Cuatro

26.9K 719 27
                                    

CUATRO

NANDITO si Genesis. Teka nga. Sinusundan ba niya ako?

"Kapuri-puri ang ating Poong Maykapal," simula ng pari sa simba.

Maykapal... Makapal... Kapal...

Napasimangot ako at napapikit. Ano ba yan? Ang sakto naman nito.

"Anak?" Rinig kong sabi ni mama kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi ka ba naiinitan sa damit mo? Medyo makapal ang tela ah," pabulong niyang tanong.

Makapal... Mas makapal ang mukha ko... "Okay lang ako, ma. Don't worry," sagot ko sabay iling at lalong napasimangot.

Pagkatapos ng misa, agad nagsilabasan ang mga tao para sa mga susunod na magsisimba. Hindi rin naman kami nagpahuli dahil tanghali na at hindi pa kami kumain. Nawala na rin bigla sa paningin ko si Genesis kaya hinayaan ko na lang, baka nakikipaglaro siyang hide and seek.

Palingon-lingon pa rin ako sa paligid baka nandiyan lang pala siya kaso biglang may isang babaeng bumangga sa akin.

"Ay!" sigaw niya.

"Ay ka rin!" sigaw ko dahil wala akong maisagot sa sinabi niya.

"Hindi ka man lang marunong magsorry?!" histerikal niyang sigaw.

Napakurap ako nang nakilala ko ang babaeng nasa harapan ko. Siya ang babaeng laging kasama ni Genesis, si Julian. Hindi ko alam kung ano ang parte niya sa buhay nito pero isa lang ang alam ko, mukha siyang hipon.

Naalala ko na nasa harapan pa rin ako ng simbahan kaya napakamot ako sa ulo.

Patawarin Niyo po ako pero mukha po talaga siyang hipon, este higad... Ay! Hiwaga! Tama! Mukha siyang hiwaga na galing sa lupa. Ayun, basta 'yun na po iyon. Ngunit hindi ko siya gets, siya nga ang bumangga tapos ako magsosorry? Hay, baka may pinagdadaanan siya.

"Pasensya na," bulong ko at hinabol ang ina kong naunang pumunta sa sasakyan para palamigin ito. Oo, may powers mama ko na magpalamig. Example nun ay aircon.

Pagpasok ko sa sasakyan ay nakita kong biglang may niyakap yung babae. Hindi ko masyado makita ang mukha nung lalake pero kahit likod lang niya ay alam na alam ko na.

***

STEP #2: DON'T MAKE HIM FROWN; MAKE HIM SMILE

Ang simple naman ng susunod na step! Ngiti? Sus! Yun lang pala eh! Alam ko nga ay ngumiti na siya dati eh. Um, hindi, ngumisi lang siya pero hindi pa ba pwede iyon? Hay. Sinong niloko ko?

"Nix? Anong sa tingin mo?" Rinig kong tanong ni Ureka, ang treasurer.

Lunes ngayon at half day lang kami sa kadahilanang may importanteng meeting ngayon ang lahat ng mga faculty kaya sinulit ko na at nakisabay na sa meeting para sa aming S.C. Officers at dahil nga nandito ang ina ni Genesis, eh nandito na rin siya.

"Ah... Huh? Ano?" tanong ko at napaupo nang maayos.

"Naisip kasi namin na dapat paghatian na lang natin yung mga trabaho para mas mapabilis. Yung tipong kunware, mga banners sa kanila, tents sa isang grupo naman tapos yung booths ay iba naman ang mag-ayos doon. Okay lang ba na ganoon?" tanong niya.

Tumango naman ako kaagad at napangiti. "Mas ayos yan, atleast mapapabilis nga. Siguro yung mga grupo na lang natin tulad dati kapag leadership training yung sundan natin?"

"Eh Nicky mickey tickey tiki star, diba mag-isa ka lang?" biglang tanong ni Eunise.

"Oo nga. Edi ikaw lang mag-isa?" alala ni Ureka.

Escaping Gravity ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon