Ninth Chapter - Pakielamerong TJ

4.5K 180 4
                                    


*******

Chapter 9

Tyrone's P.O.V.

Napatingin ako sa orasan at kaya pala kumakalam na tyan ko, alas siete na at kanina pa ko sulat nang sulat dito.

Pansamantala muna akong tumigil para kumain at para ipahinga ang kamay ko. Nakakangawit magsulat. Tiningnan ko yung kamay kong pinansulat, potek bakit parang may bumubukol sa palasingsingan ko? Parang kulugo na ewan. Tanda ba to na isa na kong mabuting estudyante? Ahem. Ahem.

Pagtayo ko ay naramdaman kong may nagvibrate sa bulsa ng walking shorts ko. Dinukot ko ito at medyo nabigla din ako.

Oo nga pala, di ko pala nabigay sa kanya tong phone niya. Obvious namang nakalimutan niya ding kunin sakin.

Dahil wala itong code, nabuksan ko ito. Ewan ko ba kung bakit, hindi ko ugaling mangialam ng gamit ng iba pero parang may nagtutulak sakin na tingnan tong phone niya. myPhone tatak, mahal ba yun?

Lumabas ako ng kwarto at habang naglalakad ako papuntang kitchen ay binubutingting ko ito.

"Manang nagugutom ako." sabi ko sa maid namin na nakaharap sa stove. Napaharap ito sa akin.

"Pero hindi pa tapos lutuin ang ulam,TJ. Gusto mo bang igawa muna kita ng chicken burger?" sabi nito. TJ ang tawag niya sakin dahil halos siya na ang nagpalaki sa akin. Palagi kasi noong abala ang mga magulang ko sa kanya-kanya nilang negosyo. Hanggang ngayon pa rin pala.

"Okay yan." sagot ko at umupo sa isang upuan sa dining room nang di inaalis ang tingin sa screen ng phone na hawak ko. Nawiweirduhan talaga ko sa sarili ko dahil di ko naman to talaga gawain eh. Yun bang mangingielam ka sa gamit ng iba. Pero takte lang, ewan ko kung anong meron tong phone na hawak ko at parang sinasabi niya sakin na "huy pogi, butintingin mo ko."

Habang hinihintay ko yung pagkain, nagbasa muna ako ng mga messages. Maraming unread messages na karamihan ay galing sa mama niya na tinatanong kung nasan na siya. Meron ding galing sa kaklase niya pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang pangalan ni Jet. Sinubukan kong buksan kaso may encrypted pincode. Ta3, may pacode-code pang nalalaman.

Dahil hindi ko rin naman mahulaan yung code, pumunta na lang ako sa gallery. Maraming albums at iba-iba ang mga title.

Una kong tiningnan yung unang album na puro projected presentations lang ang laman. Sunod yung album na ang title ay HS Grad. Puro picture niya kasama yung pamilya niya siguro. Teka, pareho kami ng pinag-graduweytang school? Ibig sabihin schoolmate ko na siya simula pa nung high school? Bat di ko siya nakikita dati? Baka fourth year lang siya nagtransfer dun? Baka nga.

Ipinagpatuloy ko pa yung pagtingin ng mga picture. Grabe ang daming medal na nakasabit sa batok niya. Matalino talaga siguro yung taong yun kaya kahit ahead ako sa kanya ng isang taon, siya pa rin ang pinili nila dad na maging private teacher ko. Pero atin-atin lang to ah, grabe ang talino nung taong yun lalo na sa Math. Nakikita ko kasi minsan yung mga quizzes at exams niya, at grabe kung hindi 1-3 mistakes, perfect. Napapatanong na nga lang ako sa isip ko, "tao ba talaga to?"

Tiningnan ko naman yung album na SKETCH at di ko maiwasang mapahanga habang isa-isang tinitingnan yung mga picture. Siya ba nagsketch nitong lahat? Wala sa itsura niyang makakaya nyang gumawa ng mga bagay na tulad ng mga to.

Ilan pa sa mga picture na kapansin-pansin eh yung picture nya na napapalibutan siya nang napakaraming bata. Mukhang matagal na panahon na nung kinuha tong picture na to kasi medyo totoy pa ang itsura niya dito, eh.

"TJ ito na ang pagkain mo." ani manang pero nanatili sa screen ng phone ni Mico ang mga mata ko. Kinuha ko yung burger gamit ang kanan kong kamay at kinagatan ito.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon