Thirtieth Chapter - Gabriel

3.6K 190 57
                                    

---------------LOCKER246---------------

Chapter 30

"Tyrone pwede ba tayong mag-usap?" lakas-loob akong lumapit sa kanya habang abala siya sa pag-aayos ng loob ng locker niya.

Oras ng klase kaya walang mga estudyante sa hallway kundi kaming dalawa. Nagpaalam lang ako saglit sa professor ko na pupunta ng banyo. Nagkataong nakita ko si Tyrone kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon upang lapitan siya.

"Busy ako. Kung may sasabihin ka, sabihin mo na." he answered coldly, without even giving me a glance.

"Kahit saglit lang?" I pleaded.

Isinara na niya yung locker niya bago ako harapin. Nagtamang muli ang aming mga paningin. He looked at me with blank expression.

"You have 2 minutes." he bluntly said.

"Engaged na ba talaga kayo ni Georgina?" nanginginig na agad yung boses ko at alam kong anytime ay tutulo na naman ang mga luha ko.

"Oo." plain at mabilis niyang sagot.

"P-Pero p-pano....tayo?"













"Walang 'tayo'. Wala nun." pagkasabi niya nun ay hindi ko na napigilan ang aking mga luha sa pagpatak.

"Bakit, Tyrone? Anong nangyari? Ganun na lang ba yun?" umiiyak kong tanong sa kanya.

"Naniwala ka talagang magugustuhan ko ang isang tulad mo? Manalamin ka nga!!"

"Napressure ka ba sa pag-i love you ko sayo? Kung yun yung dahilan, Tyrone, I'm sorry. I'm really sorry. Wag naman ganito, oh." I tried reaching for his hand pero inilayo niya ito.

"Tss. You really wanna know the reason? Fine. Pinaglaruan lang kita, and you know what? I had so much fun playing you." para kong sinasaksak sa dibdib sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

"H-Hindi..Hindi yan totoo."

"But I'm not the type who settles with one toy for good. Madali akong magsawa. Kaya wag ka nang umasa na meron pang 'tayo'. At please lang, wag ka nang lalapit saken kahit kailan. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo, eh." nag-umpisa na siyang maglakad at nilagpasan ako.

"But those kisses were true!" I shouted a bit, making him stop from walking away. He looked back at me with a smirk.

"No. I was just a damn good kisser it made you think everything was real." he started taking steps and never looked back again.

Naiwan akong nakatayo sa tapat ng locker niya na durug na durog ang puso at tuluyan nang nilunod ng mga alon ng pagkabigo.

I thought it was the worst news I'll hear for that day, but I was wrong.

Nang makauwi ako ay isang balita ang mas lalong nagpaguho ng aking mundo.
















Wala na si mama. Tuluyan na siyang natalo ng kanyang sakit.

Para akong pinagsukluban ng langit at lupa.

I was in total shock.

Si Tita Minerva, kapatid ni mama, ang nag-asikaso ng lahat sa burol ni mama dahil hindi ko kayang tingnan si mama habang walang buhay itong nakahiga sa isang kahon.

Bumisita si Luis para makiramay pero nagpaalam na rin ito dahil babalik na siya ng London dahil pinapabalik na siya ng kanyang university.

Nang mailibing si mama ay kinailangan din naming maghiwalay na magkapatid. Si Mikay ay kinuha muna ni Tita Minerva para sa kanila tumira at doon na rin ipagpatuloy ang pag-aaral nito. Kahit sa Maynila lang ito ay sobra ko itong ikinalungkot.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon