Mico's POV
"PAPATAYIN KITAAAAAAAAA!!!!" takot na takot akong nagtatakbo palayo sa lalaking gusto akong patayin. Ngunit kahit anong bilis ng ginagawa kong pagtakbo ay nahahabol pa rin ako nito habang may hawak na kutsilyo.
Walang katao-tao sa paligid kahit saan ako lumingon. Sigaw ako nang sigaw para humingi ng saklolo pero wala, walang taingang nakakarinig sa mga pagdaing ko.
Biglang kumulog at pagkatapos ay bumugso ang napakalakas na ulan.
Nang lingunin ko ang lalaki ay nakangiti lamang ito. Ngiting nakapangingilabot. Ngiting makapanindig-balahibo.
Napahinto ako sa pagtakbo nang makaaninag ako ng pigura ng isang babae. Naglalakad ito palapit sa akin hanggang sa unti-unti kong maaninag ang mukha nito......
*clank* *clank*
Mabibigat ang mga binitawan kong paghinga nang magising dahil sa ingay na lika ng metal na nalaglag sa sahig.
'Thank God it's just a dream.' aniko sa aking isipan.
May naamoy akong kung anong nasusunog.
"Shit. Ang init pala."
'Boses ni Saltikin 'yun, huh.' nasabi ko sa aking sarili. Mula sa pagkakahiga ay bumangon ako at ngayo'y nakaupo na lamang sa kama habang ang dalawang paa ay nakalapat sa sahig. Sinipat ko 'yung wall clock, 5:30 pa lang. 7 'yung first class ko and if I remember it right, 7 din ang first class ni saltikin. Nakakapanibagong ang aga niya nagising ngayon.
Pumunta sa "kitchen" 'yung tingin ko at automatic na gumuhit ng isang ngiti ang aking mga labi habang tinitingnan ang hubad na likod ni Saltikin habang nakaharap ito sa gas stove.
In that instant, nawala lahat ng mga bumabagabag sa isipan ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay ligtas ako kapag nandyan siya. Feeling ko ay walang makakapanakit sakin dahil nandyan siya para protektahan ako katulad ng ginawa niya kahapon. He's like my knight-in-shining-armor.
'Hmmm...he really has broad shoulders.' obviously, I said that to myself. At 'di naman halatang masyado siyang proud about it. Hope you noted the sarcasm in there. Hehe.
"Putek sunog na naman." dinig kong sabi niya na very evident sa tono ng pananalita ang frustration.
"Akala ko kung ano na'ng nasusunog, eh." pabiro kong sabi habang naglalakad papunta sa banyo. Automatic naman siyang napalingon saki't ngumiti.
"Uy! Good morning! Gutom ka na ba? Wait lang malapit na 'tong maluto." aniya. Nginitian ko lang rin siya bago tuluyang pumasok sa banyo para maghilamos at magtoothbrush.
After three minutes ay lumabas na ako ng c.r. Nasa harapan pa rin siya ng gas stove at nagpapaka-chef.
"Ano ba 'yang niluluto mo?" tanong ko at naglakad palapit sa kanya. Nakita ko agad ang tatlong sunog na pancakes na nakalagay sa pinggan. And when I said "sunog", malapit nang umitim 'yung pancakes.
"Pancakes. Hehe." sagot niya. Ewan ko pero ang cute-cute niya tingnan sa suot niyang apron. Para siyang batang nagluluto-lutuan. Although I have to admit that he's oozing with you-know-what-it-is right now.
"Marunong ka?" pinipigilan kong matawa nang tanungin siya.
"Honestly, no. Haha. Palaging nasusunog. Sinusunod ko naman lahat ng instructions na nakasulat sa box pero wala, sunog pa rin." nakangiti pa rin siya habang nagkekwento.

BINABASA MO ANG
Locker 246
HumorMico Padua is deeply and secretly in love with Tyrone Rivera, an obnoxious, tall, dark and handsome guy from the same High School and University he is attending, for a very long time. The thing is, everybody knows Mico is gay and Tyrone's deeply i...