Hello! Thank you po talaga mga bes sa overwhelming support! Namomotivate talaga ako. I could never tell but thanks!!! This chapter's for all of you!!!!!!
#TeamGabriel #GabXMico
****
Sometimes, love just ain't enough.
****
Chapter 37
Mico's POV
Huling gabi namin sa Sityo Matiwasay. Nagsasaya ang lahat — nagkakantahan, nagsasayawan at nag-iinuman.
Napalapit na rin sa aming lahat ang mga taga-Matiwasay sa loob lang nang isang linggo. Masaya na malungkot. Masaya dahil nagawa naming makatulong sa kanila, malungkot dahil kailangan na naming bumalik ng Cavite bukas.
Balak kong kuhanan silang lahat ng pictures kaya naman bumalik ako sa kubo para kuhanin yung digicam ko.
Palabas na sana ako ng kubo nun nang biglang pumasok din si Tyrone at ang susunod na mga pangyayari ay hindi ko inaasahan.
Nanlalaki dahil sa gulat ang mga mata ko nang bigla niya akong yakapin.
"Limang minuto lang. O kahit tatlo, hayaan mo lang sana 'kong yakapin ka, please." anya at hinigpitan pa ang pagkakayakap sa'kin.
"T-Tyrone." wala 'kong ibang nasambit kung hindi ang pangalan niya.
"Please. Kahit ngayon lang."
God knows how I've longed to feel the warmth of his embrace again. Sana hindi ito basta panaginip lang.
Parang may sariling buhay ang mga kamay ko't wala silang inaksayang oras, at agad na gumanti ng yakap.
Isa ...
Dalawa ...
Tatlo ...
Hanggang sa maramdaman ko na lang bigla na humihikbi siya.
"T-Tyrone? Umiiyak ka ba?"
"Bakit ganito?..." base sa boses niya ay nakumpirma kong umiiyak nga siya. "Ako naman 'yung nagdesisyon nito, 'di ba? Ako naman 'yung nagtulak sa'yo palayo. Ako 'yung tumapos sa relasyon natin." bigla na lang rin akong napaiyak dahil sa mga sinasabi niya. Why, Tyrone? Why are you saying all this?
"Ako 'yung may gusto nito. H-Hinde. Hindi ko 'to gusto...." unti-unti akong nabuhayan sa mga sinasabi niya. 'Yung ilaw sa loob ko na pinatay na ng malakas na hangin ay muling nagkaroon ng sindi. Parang nagkaron ulit ako ng pag-asa.
"Mico, please.....I beg you...." mas humigpit nang humigpit yung yakap niya na para bang ayaw niya na 'kong pakawalan pa. Ganun din ako sa kanya.
Ngunit naramdaman kong unti-unting lumuwag 'yung pagkakayakap niya sa'kin, at ang pag-asang muling mabubuo ang relasyon namin ay giniba ng huling mga salitang binitiwan niya.....
"...lumayo ka na saken."
~~
Mabilis na lumipas ang mga araw. Ilang linggo na lamang ay mararating na namin ang gitna ng semestre, kaya naman karamihan ay abalang lubos sa pag-aaral, paggawa ng projects at iba pang requirements, at syempre, hindi mawawala yung mga estudyanteng parang hindi naman deserving na tawaging estudyante dahil wala silang ginawa kundi magfashion show dito, magmilk tea doon. Magpacute dito, magpakintaban ng kotse doon. Tsss. Rich kids.
BINABASA MO ANG
Locker 246
HumorMico Padua is deeply and secretly in love with Tyrone Rivera, an obnoxious, tall, dark and handsome guy from the same High School and University he is attending, for a very long time. The thing is, everybody knows Mico is gay and Tyrone's deeply i...