Twenty-eighth Chapter - Gangster No More

5.5K 205 80
                                    

Wiii! Happy 30k reads! Awesome, you guys! <3

Something came up kaya hindi ako nakapagupdate yesterday.

I had to bring my puppy to a clinic because he was sick. But he's okay now. Thanks to our good God. :-)

Here's chapter 28, thank you all for patiently waiting! ^___^

-------------LOCKER246-------------

Chapter 28

Mico's POV

Naranasan mo na ba yung parang sasabog na yung puso mo dahil sa sobrang saya na nararamdaman mo?

Ako, ngayon na lang ulit.

Yung huling beses na naramdaman ko yung ganitong feeling ay nung mga panahong buhay pa si papa.

Buong akala ko, hindi na mauulit pa yung ganito, yung sobrang saya ko.

Pero, eto na siya. It has happened. It's real. And I couldn't wish for anything else.

Yung lalaking ilang taon kong pinangarap, minahal nang patago, at ini-stalk - heto na, nasa tabi ko na, malayang napagmamasdan at nahahawakan.

"Hahahahaha." ang sarap niyang pagmasdan tumawa. Sumisingkit yung mga mata niya at lumilitaw ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin. This is one of those things which they call picture-perfect.

Dumampot siya ng popcorn at unti-unting lumingon sakin habang nginunguya ito. He's munching it with a smile on his face.

Nilipat ko agad sa sobrang laking screen yung tingin ko bago niya pa ko mahuling nakatitig sa kanya.

Dahil nga may event ang college namin at siya naman ay wala nang klase or bb practice, nagpasya kaming manuod ng sine sa pinakamalapit na mall.

'Date' daw namin to sabi niya. Syempre, halos manginig naman ako sa kilig nung sabihin niya yun.

Ilang beses ko nang napanaginipan yung ganito. Pero ngayon, totoong-totoo nang nangyayari ang lahat.

"Nag-eenjoy ka ba?" tanong niya kaya nilingon ko naman siya. Tumango ako at ngumiti.

Nagtama yung mga paningin namin. Grabe lang siya makatitig. Para niya kong tutunawin.

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko sa kanya habang nakangiti rin.

"Ba't ang cute mo?" mabilis niya namang sagot.

"Hindi naman, eh." sagot ko at nag-pout.

Nabigla naman ako nang mabilis niya akong halikan sa labi. Napalingon ako sa mga taong nasa likod namin.

"B-Bakit mo yun ginawa?"

"Natempt ako nung ngumuso ka, eh."

"Nakakahiya baka makita ng ibang tao." kahit madilim ay nakita kong nagbago yung expression ng mukha niya. Hala, nagalit yata.

"Kinakahiya mo ko? Fine." umayos na siya ng upo at nagfocus na ulit sa big screen.

"Hindi, hindi. Sorry na. Wag ka nang magalit, please" sinubukan ko siyang kausapin pero hindi niya ko pinapansin.

Ilang beses kong sinubukan yun pero wala talaga. Galit talaga siya. Kakasimula pa lang ng relasyon namin, meron na agad ganitong nangyayari. Nalulungkot tuloy ako.

Tahimik na lang siya ngayon, ni hindi na rin tumatawa. Kasalanan ko talaga to, eh. Ano bang dapat kong gawin para pansinin niya na ako ulit?

First time sakin lahat ng to kaya wala talaga akong kaide-idea sa mga ganitong bagay.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon