige, ate! Ituloy mo lang iyang ginagawa mo," dagdag pa nito bago tuluyang mawala sa aking paningin.

Anong trip ng batang iyon? Nako talaga.

Itinuloy ko na lang ang panggugupit ng tela pero hindi ko pa man natatapos ang isang triangle ay napansin ko nang nakangiti sa akin si Trey habang bumababa. "Hello ate, ayan ha... Ugh, teka lang. Aray... H-hindi ako makahinga-"

"Hala, napano ka?!" putol ko sa sinasabi niya. Nanlaki ang mata ko tapos napatakbo papunta sa kanya. Napaupo pa siya sa hagdanan kaya mas lalo akong kinabahan.

"Trey, ano? Anong nangyayare?" kinakabahan kong tanong.

Sampung segundo siyang nanahimik at biglang tumingin sa akin. "Just kidding!" sigaw niya at tumawa na naman.

Aba't kung hindi ko lang talaga brother-in-law ito! Nagdadrugs ata talaga ito eh! "Lecheng acting yan, oo. Lagi akong nauuto," inis na sambit ko at umaktong itutulak siya.

Ang isinukli niya pa sa akin ay isang ngisi. "Sabi mo kase, hindi nakakamatay ang hindi panggulat kaya tinry ko," sambit nito at nauna nang bumaba bago ko pa man siya mahampas.

Escaping Gravity ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon