Thirteenth Chapter - Changes

5.3K 195 13
                                    


*******

Chapter 13

Mico's P.O.V.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang buwan na rin ang nakaraan mula nung aminin sa akin ni Tyrone ang feelings niya para kay Katarina.

After that, nung makauwi ako sa bahay, nagkulong lang ako sa kwarto ko. Pero hindi para umiyak kundi para mag-isip ng mga dapat kong gawin and I ended up with one decision, ang ipagpatuloy ang lihim kong pagmamahal kay Tyrone. Ayoko naman kasing magpakahipokrito at sabihin sa inyo na kakalimutan ko na siya dahil sigurado akong alam niyo na hindi yun ganun kadaling gawin. Isa pa, wala namang "kami" na dapat kong kalimutan. Ang meron lang isang baklang tanga dahil sa umiibig siya.

Kinabukasan nun, pumunta ulit ako sa kanila para ipagpatuloy ang trabaho ko. Okay na ako sa ganito. Basta makita ko lang siya, makausap at makasama, okay na ako dun.

Binigyan ko nga pala siya ng cupcakes nung araw na yun bilang reward ko para sa kanya. Ewan ko kung kinain niya yung mga yun pag-uwi ko kasi sabi niya nakakataba daw yun.

Matagal-tagal na rin niya akong private teacher at sa mga araw na lumipas, naobserbahan ko ang mga maliliit na improvement niya. Ngayon, hindi na siya masyadong suplado, sumasagot na siya kapag kinakausap siya, napapansin niya na ang mga tao sa paligid niya, he's learned to control his temper kahit kaunti pero napakadalas talaga ng mood swings niya na daig pa ang babaeng may period, tapos hindi na siya palasigaw tulad ng dati (inborn talent niya yata yun eh), nagpaparticipate na siya sa mga klase niya, he's doing his homeworks, he's passing his quizzes and most importantly, parang mas nagiging close na siya sa mga magulang niya which I think is a very good thing. At alam niyo ba? Ngumingiti na siya pag magkasama kami. Iyun bang ngiti na kapag nakikita ko parang nawawala lahat ng pagod na nararamdaman ko pati na rin mga problema.

Hindi ko masasabi na magkaibigan na kami o mas naging close kami. Let's just say, mas nakikita niya na ako ngayon. I mean, hindi na ako isang taong invisible sa mga mata niya. I could say na parte na talaga ako ng mundong meron siya. Yun nga lang, hindi ito naging katulad ng pinapangarap kong role sa kwento ng buhay niya. Ganunpaman, wala na naman akong magagawa. He's straight, and there's no way on earth he'll look at me the same way I look at him.

Hindi namin napag-uusapan si Katarina or Jet kapag tinuturuan ko siya. Ewan ko pero hindi ko na siya tinatanong pa tungkol sa kanila. I've never heard anything about Jet since the day I ended whatever we have between us. Sobrang mali kasi talaga nung ginawa niyang pagsisinungaling sa akin na gusto niya ako pero ang totoo eh parang ginamit niya lang ako for his moving-on purpose. Hindi tama na pinaglaruan niya ang damdamin ko.

So ayun, hindi na kami nagkikita o nag-uusap. I chose to avoid him. Hindi ko pa kasi alam kung paano ko pa siya pakikisamahan pagkatapos ng mga nangyari.

So eto na, finals na namin next week. Finally makakapagbreak na rin ako sa mga bagay-bagay dito sa school. Masyado akong nastress ngayong sem. Si Tyrone, puspusan sa pagrereview niya. Halong tuwa na may bahid ng kaunting lungkot ang nararamdaman ko kasi inaapply niya talaga ang mga pinapayo ko sa kanya at pursigidong-pursigido talaga siya. Yun nga lang, ginagawa niya lahat ng yun para sa babaeng minamahal niya—si Katarina.

*sigh*

Oo nga pala, nakasuot na ako ngayon ng eyeglasses. Nagpacheck-up kasi ako sa isang optalmologist at napag-alaman kong may kung anong sakit sa mata akong namana sa papa ko. Hindi ko naman daw yun ikabubulag kung aalagaan ko na ang mga mata ko. Kaya pala palagi akong nadadapa kahit patag naman yung dinadaanan ko at kung minsan ay dumidilim ang paningin ko, may sakit na pala ako sa mata. I became so careless. Mas nagmukha tuloy akong matured kung titingnan dahil dito sa antipara ko.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon