Twenty-second Chapter - Deleted

4.4K 201 28
                                    

This chapter's dedicated to zham28 and iluvdenver. :-) Hope you'd like this chater, mga be. <3

Para sa mga team #LuCo. Hahaha.

~~~~

----------------LOCKER246------------------

Chapter 22

Mico's PoV

Pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko dahil sa nangyari sa Basketball class namin kahapon. Hindi ko na lang sila pinapansin. Ika nga ng isang gasgas na gasgas nang quotation, time is gold.

And indeed, sobrang halaga ng bawat oras ko. Kaya naman hindi ko dapat sayangin ang kahit isang segundo ko sa pagpatol sa kanila.

Muli namang naging abala ang mga hallway nang mag-ring ang bell sa buong university hudyat na tapos na ang current period.

Paglabas ko ng room ay nakita ko agad si Luis. Binabati siya ng mga kaklase kong babae, at dahil likas na kay Luis ang pagiging friendly, bumabati rin siya pabalik sa mga ito. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sakin.

"I have good news." excited niyang sabi.

"What is it?"

"Results are out. I just got accepted into the university basketball team."

"Wow." may takip-bibig effect pa ako niyan, "Congratulations!!" Oo, nag-try out siya last week lang.

"Thank you." kinuha niya mula sakin yung dalawang librong buhat ko at siya na ang nagdala. "This calls for a celebration. Where do you want to go?"

"Me? Why me? It's you who should decide since you're the one who should be rewarded."

"Are you sure with that? Because there's just one thing I really like to do."

"And that is?"

"To have a date with you." walang pakundangan niyang sagot. Naramdaman ko na naman yung weird na feeling na parang may mga insektong di mapakali sa loob ng tiyan ko.

"D-Date?"

"Yeah." aniya habang tumatango, "You know, a not-so-friendly date." naramdaman kong unti-unti nang umiinit yung mga pisngi ko.

Grabe, unang beses na may nagyaya sakin ng date, and I never thought na mangyayari yung ganto.

"Well it's okay if you don't want---" hindi ko na siya pinatapos.

"I would love to." I answered with a smile.

+

Sunday. 5pm. Ngayong gabi yung "date" namin ni Luis. Nakabihis na ako at naghihintay na lang nang may marinig na bumusina sa tapat ng bahay. Agad akong lumabas at nakita kong bumaba sa dilaw na kotse ang isang napakagwapong lalaki na ngayon ay naglalakad na palapit sakin.

Grabe, nakakahiya naman yung porma ko sa porma niya. He's just wearing a plain navy blue polo which goes well with his semi-fit black jeans and a pair of white rubber shoes, but I must say, he really looks extremely appealing.

Ako naman naka t-shirt lang na paborito kong isuot kasi si Pikachu ang design, at simpleng pantalon. Para siyang artista tapos ako yung P.A. niya. Nakakapanliit.

"Hey." he greeted me with that same old close-up smile. "You ready?"

Tumango lang ako at ngumiti pabalik.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon