VEINTITRES
Nang minulat ko ang aking mga mata, ang una kong nakita ay puro puti. Tapos nang pumikit ako at sinubukan muling tignan ang paligid, napansin kong may lalakeng nakatayo habang may kausap na nakaupo. Pareho silang nakatalikod sa akin kaya umupo ako.
Ngunit naramdaman yata nila na nagising na ako kaya sabay silang lumingon sa akin. "Uy! Gising na si President Nicky!" sigaw ni Jude sabay ngiti sa akin.
"Ayaw mo yata, eh?" biro ko sa kanya.
Tumawa naman siya at umiling-iling. Natawa rin naman si Genesis habang naglalakad palapit sa akin.
"What's up?" tanong niya.
Ha? Tumingin ako sa taas. Bakit niya tinatanong?
"Um, ano... Kisame?" nag-aalinlangan akong sumagot sa kanya. "Bakit yung k-kisame tinatanong mo, 'di mo ba ako gustong kamustahin?"
Narinig ko ang paghalagapak ng tawa ni Jude at medyo may patakip-takip pa siya ng bibig. Tumingin lang sa kanya si Genesis at hinagisan ng unan na nasa gilid.
"I'm hungry. Kain na tayo sa labas? Okay na rin naman si Pres. Nicky kahit medyo matagal siya bago magising," biglang aya sa amin ni Jude at kinuha ang unan na nahulog sa semento.
"Nasaan ba tayo at tapos na ba practice niyo?" tanong ko sa kanila. Nahalata ko kasing hindi na sila nakajersey at nakapang-alis na sila.
"Clinic and yep," simpleng sagot sa akin ni Genesis at tumayo na rin.
Inikot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Maraming mga kama at medyo masikip ang atmospera kasi kaming tatlo lang ang dito.
Napatingin kaming tatlo sa pintuan nang may pumasok na nars.
"Okay ka na ba, anak?" tanong niya kaagad sa akin.
Agad ko naman siyang tinanungan at nginitian.
"Well, I'm the nurse here. Call me, Ki. I just want to tell you that since then, ngayon lang ako nakakita ng babae dito," sabi niya sa akin.
Ngayon lang siya nakakita ng babae?
"Nurse Ki? May CR po ba kayo dito?" tanong ko sa kanya.
Mukha naman siyang nagtaka sa tanong ko pero tinuro niya pa rin ang isang pintuan. Agad kong hinablot ang braso niya at hinila siya papunta sa harapan ng pintuan.
"Um, anong meron?" gulat na tanong niya.
Huminga ako nang malalim. Baka mas lalo siyang magugulat kapag malaman niya kaya dapat dahan-dahan ko lang ipaalam sa kanya ang katotohanan.
"May salamin po ba sa loob nito?"
Tumango naman siya kaagad sa tanong ko at magtatanong pa sana siya ulit nang buksan ko na ang pintuan.
"Nurse Ki, 'wag po kayong magugulat ha," sambit ko.
Tumingin muna ako sa parte nina Jude at Genesis. Mukhang busy naman sila na nag-uusap, mabilisan lang naman ang gagawin ko.
Binuksan ko na ang pintuan at pinapasok doon si Nurse Ki.
"Gusto ko lang pong malaman ninyo na babae kayo," marahan kong sambit.
Sana 'di siya magulat... Sana 'di siya mahimatay...
"HUH?"
Nanlaki ang mata ko. Nagulat siya. Masyado atang mabilis ang pagpapakita sa kanya ng katotohanan na babae siya!
"Alam ko pong nagulat kayo pero gusto ko lang na malaman niyo na babae kayo," pagpapaliwanag ko.
Tinignan niya ako habang nakakunot ang noo niya. At bigla siyang napangiti nang parang may naisip siya.
BINABASA MO ANG
Escaping Gravity ✔
RomanceHow long does it take for one to escape gravity? Or to put it simply, how can I escape from falling for you?